22-Give Up

248 16 1
                                    

Trevor's POV

Kahit late ako nakatulog kagabi ang aga ko pa ring nagising ngayon. Hindi talaga ako makapaniwalang kami na ni Raquel. I'll admit kinilig ako dun sa first kiss namin. I know weird sya dahil bad boy ako pero may karapatan namang kiligin ang bad boys no! Sa totoo lang kasi hindi ko inimagine na ganon yung first kiss namin, na sya yung hahalik sakin. At bigla na lang nya kong hinalikan kaya nagulat ako ng sobra sa ginawa nya. Hindi ko akalaing hahalikan nya ko.

Buti nga nung hinatid ko sya kagabi hindi nagalit si Ranz na late na kami. Hindi rin namin alam ni Rauel kung pano namin sasabihin to kila tita eh. Kailangan lang namin ng tamang timing. Tsaka mukang hindi naman sila magagalit kasi pinayagan nilang manligaw ako kay Raquel so siguro naman ok rin lang sakanila na sagutin ako ni Raquel.

Naligo na ko agad tapos nanuod muna ako ng wrestling. Favorite ko rin kasi ang WWE.

Bigla ko namang naalala sila Ivan. Hindi ko sila natext kagabi kasi late na kami umuwi ni Raquel tsaka nung tumingin ako sa direksyon ng kinatatayuan nila wala na sila.

To:Ivan

Bro, salamat nga pala sa kahapon ah.

Habang hindi pa sya nagrereply tinext ko muna si Raquel. Baka magtampo kasi sya sakin dahil inuna ko pa si Ivan kesa sakanya na girlfriend ko.

To:Baby

Hi baby!! Good morning!! Kumusta tulog mo? Nakatulog ka ba ng maayos?

Agad namang nagreply si Raquel. Pero hindi pa nagrereply si Ivan.

From:Baby

Baby?? Haha. Sige kung yan yung gusto mo pagbibigyan kita. 'Baby'. Haha.

To:Baby

Love you baby :*:*

Agad naman syang nagreply.

From:Baby

Psh. Aga aga ang corny mo na!

Akala ko sasagutin nya yung 'love you' ko pero hindi. Nag-beep ulit yung phone ko.

From:Baby

Corny pero sweet. Love you too:*

Yun oh! Sinagot ako. Alam ko namang sasagot sya eh. Ang OA ko naman kasi.

Ano na kayang nangyari kay Ivan? Bakit hindi nagrereply yung mokong na yun? Ano nanaman kayang problema nya? Psh. Yayayain ko nalang si Raquel na makipag-date.

---

Ivan's POV

Nagising ako nung tumunog yung phone ko. Sinubukan kong matulog ulit dahil gabi na kami nakauwi ni Leo. Eh pano, ang dami nyang kinain. Tapos hinatid ko pa sya sa kanila.

Tulog...tulog...tulog...yah! Self! Matulog ka!

Psh. Bwisit naman kasi yung nagtext eh. Mapapatay ko sya! Kinuha ko na yung phone ko at tinignan ko kung sino yung nagtext.

From:Trevor

Bro, salamat nga pala sa kahapon ah.

Bigla ko naman sya naalala. Loko tong mokong na to ngayon lang nagpasalamat. Pero ok na yun. Minsan lang magpasalamat yan eh.

To:Trevor

Wala yun bro. Bro's help each other right? So it's fine.

Paminsan hindi ko rin alam kung saan ko napagkukukuha yung mga sinasabi ko eh.

Nag-beep ulit yung phone ko.

From:Trevor

Psh palalim na ng palalim mga pinagsasasabi mo ah!

See? Tumatalino na ko!

Naligo na ko tapos umalis na ko ng bahay tutal hindi na rin ako makakatulog.

Habang nasa kalsada ako iniisip ko pa rin saan ako papunta eh. Hindi ko rin talaga alam saan ako pupunta. Nag-drive nalang ako papunta kila Mark.

Nag-park na ko sa tapat ng bahay nila. Sakto pagdating ko dun nasa labas sya. Ano kayang ginagawa nya sa labas?

"Bro!"

"Ivan? Anong ginagawa mo dito?" Parang gulat na gulat pa sya na nandito ako.

"Wala kasi akong makausap eh"

"Psh pupunta dito pag walang makausap pero pag maraming kausap walang paki. Psh" bulong pa nya. Hindi ko alam kung nagpaparinig sya pero narinig ko eh.

"Hindi mo ba ako papapasukin?" tanong ko pa.

Pumasok na sya so I guess papasok na rin ako? Sinundan ko nalang sya.

Dumeretso sya sa likod ng bahay nila. Merong table dun kaya umupo na kami at dun kami nagusap.

Sa totoo lang hindi ko rin alam kung bakit dito ako pumunta eh. Bigla lang pumasok sa isip ko na dito pumunta.

"So bakit ka napa-punta dito?"

"Ayaw mo ba kong makita?"

"Akala ko ba matagal nyo ng kinalimutan na kaibigan nyo ko"

Boom! Tinamaan ako dun! Pero kinalimutan ba talaga naming kaibigan namin sya? Hindi naman di ba? Oo si Trevor alam kong matagal na nyang kinalimutan si Mark bilang kaibigan pero hindi ko pa rin masasabing hindi ko na sya tinuturing na kaibigan eh. Hindi ko rin namang maiisip na dito pumunta kung hindi ko na sya tinuturing na kaibigan. Ilang taon rin naman kaming naging magkaibigan kaya nung naghiwalay sila Stacey at Trev kinalimutan na rin ni Trevor na kaibigan nya si Mark.

"Ano?! Bakit hindi ka makasagot dyan?"

"Ako? Wala. Tsaka alam mo namang kaibigan pa rin ang turing namin sayo ni Leo"

"Kayo ni Leo" parang nararamdaman ko sa tono ng boses yung panghihinayang. Kahit ako rin naman eh. Nung nalaman kong hindi na sya ituturing na kaibigan ni Trevor nanghinayang ako ng konti. Ilang taon kaming naging magkakaibigan tapos wala rin pala. Nasira dahil sa isang babae. Hindi naman sa sinisisi ko si Stacey pero totoo naman eh. Sya yung naging rason kaya nasira yung pagkakaibigan namin. Hindi ko rin kasi masabing si Mark ang sumira sa pagkakaibigan namin eh. It's more like si Stacey kasi sya yung humalik kay Mark. It might be true that all of that was just an accident. Well naniniwala naman kasi akong lasing lang si Stacey kaya nya nagawa yun pero alam mo naman si Trev eh. Mabilis syang magselos. Sabihin nating hindi naghalikan si Mark at Stacey alam ko namang magseselos pa rin sya. Masyado kasi syang seloso tapos tinatago lang nya yun sa sarili nya kahit alam naming nagseselos sya.

"Ah kumusta na nga pala si Trevor at Raquel?" pagbabasag pa nya ng katahimikan. Tapos bigla namang naglabas ng beer yung yaya nila. Yung canned. Tapos binuksan na ni Mark yung kanya.

"Ah ano...ah eh..."

"Ano? Sila na? Bakit ka nauutal?"

"Ah oo eh"

"So bakit hindi mo masabi?"

"Alam mo namang alam ko na may gusto ka kay Raquel eh so I assumed that it will hurt you a bit...I guess?"

Ang tanga ko naman. That's the worst thing I've ever said. Wah!! I'm so stupid!

Uminom muna si Mark bago nya sinagot yung tanong ko.

"Alam mo bro, ang tanga ko eh. I didn't even got a chance to tell Raquel what I feel about her. Hindi ko man lang nasabing gusto ko sya. Pero simula pa lang naman alam kong huli na ko eh. I didn't want to mess with Trevor. Tutal alam ko namang mamahalin nya si Raquel more than I will. So I guess this is the end. Magi-give up na ko. It's better to move on now kesa masaktan lang ako" halata sa boses nyang nasasaktan sya. Pero tama naman yung gagawin nya eh. Mag-move on na sya ngayon. Wag na nyang patagalin pa yung pagmo-move on. Masasaktan rin lang naman sya eh.


It Started With A BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon