Uuuuhhh!! I can't take this anymore! Gusto ko na talagang sabihin kay Raquel na pinag-pustahan lang sya nila Trev para magbreak sila agad. Nakakainis naman kasi tong dalawang to eh...bakit ang sweet nila masyado? Hindi naman ganyan ka-sweet sakin si Trev dati ah...hay...ewan.
[Cous, kailan mo ba sasabihin kay Raquel na pinag-pustahan lang sya nila baby Trev?]
Seriously? Gaga talaga tong pinsan kong to eh. Baby Trevor talaga? Baka hindi nya narealize yung magandang ex ni Trev ang kausap nya?
"Cous, are you serious? You're calling Trevor baby? Have you forgotten na naging kami ni Trev?"
[Stacey, hindi naman 'baby' tawagan nyo eh, 'babe'. Tsaka tingin mo ba magiging kayo pa ni Trev?]
Well, alam kong wala na kaming pagasa ni Trev, pero ewan ko ba sa sarili ko.
[Teka nga! Hindi naman kayo ni Trev ang pinag-uusapan natin eh! Sila ni Raquel! Gaga ka pinapalitan mo yung topic!]
"Hay...basta konting tiis na lang Tracey. Makakaganti rin tayo"
Natahimik kami bigla...that awkward silence...
"Sige na nga Tracey, male-late na ko. See you in class girl. Baka mamaya maging b*tch ako dun sa girl na yon"
[B*tch ka naman talaga eh haha!!] tapos bigla syang humalakhak kaya binabaan ko na sya ng phone.
Inubos ko na yung food ko tapos kinuha ko na yung susi ng kotse ko.
Habang nagda-drive ako papuntang school nakita ko naman sila Trev at Raquel. Kung hindi sana kasama ni Raquel si Trev isasabay ko sya para dagdag points yun sakin.
Pero narealize ko...kailan pa naging cheap si Trev? Maybe it's really true na he's just playing with that girl. Uhhh it's really cheap...they're just walking. Well it's sweet dahil dala ni Trev yung bag ni Raquel at magka-holding hands sila but...uhhh it's just weird.
Binilisan ko na lang magdrive papunta sa school.
---
Pagpasok ko ng room wala pa don si Raquel.
Nung napatingin ako sa direksyon ni Tracey titig na titig sya sa phone nya.
To:Tracey
Titig na titig ka sa phone mo ah...are you dating someone??
Napatingin sya sa akin tapos nagtext sya.
From:Tracey
Shunga!! Bawal bang gusto ko lang maging updated?
Hay ewan ko sakanya...
Nagulat ako nung biglang nagsalita si Raquel.
"Hi friend!" bati nya sakin.
"Hi!" masigla kong bati sakanya.
---
Hay ang boring ng class...kanina pa ko nagiisip ng sasabihin kay Raquel eh. Ano ba magandang sabihin para may konting drama yung sasabihin ko...hay... papabayaan ko munang magsaya sila ni Trev hanggang mag-dismissal. Siguraduhin nilang enjoyin na nila ang panahong sila pa...dahil mamaya mawawala na sila sa isa't isa.
---
Trevor's POV
Tinext ko si Raquel na may kukunin lang ako sa locker sandali. Pagbukas ko ng locker ko may papel na nalaglag galing sa locker ko kaya pinulot ko yon.
Nung tinignan ko kung anong nakasulat don nanlaki yung mata ko...
mawawala na sya sayo...
What the f*ck is this?!?!
Hindi ko alam bakit nung binabasa ko yun biglang pumasok sa isip ko si Raquel kaya sinara ko agad yung locker ko at tumakbo ako papunta sa section 1.
Sakto pagdating ko dun kakalabas lang nya ng room.
"Baby? Akala ko ba may kukunin ka sa locker mo? Tapos ka na ba?" pagtatanong pa nya.
"Baby let's go" tapos hinawakan ko na yung kamay nya papunta sa canteen.
Habang papunta kami sa canteen bigla naman syang nagsalita.
"Baby nagmamadali ka ba? Anong meron?"
"Huh? Ah wala" tipid kong sagot.
Habang kumakain kami tahimik lang kami.
Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung about sa kanina. Ano ba kasi yun? Saan ba yun galing? Tsaka sino namang magthe-threat sakin?? Kung sino man yung tinutukoy sa sulat sana walang mangyari.
Nung natapos na kaming kumain hinatid ko na sya sa room nya.
Nung nasa tapat na kami ng section 1 binigay ko na sakanya yung bag nya at hinalikan ko sya sa noo nya.
"Anong meron?"
"Huh?"
"Bakit mo ko hinalikan sa noo?"
"Wala. Namimiss ko na kasing halikan yung baby ko eh"
Nagulat ako nung hinalikan nya ko sa lips. Sandali lang yun pero kinilig ako.
"Ayan ah. Sige pasok na ko" tapos pumasok na sya.
Hanggang ngayon nandito pa rin ako sa labas ng room nya. Hindi ko alam pero parang ayokong lumayo sakanya. Dahil ba sa sulat? Hindi ko rin talaga alam.
Nung napatingin sya sa direksyon ko parang nagtataka sya.
Nagulat ako nung bigla syang tumayo at lumapit sakin.
"Baby bakit nandito ka pa? Malelate ka na sa class mo. Don't tell me magdi-ditch ka ng class"
"Nasabi mo na rin lang then sige"
Bigla naman nya kong pinalo ng malakas sa braso ko tapos sinamaan nya ko ng tingin.
"Baby naman, joke lang"
"Pumasok ka na nga"
"Kiss ko muna" tapos nag-pout ako.
"Pumunta ka na nga sa room mo"
"No! Kiss ko!"
Kiniss nya ko sa cheeks ko kaya kinilig ako haha.
"Bye baby!" Tapos pumunta na ko sa room.
After 5 minutes dumating na si ma'am.
Nung nagbell bigla ko namang naalala si Raquel. Nakalimutan ko yung about sa sulat kanina...
Sumabay sakin sila Ivan at Leo.
Pagdating namin sa tapat ng section 1 nanlaki ang mata ko.
This can't be happening. Anong ginagawa ni Stacey dito? At bakit kasama nya si Raquel.
Hinila ko si Raquel palayo kay Stacey pero tinanggal nya ang pagkakahawak ko sa kamay nya.
What's with her? I'm just trying to protect her from that b*tch.
BINABASA MO ANG
It Started With A Bet
Teen FictionIt started with a bet. How stupid right? Sa isang araw lang. Sa isang salita lang na lumabas sa bibig ng good-for-nothing badboy na si Trevor Lopez na gagawin nya ang bet ay nagsimula ang lahat. Paano kung dahil dun ay tuluyan na syang nahulog sa...