Mark's POV
Nagulat ako nung biglang nag-beep yung phone ko.
From: Raquel
I'm ready.
What does it mean? Ready na ba syang mag-move on. If that's it then I'm happy for her.
To: Raquel
Nasa bahay ka ba?
Agad naman syang nag-reply.
From: Raquel
Yup:))
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang paguusapan namin...parang ang awkward kasi...
Hindi na ko nag-reply at nagbihis na ko at agad akong nagpunta sakanila.
Habang nagda-drive ako naisipan kong dumaan sa shop ng tita ko.
Nagpark na ko at pumasok sa loob.
"Mark?"
"Hi tita!" bati ko pa sakanya.
"Napadaan ka? May gusto ka ba?"
"Tita, how much would a box of cupcakes be?"
"Is it for you? Or are you gonna give it to a special girl?"
"I'm actually gonna give it to someone special" nahihiya ko pang sabi.
"What flavor would you like or should I say 'what flavor would she like'?"
"Ummm I don't actually know" sa totoo lang wala pa akong masyadong alam kay Raquel.
"Well, if that's the case, then just give her these" then she handed me a box of cupcakes.
"Those are newly-baked" sabi pa nya sakin.
"How much are these?"
"Come on, Mark. It's free you silly guy"
"Ok tita. Bye. Thanks for these" nakangiti kong sabi habang papalabas ng shop nya.
Parang kinakabahan ako habang papunta ako kila Raquel. What if hindi pala sya kumakain ng cupcakes? Ugh! Wala pa nga eh! Mark, relax. Magugustuhan nya yan.
Nababaliw na ata ako. Kinakausap ko na yung sarili ko.
Nagpark na ko sa tapat ng bahay nila at pagbaba ko ng kotse ay nagdoor bell na ko.
Nagulat ako pagbukas ng pinto dahil si Ranz ang nagbukas.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong nya tapos bigla naman syang napatingin sa dala kong cupcakes.
"Nanliligaw ka na ba kay Raquel?" pagtatanong pa nya.
"Hindi pa" maangas ko na sagot sakanya.
"Hindi pa?! So may balak ka?!"
"Buksan mo na lang kaya tong gate para maka-pasok na ko no?" sarkastiko ko pang sabi.
Lumapit sya at binuksan nya na yung gate.
Pagpasok ko nasa dining area si Raquel. Kumakain sya...ganyan ba talaga ang isang way ng pagmo-move on? Ang kumain ng kumain?
"I brought these for you"
Pagkakitang-pagkakita pa lang nya sa cupcakes parang na-excite sya bigla.
"Red velvet!" para syang bata sa way na pagre-react nya.
"Psh! Umayos ka nga!" sita pa sakanya ni Ranz.
Tinikman ni Raquel yung cupcakes at mukang nagustuhan nya yun.
"Like it?" tumango lang sya sakin habang nakasmile na parang bata.
"Mind if I sit beside you?" hindi nya ko pinansin at kain lang sya ng kain ng cupcake.
Ganyan ba talaga sya? Everytime na tatanungin ko sya laging hindi sya sumasagot.
Umupo na lang ako sa tabi nya at pinanood ko lang syang kumain.
Umupo naman si Ranz sa tabi ko. Binabantayan nya ba ko? Wala naman akong gagawing masama eh.
"Uhhh Raquel...can I ask you something?" sabi ko naman sakanya. Kaya ko ba tong sabihin? Hindi ko rin sigurado eh...nandito pa naman si Ranz sa tabi ko...sa totoo lang hindi naman ako takot sa mokong na yan eh...close kaya kami...pero hindi ko kasi sigurado kung anong magiging reaksyon nya...kasi pwedeng magalit sya...pero sya nga nagsabi kay Raquel na nandito lang ako di ba? So pwedeng hindi sya magalit? Ewan ko ba! Nalilito na ko.
"Ahhh ok lang ba kung..."
"Ligawan na kita?" yan sana yung sasabihin ko. Pero dahil titig na titig sakin si Raquel...hindi ko yun nasabi...
"Mauna na ko" bullsh*t ano ba tong nasabi ko?! Ngayon kailangan ko ng umuwi dahil sa sinabi ko.
"Ok. Thanks nga pala ulit dito ah"
*face palm* Mark ano bang katangahan yung ginawa mo?!
Patayo na sana ako kaso biglang nagsalita si Ranz.
"Ngayon na yung WWE Night of Champions di ba? Gusto mo bang manuod dito?"
Yes!!! Wooo!!! Salamat hyung!!!
"Ah sige ba" tapos umupo na ulit ako.
Haha yes!!! Sinadya nya ba yun? O nakatadhana yun? Haha basta hindi pa ko uuwi!!
---
Raquel's POV
Sabay na nanonood sila kuya sa baba. Habang si mama naman natutulog na. Buti nga medyo maaga syang nakauwi ngayon kaya nakasabay sya sa aming mag-dinner. Actually nanonood din naman ako ng WWE kaso parang wala akong gana eh...
Bumaba ako ng kwarto dahil medyo nagutom ako. Sa totoo lang kakakain lang namin ng dinner pero gutom pa rin ako.
Kumuha ako ng ice cream at nakinood ako ng TV habang sila kuya naman kumakain ng chips.
Namiss ko ring manood ng wrestling kasama si kuya. Ganito kasi kami mag-bonding dati nung medyo bata pa ko. Well, hindi naman ako naging violent kahit nanonood ako nito.
Sarap na sarap ako sa kinakain kong ice cream habang sila kuya kumakain ng chips. Sa totoo lang ang ingay nila habang nanonood.
Habang nanonood kami bigla namang may nagdoor bell.
"Ako na" sabi ko tapos tumayo na ko para pagbuksan ng gate yung nagdoor bell. Napaisip ako, sino naman kaya yun? Hindi ba parang masyado ng late? Gabi na kaya...
Nung malapit na ko sa gate natanaw ko na kung sino sya.
Nagulat ako. Hindi ko alam kung bakit sya nandito...anong ginagawa nya dito?
BINABASA MO ANG
It Started With A Bet
Teen FictionIt started with a bet. How stupid right? Sa isang araw lang. Sa isang salita lang na lumabas sa bibig ng good-for-nothing badboy na si Trevor Lopez na gagawin nya ang bet ay nagsimula ang lahat. Paano kung dahil dun ay tuluyan na syang nahulog sa...
