Raquel's POV
Haaaaayyy!! Sabado! Makakapag-pahinga na rin ako. Bigla namang nag-bark si Prince. Gising na pala sya.
Nakipag-laro muna ako kay Prince. Maaga pa naman eh. Mukang hindi pa luto yung breakfast.
Biglang nag-beep yung phone ko.
From:Trevor
Good morning princess! Kumain ka na ba? Kung hindi pa kumain ka na:) Sige ka, pag hindi ka kumain papayat ka. Kumain ka na ha? Love u:*:*
Anong trip nito? Ang aga-aga kung mag-alala akala mo nag-hihingalo na ko. Psh.
To:Trevor
Anong trip mo?! Ang aga-aga nag-aalala ka sakin? Hindi naman ako mamamatay no!
Agad naman syang nag-reply.
From:Trevor
Psh. Aminin mo kinilig ka. Baka nga sobrang init na ng pisngi mo ngayon eh XDXD
To:Trevor
Hindi no!
Hindi ko alam anong pumasok sa isip ko pero hinawakan ko yung pisngi ko.
Tama nga sya. Ang init nga. Pahiyang-pahiya talaga ako pag nandito sya.
Lumabas na ko ng kwarto ko. Medyo nagugutom na ko eh.
Pag-labas na pag-labas ko pa lang naaamoy ko na yung niluluto ni mama. Ang bango eh.
"Good morning lil sis!" Bati sakin ni kuya. Mukang good mood sya ngayon ah. Bakit kaya?
"Kuya bakit ang saya mo ngayon ha?!"
Pag-tingin ko sa mesa, nandon na yung sagot. May bacon.
"Wala lang. Bawal bang good mood lang"
Kumain na ko. Gutom na gutom na ko eh.
Bigla namang nag-beep yung phone ko.
From:Trevor
Mag-bihis ka na. I'll be there in 10 minutes:)) Love you prinsesa ko:))
Nag-taka naman ako sa sinabi nya. Aalis ba kami? Nag-paalam na ba sya kay mama at kay kuya?
To:Trevor
Nag-paalam ka na ba kay mama at kay kuya?
Agad naman syang nag-reply.
From:Trevor
Oo naman. Buti nga walang topak si bayaw eh. Pinayagan ako:)
Ano daw yun? Bayaw daw? Sinong bayaw sinasabi nya?
To:Trevor
Sinong bayaw sinasabi mo dyan ha?
Hanggang hinihintay ko syang mag-reply. Tinanong ko na muna sila mama kung nag-paalam ba sakanila si Trevor. Sabi naman ni mama nag-paalam na daw sakanila si Trevor at pumayag na daw sila kaya walang problema.
Umakyat na ko sa kwarto ko. Naligo na ko tapos binilisan kong mag-bihis. Hindi naman sa excited ako. Pero parang ganon na nga.
Pag-baba ko nakita ko sa sala si Trevor kausap sila mama.
"Oh ayan na pala si Raquel eh" sabi ni kuya.
Lumapit naman sakin si Trevor.
"Umm tita alis na po kami"
Ngumiti naman si mama.
"Hoy! Ikaw g*go ka wag mong pababayaan yang kapatid ko ah. Umuwi kayo ng maaga ha"

BINABASA MO ANG
It Started With A Bet
Novela JuvenilIt started with a bet. How stupid right? Sa isang araw lang. Sa isang salita lang na lumabas sa bibig ng good-for-nothing badboy na si Trevor Lopez na gagawin nya ang bet ay nagsimula ang lahat. Paano kung dahil dun ay tuluyan na syang nahulog sa...