5- The Transformation

426 27 5
                                    

Raquel's POV

Ang aga-aga nagsisisigaw si kuya sa labas!! Inaantok pa ko eh!! Lakas ng topak nya!! Akala mo naman sya hindi tulog-mantika. Eh sakanya nga ako nagmana eh. Tinakpan ko nalang yung tenga ko ng unan tapos tumalikod ako sa direksyon ng pintuan. Ayaw pa nya talaga tumigil ah!

"Hoy! Pwede ba kung ayaw mo nang matulog, magpatulog ka! Sabado na Sabado nambubulabog ka" bigla naman syang natigilan sa pag-katok nya. Sa wakas tumigil na rin sya. Bigla ko namang narinig na bumukas yung pintuan ng kwarto ko.

Bago pa ko makatingin sa may pintuan bigla namang may nag-buhos ng tubig sakin. Kung kailan ang sarap-sarap na ng tulog mo biglang may eepal. Nakaka-badtrip talaga sya kahit kailan.

"Good morning lil sis"

"Kuya!!!!!!!!" napatayo na lang talaga ako sa kama ko. Sinugod ko sya kaso ang tangkad ni kuya eh! BADTRIP!!! Hindi ko sya maabot!!

Hindi nga ba? O baka over lang talaga ako?

"Ang aga-aga nakasibangot ka?!?!"

At sya pa talaga ang may ganang mang-asar ha?!?!

"Kuya Ranz naman eh!"

"Raquel, ikaw naman kasi. Alam mong may bisita ka, hindi ka man lang naghanda. Kahit sarili mo hindi mo pa hinahanda"

Bisita?!?! Sinong bisita?!?! Ako?! May bisita?!?!

"Sinong bisita?!?!"

"Teka teka teka. Sagutin mo nga ako. Nanliligaw ba si Ivan sayo?"

Anong connect nung tanong nya sa tinanong ko na 'Sinong bisita?!?!'. Seryoso nakainom ba to?

"Hindi kuya. Bakit?"

"Ah wala. Sige maligo ka na. Bilisan mo. Kanina pa naghihintay bisita mo"

"Sino--"

Bigla naman nya kong sinaraduhan ng pinto. Magalang talaga tong si kuya eh. Bakit kaya hindi sya nagbe-best in conduct?

"Nice talking" bulong ko sa sarili ko.

--

Naligo na lang ako tapos nag-bihis na ako. Nagtataka talaga ako kung sino yung bisita ko eh. Eh hindi naman ako sinagot ng magalang kong kuya. Makababa na nga.

Pagkababang-pagkababa ko pa lang agad naman nya akong binati.

"Good morning prinsesa"

"Anong prinsesa pinagsasasabi mo dyan ha, Ivan!"

"Bawal ba?"

"Pwede pero prinsesa ba ko?"

"Hindi!" singit naman ni kuya. Alam ko naman eh, napaka-galang ni kuya.

"Oh anak!! Gising ka na pala!" bungad sakin ni mama.

"Oh kumain na kayo. Ikaw Ivan, kumain ka na ba?"

"Hindi pa po eh tita"

"Tita?! Bakit pamangkin ka ba ni mama?" singit naman ni kuya.

Sabi na eh. Ang galang ni kuya.

"Ranz!" tapos tinignan naman ni mama si kuya ng masama.

"Oh sige, Ivan dito ka na mag-breakfast" tapos nginitian naman ni mama si Ivan.

"Thank you po tita"

--

Ang sarap ng luto ni mama. Grabe!

"Hoy Raquel! Mahiya ka nga! May bisita ka tapos kung makakain ka dyan parang wala ng bukas" paninita pa ni kuya.

Pati ba naman pag-kain ko pinakikialaman pa nya? Ang galang na nga nya hindi pa sya pakielamero. Psh.

It Started With A BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon