9-Fight

252 24 3
                                    

Raquel's POV

Ang aga ko nagising ngayon. Naligo na ko agad tapos nag-bihis na ko.

Bumaba na ko ng kwarto ko. Tulog pa si Prince kaya hindi muna ako nakipag-laro sakanya.

"Kumain ka na" sabi ni kuya.

"Sige" tapos kumuha na ko ng pagkain.

---

"Susunduin ka ba ni Trevor ngayon?" Tanong ni kuya.

"More or less baka sunduin nya ko. Bakit?"

"Wala kasi sya sa labas eh. Gusto mo ako na lang mag-hatid sayo?"

"Ite-text ko na lang muna"

Bakit kaya wala sa labas si Trevor? May sakit ba sya? Pero kagabi sya nag-hatid sakin eh.

To:Trevor

Susunduin mo ba ko ngayon? Pag hindi magpapa-hatid na lang ako kay kuya. Pls. reply ASAP.

Nag-reply naman sya agad.

From:Trevor

Dyan ka lang muna. Hintayin mo lang ako. I'll be there in 5 minutes. Love u:*:*

Weirdo talaga tong lalaking to. Kung maka-love you at kiss wagas!

"Ano sabi?"

"Papunta na daw sya dito"

"Bakit daw sya na-late?"

"Ewan ko"

---

Sa labas na nga ako mag-hihintay.

"Bye ma, kuya"

Niyakap ko si mama tapos nag-wave ako kay kuya.

Pag-labas ko wala pa rin si Trevor.

Bigla namang nag-ring yung phone ko.

"Hello?"

[Ah sorry hindi na kita mahahatid] bigla naman ako nasaktan sa sinabi nyang yon. Pinahintay-hintay nya ko dito tapos wala rin pala.

"Ok lang. Kaya ko namang pumasok mag-isa eh" tapos in-end ko na yung call.

Bigla namang may nag-takip ng mata ko.

"Sino yan?!" Oh no! Kinakabahan ako! Kidnapper ba to? Kuya!!!

"Kuya!! Trevor!!! Nasan na kayo?! Kailangan ko kayo!!"

Bigla naman nya kong niyakap mula sa likod. Hindi na naka-takip yung mata ko pero hindi ko sya makit dahil nasa likod ko sya. Bakit ako yayakapin ng kidnapper? Hindi ba nya ko patutulugin?!

"I'm here" ang sexy ng pagkaka-sabi nya non. Pamilyar yung boses na yun eh. Parang boses ni...

Hinarap nya ko sakanya.

"Trevor?!" Bakit sya nandito akala ko ba hindi sya makaka-punta.

Nag-smile sya sakin.

"Anong ginagawa mo dito? Tsaka bakit pawis na pawis ka?"

"Nandito ako para sunduin ka"

"Eh sabi mo hindi ka pupunta"

"Sinabi ko lang yon para ma-surprise kita"

"Eh bakit ka pawis na pawis"

"Ay oo nga pala" may binigay sya saking chocolates and flowers.

"Bakit hindi ka masaya?" Tanong nya sakin.

"Ah ayoko kasing makakita ng flowers na nalalanta" bigla naman syang nalungkot sa sinabi kong yun.

"Sabi na nga ayaw mo eh" bulong nya sa sarili nya. Parang nasasaktan akong nakikita syang ganyan.

It Started With A BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon