(Raquel's pic)
Isang linggo na pala kaming hindi nag-papansinan. Isang linggo na rin syang hindi nag-papakita sakin. Hindi ko alam bakit ako nagkaka-ganito eh. Di ba ako naman yung may gustong layuan nya ko? Pero bakit parang ako pa yung nakaka-miss. Sa totoo lang hanggang kahapon si Ivan pa rin yung nag-hahatid sundo sakin. Hindi ko na rin sinabi sakanya na alam ko na, na si Trevor yung nagpapa-hatid sundo sakin kasi baka pati kami mag-away. Baka sabihin pa nyang nakikielam ako sa privacy nya. Eh hindi ko naman sinasadyang sagutin yung phone eh. Sasabihin ko na nga sana na naiwan yung phone ni Ivan dito pero binabaan ako ni Trevor.
Bumaba na ko kasi medyo nagugutom na ko. Sinalubong naman ako ni Prince. Nakipag-laro muna ako kay Prince. Ang tagal ko na rin kasing hindi nakikipag-laro kay Prince eh. Pag-uwi ko tulog na sya tapos pag-gising ko naman tulog pa sya. Kaya hindi na kami nakakapag-laro.
"Good morning anak!"
"Good morning ma!"
Nung nakita kong may lasagna sa mesa bigla akong ginanahan. Ang tagal ko ng hindi nakaka-kain ng lasagna eh. Buti nalang hindi nag-request si kuya.
"Anak kumain ka na bago magising yung kuya mo. Baka sabihin nya inuna ko yung request mo sa request nya. Di bale iluluto ko na yung request nya kaya ok lang na ubusin mo yan"
Mas ginanahan ako sa sinabi ni mama. Pwede ko daw ubusin. Hahaha. Buti naman.
Habang kumakain ako bigla ko namang naalala si Trevor. Mahilig din kasi sya sa lasagna. Hindi ko alam bakit ako yung nagkaka-ganito. Parang miss na miss ko sya? Samantalang ako yung nagsabi sakanyang layuan nya ko. Tsaka hindi dapat ako nag-eexpect na sya yung kakausap sakin dahil ako yung nagsabi sakanyang layuan nya ko. Ang abnormal ko na talaga-_-
Pag tapos kong kumain bumalik lang ako sa kwarto ko. Parang ang tahimik. Hindi ko alam pero kinuha ko nalang yung phone ko at tinawagan ko si Ivan.
[Yes, bakit ka napa-tawag?]
"Yah, ah pwede bang puntahan mo ko dito sa bahay? Kung ok lang sayo, ah samahan mo ko sa bahay nila Trevor"
[Hah! Ah oh sige hintayin mo lang ako dyan]
"Sige thank you" tapos binaba ko na yung phone.
Hindi ko alam bakit ko sinabi ang lahat ng yun pero parang may nagtututlak sakin na gawin yon.
Naligo na ko dahil alam kong papunta na si Ivan. Bahala na. Maybe this is the right time na magka-ayos na kami kaya ko nagawa yun.
After ko maligo nag-bihis na agad ako. Pag-baba ko nandun na si Ivan.
"Yah! What took you so long!?" Pag-rereklamo pa nya.
"Bakit ilang minutes ka pa lang ba nandito?"
"Mga 5 minutes na kaya ako dito!!"
"Psh. 5 minutes lang pala. Kung makapag-reklamo ka akala mo isang oras ka na dito"
"Hindi dapat pinag-hihintay ang gwapo ok?"
Nag-paalam lang ako kay mama tapos umalis na kami ni Ivan.
Lumabas na ko ng bahay tapos sumunod na sya sakin.
Ang bilis mag-drive ni Ivan kaya agad kaming naka-dating sa bahay este mansion nila Trevor.
"Uh Ivan alam ba ni Trevor na pupunta tayo dito ngayon?"
"Of course. Pauwi na yun. Umalis kasi sya kaya mag-hihintay tayo ng sandali"
"Ah ok"
Habang papasok kami ng bahay este mansion nila Trevor parang kinakabahan ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hay. Di bale kaya ko to! Hwaiting!(hwaiting-fighting)
"Good morning po sir Ivan" bati nung isang maid.
Ang dami nilang maid grabe!
Umakyat kami tapos pumunta kami sa isang kwarto. Feeling ko kwarto to ni Trevor. Ang angas talaga ng kwarto nya. Pero red yung wall. Favorite color nya ba yung red? Samantalang bad boy sya.
"Uh Raquel dito ka muna ah. Rest room lang ako"
Tumango lang ako.
Ang tagal naman ni Ivan. Umikot-ikot muna ako sa kwarto ni Trevor. Meron isang table dun na maraming pictures tinignan ko yun isa-isa. Kaso napa-tingin naman ako sa isang picture na naka-frame. May kasama si Trevor na babae. Ang sweet nila. Parang girl friend nya? Pero di ba player sya so wala syang sineryoso? Ewan ko ba pero kinuha ko yung frame tinignan ko yun. Ang saya saya nilang dalawa. May nakita naman akong parang papel na nasa likod ng picture kaya binuksan ko yung frame at tinignan ko yung papel. Parang letter. Na-curious ako kaya binasa ko yung naka-sulat sa papel.
alam kong hindi na tayo at hindi na magiging tayo pa. I know wala na tayong pag-asa. Kung may lakas pa sana ako ng loob para itanong sayo na bakit mo ko pinag-palit kay Mark tinanong ko na. We were happy, then that night came. Hindi ko akalaing ipag-papalit mo ko at sa best friend ko pa. I gave you everything. Pero nagawa mo pa rin sakin ang lahat ng yon. Then you're giving me your f*cking explanation that you were just drunk kaya mo sya nahalikan. Ever since nung nakilala kita, I realized na wala na kong mamahalin pang iba kung hindi ikaw, pero nung nakita kong nag-hahalikan ni Mark, parang gumuho yung mundo ko. If you broke up with me before I saw you two kissing, that would be better than seeing my girl friend kissing with my best friend.
Hindi ako maka-paniwala sa nabasa ko. Ex ba sya ni Trevor? Sino sya? At sinong Mark yung sinasabi ni Trevor? Posible kayang si Mark yun? Kaya ba nya sinuntok si Mark at kaya ba nya sinabing 'nagawa mo na yan dati'? Ang gulo. Parang nasasaktan ako nung nakita ko yung picture at nung nabasa ko yung sulat.
Bigla namang may nag-salita kaya nabitawan ko yung frame.
--
Author's Note
Yah! Sorry sa mga natagalan sa UD. Alam kong may pasok na yung iba....I'll just show the pic of the girl next chap. Sorry sa mga natatagalanXDXD Sorry din kung maiksi. Medyo busy na kasi kaya ganon. Basta, hwaiting!! Love you guys!!!
BINABASA MO ANG
It Started With A Bet
Fiksi RemajaIt started with a bet. How stupid right? Sa isang araw lang. Sa isang salita lang na lumabas sa bibig ng good-for-nothing badboy na si Trevor Lopez na gagawin nya ang bet ay nagsimula ang lahat. Paano kung dahil dun ay tuluyan na syang nahulog sa...