38-I Won't Leave You

198 14 1
                                    

May natanaw akong kotse...

Natanaw ko rin si Mark...halo-halong emosyon na yung nararamdaman ko ngayon...hindi ko alam bakit...

Hindi yun kotse ni Mark....at...kasama nya si Stacey...

Nakasandal si Stacey sa kotse ni Mark at hawak ni Mark yung braso ni Stacey...

Anong ginagawa nila...ayokong magisip ng masama pero pano? Kung eto yung nakikita ko ngayon...

Hindi ako makalapit...hindi ko alam pero pinipilit kong manatili dito kahit na masakit na...ang sakit na talaga...

Nagulat naman ako nung may humila sakin...hindi ko sya makita dahil ang labo na ng paningin ko...wala na kong makita...

Kahit hindi ko makita ng malinaw kung sino yung humila sakin sumama pa rin ako sakanya...

Bigla naman kaming tumigil sa paglalakad.

Bigla na lang akong nanghina kaya napaupo ako...

"Minsan, masakit na pero pinipilit pa rin nating hindi ipahalata"

"Ganon talaga pag mahal mo eh" yung boses na yun...

Sya yung minahal ko...sya rin yung nanakit sakin...pero dati yun...iba na yung ngayon...

Oo mahal ko na si Mark...pero...wala na ba talaga akong karapatang mahalin ng iba...

Nagulat ako nung isinandal nya yung ulo ko sa balikat nya. Hindi ko alam pero sumandal na rin lang ako sa balikat nya.

Trevor's POV

"Please stay with me..." nagulat ako nung sinabi nya yon.

"I won't leave you..." I never did...mahal pa rin kita...hindi ko lang masabi...

"Ahh...ganun ba talaga kayong mga lalaki?! Bakit lagi na lang akong nasasaktan..."

"Raquel..."

"Trevor ang sakit eh! Ngayong gabi pa talaga...hindi pa ko handa...ang saya saya ko...nahulog agad ako sakanya..."

"Shhh" sabi ko pa habang pinapatahan ko sya.

Habang patagal ng patagal humihina yung pagiyak nya...

Bigla ko namang napansing tulog na pala sya. Binuhat ko na sya papunta sa kotse ko. Buti hindi masyadong malayo yung pinag-parkingan ko.

Pag-dating ko sa bahay nila nagulat si Ranz.

"Bakit kasama mo yung kapatid ko?! Tsaka si Mark ang mag-hahatid sakanya di ba?!"

"Just let me in? Please?"

Pinapasok naman nya ko para madala ko na si Raquel sa kwarto nya.

"Raquel, I'll explain everything to you next time..." sabi ko bago pa ako lumabas ng kwarto nya.

Paglabas ko ng kwarto ni Raquel nandun si Ranz.

"Bakit mo kasama si Raquel?!"

"Pwede bukas na lang ako mag-explain? Gusto ko na ring umuwi..."

"Siguraduhin mong ie-explain mo sakin lahat bukas kung hindi patay ka sakin"

Nag-drive na ko pauwi. Pag-labas na pag-labas ko pa lang ng kotse ko sinalubong agad ako ni Mark.

"Bakit mo kasama si Raquel? You ruined everything. Sinira mo yung plano ko"

"Ako? Sigurado ka ba?" bigla naman syang nagtaka.

"Ikaw, bakit mo kasama si Stacey?"

"What do you mean?"

"Kasama ko si Raquel kasi gusto ko syang i-comfort...gusto ko syang tulungan dahil sinaktan sya ng magaling nyang kaibigan..."

"Explain everything to me"

Sa totoo lang nagulat ako na hanggang ngayon wala pang suntukang nangyayari.

"Nakita kayo ni Raquel. Nasaktan sya. Kung wala ako baka may masama pang nangyari sakanya dahil sayo"

"Sh*t!" bulong pa nya sa sarili nya.

Iniwan ko na sya at pumasok na ko ng bahay.

Wala na kong paki sakanya. Hindi ko naman kasalanan na nasaktan si Raquel dahil sakanya eh. 

Sa totoo lang, mas gusto ko pang matulungan si Raquel na maging sila ni Mark kesa maging kami...

Para sakin, maging masaya lang sya...yun na rin siguro yung nakakapag-pasaya sakin...

Yun rin naman yung rason kung bakit ko sila sinusundan ni Mark...

Nakita ko rin namang mas nag e-effort si Mark kesa sakin...

Nag-shower lang ako tapos humiga na ko sa kama ko...

Ang daming nangyari ngayon...

Bukas kaya, papansinin pa rin ako ni Raquel...

Alam ko namang wala lang syang masandalan kanina kaya iniyakan nya ko...pero bukas...

Sana pag dumating na yung tamang panahon...masabi ko na rin sakanya yung mga gusto kong sabihin...pero...masasabi ko pa nga ba yung mga yun?





It Started With A BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon