(Stacey's pic)
Parang kinakabahan ako...hindi ko alam kung bakit...hindi naman siguro si Stacey yun...nasa Canada sya at imposibleng nandito sya...tsaka ang layo ng North America sa Pilipinas...
Habang nasa room ako may nakita naman akong babaeng nasa labas at nakasilip sya sa bintana. Sino kaya sya? Sinong hinahanap nya? Nakahood sya at naka-earphones. Medyo may araw sa direksyon ng kinatatayuan nya kaya hindi ko sya makita. Hindi ko alam kung sakin sya nakatingin pero nung napatingin sya sa direksyon ko bigla nalang sya naglakad papalayo. Sino kaya sya?
Nung dumating na si Trevor nakatahimik lang sya...ano naman kayang problema ng lalaking yan..ewan...
Raquel's POV
"Baby naalala ko sasabay nga pala mamaya si Stacey satin"
"Baby? Are you ok?" ano bang meron? Bakit hindi sya sumasagot?
"Huh? Ah of course...sunduin ko nalang kayo mamaya" tapos nagsmile sya ng pilit.
"Ok bye baby" tapos ginulo nya yung buhok ko.
Pagpasok ko palang ng room nakangiti na si Stacey at as usual ang sama ng tingin ni Tracey.
"Hi friend!!" grabe nakakatuwa yung pagka-hyper ni Stacey.
"Hi!" bati ko naman sakanya.
"Ok ka lang ba friend? Bakit ganyan ka? May umaway ba sayo? Gusto mo upakan ko?"
"Easy...wala lang to..."
"Si Tracey ba? Yung mataray na babae dun. Lagi ring masama yung tingin nya sakin eh"
Habang nakatingin ako kay Stacey syempre nakikita ko rin sa likod si Tracey at ang sama ng tingin nya sakin. Nagulat ako nung biglang humarap si Stacey sakanya hindi ko nakikita kung may sinasabi ba si Stacey dahil nakatalikod sya pero nanlaki yung mata ni Tracey at umiwas sya ng tingin.
"Anong ginawa mo?"
"Huh? Wala. Atleast hindi na nya tayo titignan ng masama"
Sa totoo lang hindi ko alam kung anong irereact ko sa ginawa nya eh. Nung una feel ko tahimik sya na medyo maangas pero ngayon parang basagulera sya...ewan ko ba.
Dumating na si sir kaya hindi na kami nagusap ni Stacey.
---
Maaga kaming dinismiss for lunch kaya wala akong ginagawa ngayon.
"Raquel ok lang bang umikot muna tayo sa school? Hindi ko pa kasi napupuntahan lahat ng mga lugar dito tsaka mamaya ka pa naman susunduin ng boyfriend mo di ba?"
Well may point sya...I guess hindi naman masamang umikot muna kami di ba?
"Sure. Let's go?"
Umikot ikot lang kami dito sa school pumunta kami ng library tapos sa field at kung saan saan pa.
Habang nasa comfort room si Stacey naghihintay lang ako dito sa labas. Habang nakatalikod ako may narinig akong foot steps.
"Look who's here..." hindi na ko nagsalita kahit alam kong ako yung pinaparinggan nila.
"Akalain mo ba namang makikita pa natin sya..."
Bigla naman nya akong hinila paharap sakanya.
"Tracey please, ayoko ng gulo so please just leave me alone" tapos tumalikod na lang ako sakanya.
"Don't you turn your back on me!" tapos hinila nanaman nya ko paharap sakanya.
"Ano bang gusto mo?"
"Ako? Ano nga ba? Or maybe...SINO"
Hindi ko alam kung sasagot pa ko sakanya or what pero ayoko ng sumagot dahil alam kong magkakagulo lang kami.
"Oh, bakit ka natahimik? Ayaw mo bang malaman kung sino? Ewan ko ba dyan sa boyfriend mo bakit ikaw pa napili nya. Nandito naman ako. Obvious naman na talong-talo kita"
Sa totoo lang nasaktan ako sa sinabi nya. Kung sya na yung mas maganda edi sya na.
"Ano tatahimik ka na lang ba talaga dyan?"
"Girls!" utos pa nya sa mga kabarkada nya.
Nagulat naman ako nung biglang hinawakan ako nung dalawa nyang kaibigan.
Nung sasampalin na nya ko wala na kong nagawa...hindi ko magalaw yung kamay ko on both sides.
Pumikit na lang ako...expecting na sasampalin nya ko ng sobrang lakas dahil sa galit nya sakin.
May bigla naman akong narinig na malakas na sampal...pero bakit wala akong naramdaman...ganon ba kasakit at wala na kong nararamdaman?
Pagdilat ko ng mata ko nasa harap ko si Stacey at nakahawak si Tracey sa pisngi nya.
Akala ko ako yung nasampal...kaya pala wala akong naramdaman kasi hindi talaga ako nasampal.
Bigla namang tinignan ni Stacey ng masama yung dalawang nakahawak sakin.
"Anong tinitingin-tingin nyo? Let go of her!"
Binitawan naman ako nung dalawa nung sinabihan sila ni Stacey.
"Tandaan mo to, hindi pa tayo tapos!" sigaw pa ni Tracey.
"Ganon?? Then magexpect ka na hindi lang yan ang makukuha mo the next time na sasaktan mo yung kaibigan ko" pinigilan ko na si Stacey na lumapit pa kay Tracey at umalis naman agad sila Tracey.
Bigla naman syang humarap sakin at mukang alalang-alala sya.
"Are you fine? Anong ginawa nya sayo?"
"I'm fine. Hindi naman nya ko nasaktan eh"
"Good kung ganon. Bumalik na tayo sa room. Baka nandun na yung boyfriend mo"
"Ummm Stacey...kung pwede...uhh...wag mo na to sabihin kay Trevor...or kahit sakanilang tatlo"
Bigla namang napataas yung kilay nya. At parang nagtataka pa sya.
"Bakit naman hindi??"
"Ayaw ko kasing magalala pa sakin si Trevor eh...tsaka kung sinabi mo pa to dun sa dalawa panigurado sasabihin nila kay Trev"
"Ah ok. It's your choice"
Bigla namang nagbeep yung cellphone ko.
From:Baby
Baby mauna na kayo sa canteen...baka late kasi kaming idismiss ngayon eh...sorry baby...just wait for me there, kung gutom ka na mauna ka ng kumain...love you:*:*
To:Baby
It's fine baby, I'll just wait for you...love you too:*:*
"Sino yun?" pagtatanong pa ni Stacey.
"Ah si Trev. Sabi nya mauna na lang daw tayo sa canteen. Baka late daw sila idismiss eh"
"Ahh ganon ba? Then..let's go!" pagyayaya pa nya.
Nung nasa canteen na kami bumili na ng pagkain si Stacey. Habang hinihintay namin sila Trevor bigla namang nagsalita si Stacey.
"Uhh Raquel ok lang bang mauna na akong kumain? I'm starving na kasi eh"
"Uh sure, baka matagal pa kasi sila Trev eh"
Ilang sandali lang nakita ko na sila Trev...habang papalapit sila samin parang naeexcite ako haha. Ano kayang magiging reaksyon nila kay Stacey??
---
Author's Note
Hi guys!! Sorry sa late UD's...sorry rin kung maiksi...thanks pa rin sa patient readers dyan^_^
BINABASA MO ANG
It Started With A Bet
Genç KurguIt started with a bet. How stupid right? Sa isang araw lang. Sa isang salita lang na lumabas sa bibig ng good-for-nothing badboy na si Trevor Lopez na gagawin nya ang bet ay nagsimula ang lahat. Paano kung dahil dun ay tuluyan na syang nahulog sa...