Prologue
Nagsimula ang lahat noong madiskubre kong may kakaiba sa aking dugo. Sa paghahanap ng kasagutan dito ay napadpad kami ng kaibigan ko si Oven sa isang mahiwagang kabundukan ng Bari-bari kung saan bumukas ang portal na nagdala sa amin sa mahiwagang mundo ng Kailun. Isang mahiwagang mundo ng iba't ibang uri ng mga nilalang na may kanya kanyang abilidad.
Pagdating sa lupaing iyon ay dinagit si Oven ng isang halinaw at nagkahiwalay kami, dito ay wala akong pamimilian kundi ang humingi ng tulong sa isang palasyo na pinamumuan ni Rael ang Prinsipe ng mga blood sucker. Sa unang pagkikita pa lamang ay nag-away kaming dalawa dahil sa kagaspangan ng kanyang ugali kaya naman sinuntok ko siya ng tatlong beses na siyang bumago sa takbo ng aming buhay.
Ang tatlong suntok ay isang marriage proposal at hindi inaasahang sitwasyon ay natali kami sa isa't isa. Dahil walang ibang pamimilian ay itinulungan ako ni Rael at dito nagsimula ang aming paglalakbay.
Binawi namin si Oven sa kamay ng Heneral ng Dark Keeper Gate na si Rascal at hinarap namin si Kier na Heneral ng Kamatayan. Sa huli ay kinalaban namin si Egidio ang pinakamalakas na Heneral ng Kadiliman at kami ay nagtagumpay.
Ngunit ang kaligayahan ay hindi nagtagal dahil sa pagrerebelde at pagtakas ng Pinuno ng Supremo De Guardine na si Xandre Del Viuri ay nagdulot ito ng malaking kaguluhan sa Hell Society at sa ibang lupain kabilang na ang Kailun. Ginamit ni Xandre ang bestial sa katawan ni Devon upang buhayin ang kanyang mga kapanalig at lumikha ng malaking kaguluhan sa mundo. At ang madugong labanan sa pagitan ng kanyang mga kapanalig at ng aming grupo naganap.
Tinaglay ni Xandre ang kapangyarihan ng Diyos ng Kadiliman na si Elsen at dito ay nag ambisyon na siyang maging pinuno ng Sanlibutan. Binuksan ng tarangkahan ng kadiliman na naka kubli sa makapal na ulap sa kalangitan punong punong portal ng mga halimaw. Ito ang kanyang gagawing hukbo upang maghasik ng walang katapusang lagim sa buong mundo.
At mula dito ay magsisimula na ang "Huling Digmaan".
Ako si Enchong at ito ang aking huling kwento..
MGXMBS Book 3
The Last War
AiTenshi
Oct 23, 2021
Tumatagas ang dugo ang aking katawan ngunit hindi ko alintana ito. Basta ang alam ko lang ay kailangan kong tapusin ang aking nasimulan..
Mahigpit ang hawak ko sa patalim na nakatarak sa aking dibdib, hindi ko ito binitiwan upang hindi makawala ang kalaban sa aking pagkakagapos! At sa tuwing nagtatangka siyang kumawala ay mas lalo kong dinidiin ang patalim sa aking katawan.
Ito lang ang tanging paraang upang matapos ang lahat! Noong mga sandaling iyon ay wala na akong pakialam pa sa kinabukasan, walang ibang tumatakbo sa aking isipan kundi ang tuldukan ang lahat ng ito.
Bumubulwak ang dugo sa aking bibig at halos butas na rin ang aking dibdib. Isang malalim na singhap ang aking pinakawalan at kasabay nito ang pag sulyap ko sa kalangitan..
BINABASA MO ANG
Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 3: The Last War Arc
FantasyThis is the third installment of the series and history will only repeat itself. The way the Gods of light and darkness clashed millennium years ago that prompted the extinction of the land of Kailun and the world of mortals. The whole thing turned...