Hay...ang sakit ng mata ko...dahil na rin siguro to sa kakaiyak ko...
Naligo na ko bago ako bumaba.
"Raquel kumain ka na" utos pa ni kuya.
Sumunod na lang ako at umupo na ko kahit wala pa kong gana. Sa totoo lang nagugutom na ko dahil hindi pa ko kumakain ng dinner.
"Anong nangyari?" Pagtatanong pa nya.
"Di bale, walang alam si mama dito. Nagsinungaling ako sakanya. Alam ko namang may problema ka kaya hindi ko na pinaalam pa kay mama, alam kong magaalala lang yun"
"Wala si mama?"
"Umalis" tipid nyang sagot.
"So ano ngang problema?"
Kumain na lang ako at hindi ko na sya sinagot.
"Raquel, sagutin mo ko" mahinahon nyang sabi pero natatakot na ko sa boses nya.
Ranz's POV
"Break na kami" halata sa boses nya yung sakit at panghihinayang.
Bigla naman akong nakaramdam ng galit. Nagtiwala ako sa g*gong yun pero sasaktan rin lang pala nya ang kapatid ko. G*go talaga sya.
Gusto ko ng sugurin si Trevor sakanila pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Pinag-pustahan lang nila ako..." lumuluha na sya ngayon. Mas lalo lang nadadagdagan yung galit na nararamdaman ko ngayon.
Tumayo na ako at palabas na sana ako ng pintuan nung pinigilan ako ni Raquel.
"Kuya wag mo syang sugurin...please...gusto kong ipakitang hindi lang sakanya umiikot ang mundo ko...na kaya kong mabuhay ng wala sya...at lalong hindi ako naghahabol sakanya..."
Napaisip ako sa sinabi nya. May point sya. Ayoko rin namang isipin ni Trevor na patay na patay sakanya yung kapatid ko...
"Fine" yan na lang ang naisagot ko sakanya.
Nagkaroon ng sandaling katahimikan.
Inubos nya na ang pagkain nya at nagpaalam syang dun muna sya sa kwarto nya.
Habang mag-isa na lang ako dito sa sala, bigla naman akong napaisip...yung sinabi ni Raquel kanina...yung 'pinag-pustahan lang nila ako'...sinong 'nila' ang tinutukoy nya? Sila Ivan kaya? Pero magagawa ba yun nila Ivan.
Sinubukan ko na lang iwasang isipin ang mga tungkol dun kasi baka pag nakita ko sila masasapak ko talaga sila ng di-oras.
Raquel's POV
Nagpaalam ako kay kuyang dito muna ako sa kwarto ko. Ang awkward kasi sa baba eh...mas ok na dito sa kwarto ko, tahimik pa...well tahimik rin sa baba pero mas comfortable akong dito mag-stay...
Nagbasa-basa lang ako ng mga libro pampalipas oras.
Tinawag na ko ni kuya para mag-lunch kaya bumaba na ko para kumain ng lunch.
After kong kumain umakyat na ulit ako sa kwarto ko.
---
Bigla namang pumasok sa isip kong gusto kong pumunta ng mall...
Hindi ko alam kung bakit...hindi rin naman ako masyadong lakwatsera...pero parang gusto ko biglang mag-mall.
Ewan ko ba sa sarili ko...
Bumaba ako at nagpaalam ako kay kuyang pupunta muna ako ng mall. Nung una nagtataka pa sya at bigla ko daw naisipang pumunta ng mall...pero pumayag rin naman sya.
BINABASA MO ANG
It Started With A Bet
Novela JuvenilIt started with a bet. How stupid right? Sa isang araw lang. Sa isang salita lang na lumabas sa bibig ng good-for-nothing badboy na si Trevor Lopez na gagawin nya ang bet ay nagsimula ang lahat. Paano kung dahil dun ay tuluyan na syang nahulog sa...