3- Childhood Friend

509 28 2
                                    

Trevor's POV

"Ano vain?! Tsk!"

"Oo!" Sabay na nga sila pasigaw pa nila sinabi.

"Ano tingin nyo sakin bingi?!? Kailangan nyo ba sigawan ang gwapo!?"

Binilisan ko na yung paglalakad ko. Gutom na ko eh. Bawal magutom ang gwapo.

---

Bumili ako ng favorite kong lasagna. Hindi talaga ako nagsasawa dito. Ang sarap kasi eh.

Pabalik na sana ako sa pwesto namin nila Ivan kaso bigla ko namang nakita yung nerd na nakapila rin pala sya. Ano to stalker? Pero ok lang, marami naman akong fangirls na nagsta-stalk sakin. Pero parang hindi nya kilala kung sino si Trevor Lopez. Kasi hindi naman nya ko sasagutin ng ganon kung kilala nya sino yung kinakalaban nya. Fan ko kaya to? Pero kanina titig na titig sya sakin na parang gusto nya kong halikan. Ewan ko ba! Pero malamang sa malamang stalker ko sya. Nagpapakipot pa kasi eh. Magtatago nalang ng feelings palpak pa. Ang tanga lang eh!

Napatingin naman sya sakin habang nakatingin ako sakanya kaya nagkatinginan kami sa mata. Infairness, maganda naman talaga sya. Yung ugali nga lang.

---

Ivan's POV

Ang tagal naman ni Trev bumili ng pagkain! Nakain ko na yung footlong na binili ko hindi pa rin sya bumabalik.

"Asan na kaya si Trevor" tanong ko kay Leo habang sarap na sarap sya sa burger nya.

Pagkasabing-pagkasabi ko pa lang non bigla namang dumating si Trev na may dalang lasagna. Wala talaga syang kasawa-sawa dyan.

"Oh aran na shi Trev" sabi ni Leo habang punong-puno yung bibig nya.

"Bro, ang baboy mo! Uso namang ngumuya at lumunok" pagkasabing-pagkasabi pa lang nyan ni Trev natawa naman ako bigla.

"Ayan! Ang takaw mo kasi"

Tinignan ko yung phone ko para malaman anong oras na at meron pang 30 minutes bago mag-bell.

"Leo, bilisan mong kumain" pagharap na pagharap ko kay Leo tapos na pala sya. Tumingin naman ako kay Trev at hindi pa nya nauubos yung pagkain nya. Sinamaan nya naman ako ng tingin.

"Tre--"

"Hep-hep-hep-hep, bawal i-pressure ang gwapo remember?"

Paminsan sumasagi rin sa isip ko kung pano ko nga ba naging kaibigan to.

"Fine"

---

Sa wakas natapos na rin sya. Ang bagal nya kumain.

Binilisan na naming makapunta ng room baka kasi ma-late pa kami.

---

"Okay class meron tayong surprise quiz ngayon"

T*ngina! Hindi pa ko marunong! Teka si Trev, magaling sya sa Math. Tama kokopya na lang ako.

Nung makarating sa pwesto ko yung test paper ang hirap pala.

"Trev!" Bulong ko.

"Trev!" Paulit-ulit kong tawag sakanya.

"Yes?" Pagharap nya sakin naka-smirk pa sya. Seriously? Ngayon pa talaga sya mang-aasar?

"Bro, pakopya"

"Ayoko" tipid nyang sagot.

"Sige na bro, pakopya na. Tutulungan kitang mang-chicks"

"Ano ako?! Si Leo?! Hindi ako mukang chicks bro" sabay tawa.

Sinamaan ko sya ng tingin.

"Hindi ako takot sayo bro"

It Started With A BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon