13-Something

249 20 2
                                        

(Ranz's pic) 

Ranz's POV

Ang aga ko nagising ngayon. Haaaayyysss. Gising na kaya si Raquel? Mukang hindi pa. Maka-labas na nga muna ng bahay.

Himala yata at wala ngayon si Trevor. Mukang nag-away tong dalawang to kagabi.

Pumasok na lang ulit ako.

---

Ang tagal naman gumising nung babaeng yon.

Pinuntahan ko sya sa kwarto nya para gisingin sya.

"Hoy! Gising na! Hoy!"

Aba hindi ka pa rin gigising ah.

Lumabas muna ako ng kwarto nya tapos kumuha ako ng tubig. Pag-balik ko sa kwarto nya binuhos ko yon sa muka nya.

"Kuya ano ba! Bakit hindi mo na lang ako ginising ng maayos!?" Pag-rereklamo pa nya.

"Alam mo sinubukan ko naman eh. Kung gumising ka sana edi hindi ka maliligo dyan sa kama mo"

"Kahit na!"

"Di bale ok na yan. Deretso ligo ka na"

Kitang-kita ko sa muka nya yung galit. Hahaha! Na-miss ko rin tong kulitan namin.

Lumabas na ko ng kwarto nya.

---

"Good morning anak" bati ni mama kay Raquel.

"Good morning po" walang gana nyang sagot.

Totoo nga talaga yung sinabi ni Ivan. Mukang nagka-problema si Raquel at Trevor.

"Ma alis na po ako" walang gana nyang sabi ulit.

Pinabayaan ko na lang syang umalis kasi alam kong kailangan nyang ayusin kung anong nangyayari ngayon.

Sinundan ko lang sya habang maka-labas sya ng gate.

Pag-labas nya ng gate may nakita akong kotse na naka-park malapit sa bahay namin tapos may lalaking naka-cap. Parang nakatingin sya kay Raquel? Nilapitan ko sya tapos bigla naman syang napa-tingin sakin.

Si Trevor? Anong ginagawa nya dito? Hindi ba magka-galit sila?

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ah wala"

Kailangan kong malaman kung anong nangyayari dito.

"Sumama ka sakin"

Pumasok muna kami ng bahay.

"Sabihin mo nga kung anong nangyari kahapon"

"Kahapon? Ah pa-pano mo nalaman?" medyo nauutal pa sya ng konti.

"Basta" hindi ko na lang sinabi na si Mark yung nag-sabi sakin. Ang sabi lang kasi ni Mark sakin pinuntahan ni Trevor dun si Raquel tapos umalis na sila.

"Ah nagalit kasi sakin si Raquel na sinuntok ko si Mark. Hindi ko naman sinadya na gawin yon eh. Nadala lang talaga ako ng galit" sinuntok nya si Mark? Hindi na ko mag-tataka kung bakit. Dati pa naman kasi sya galit kay Mark.

"So bakit mo sinusundan yung kapatid ko?"

"Sinabihan nya ko ng layuan ko sya. Alam kong hindi ko yun kaya. Kaya naisip ko na kung susundan ko na lang sya, atleast mababantayan ko pa rin sya" ganon ba talaga sya? Kahit na sabihan sya na layuan nya yung isang tao susundan pa rin nya? Psh. Abnormal-_-

---

Raquel's POV

Hanggang sa maka-dating ako dito sa room wala pa rin akong gana. Hindi ko alam bakit pero ganon eh. May kinalaman talaga si Trevor dito kung bakit ako nagkaka-ganito eh. Haayyyss. Kung hindi lang nya ginawa yon edi sana hindi ako nagalit sakanya.

---

Bigla na lang nag-bell. Lunch na pala hindi ko man lang namalayan. Ganon ba talaga ka-lutang yung utak ko? Para hindi ko pa mapansin na bell na pala.

Pag-labas ko ng section ko dumeretso na ko sa canteen.

Nakita ko sila Ivan at Leo. Kaso parang wala si Trevor. Absent kaya sya?

Bigla namang kumaway sakin si Ivan nung nakita nya ko. Tapos bigla silang lumapit sakin.

At dito pa talaga sila kakain ah?

"Ah Ivan sorry nga pala kahapon bigla na lang akong nawala. Paki-sabi na rin kay Mark kung makita mo sya ah"

"Psh. Wala yon. Kinwento na sakin ni Mark yung nangyari"

"Si Mark? Ok"

"Bakit ba kasi ganyan yung kaibigan mo eh. Basagulero"

"Kung alam mo lang ang lahat" bulong nya sa sarili nya. Ang labo naman nya. Alam ko naman ang lahat eh. Mukang nag-selos lang sya kaya nya nagawa yon. Pero mali pa rin kasi eh.

Tahimik lang kami habang kumakain.

"Uh Ivan asan nga pala si Trevor?"

"Huh? Absent eh. Nagulat nga ako eh. Hindi ko alam kung may sakit sya pero ang dami nyang missed call sakin kahapon. Hindi ko nga lang nasagot kasi nasa bar ako kahapon" sinamaan ko sya ng tingin. Tapos si Leo parang nabulunan pa.

"Hindi ako nang-chicks no! Uminom lang ako"

Tinignan ko si Leo tapos parang may alam sya eh.

"Leo bakit?"

"Ha ah wala!" Defensive? Mukang may alam to kay Trevor eh.

"Alam kong alam mo kung nasan si Trevor" tinatakot ba sya ni Ivan? Haha! Ang cute naman!!

"Naki-tulog lang sya samin. Tapos umalis na sya kanina"

"Uh guys una na ko ah. Malapit na kasing mag-bell eh" singit ko. Tutal papunta na sa wala yung usapan eh.

Tapos pumunta na ko ng room.

---

Bigla namang nag-bell. Uwian na pala. Hanggang ngayon lutang yung utak ko. Paano ba namang hindi eh iniisip ko yung sinabi ni Ivan. Naintindihan ko naman yun eh pero hindi kaya may ibang ibig sabihin pa yon. Haayyy!! Ano ba naman tong iniisip ko!

Pag-labas ko ng room bigla namang may humila sakin. At ouch ha. Maka-hila to akala mo mawawala ako.

---
Author's Note

Yah! Sino humila kay Raquel?!

Waahh! Guys sorry ang tagal ko mag UD. Peace:)) Busy lang talaga. Sorry:)) Sorry na rin kung maiksi:)) Thank you talaga sa mga nagbabasa nito:)) Hwaiting!!

It Started With A BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon