Part 22: Ang Pinakamahalagang Biyaya

112 3 0
                                    

Part 22: Ang Pinakamahalagang Biyaya

LEO POV

Malayo rin ang itinilapon ng aking katawan dahil sa malakas na pagsabog. Ang aking kalasag ay nawasak gayon rin ang aking sagradong pananggalang. Sadyang napakalakas ng pwersang pinakawalan ng higanteng halaman ni Ivo at napinsala ng husto ang aking braso at katawan.

Iniangat ko ang mga tipak ng malalaking bato na tumabon sa aking katawan. Hingal na hingal ako at halos napapaubo na lang ako ng dugo. Sa mga ganitong pagkakataon ay parating sumasagi sa aking isipan si Tob. Kailangan kong makaligtas at mabuhay para sa kanya, ito ang tanging bagay na tumatakbo sa aking utak ng paulit ulit.

Pinilit kong tumayo, noong maibalik ko ang aking balanse ay laking gulat ko noong makita si Ivo na hawak ang walang malay na katawan ni Ibarra. "Ngayon ay kukunin ang iyong kapangyarihan Ibarra, hindi na masama ang pagiging engkanto lupa," ang wika nito sabay dukot sa kanyang dibdib.

Nagsisigaw si Ibarra, ramdam ko ang kanyang sakit! Kaya naman muling sumiklab ang liwanag sa aking katawan at lumabas sa aking kamay ang sagradong espadang enerhiya. Lumipad ako na parang isang liwanag sa kinalalagyan ni Ivo. "Itigil mo iyannn! Huwag mong pagnasahan ang hindi sa iyo!" ang sigaw ko at isang malakas na hataw ng espada ang aking pinakawalan kay Ivo dahilan para maputol mga braso at kamay nito pero iyon ay ilusyon lamang dahil noong dumistansiya siya sa akin ay maayos naman ang kanyang katawan.

Hindi na ako nag aksaya ng panahon, ako na mismo ang nakipag sagupaan kay Ivo, inilayo ko siya sa aking mga kasamahan na noon ay unti unting nagkakamalay. "Hindi ka pa rin nagbabago Ivo, TIMAWA KA PA RIN!!" ang sigaw ko at nagliwanag ang aking kamao at binangag ko ito sa kanyang katawan dahilan para mapaatras siya.

"Ikaw naman Leo, malaki ang bago mo dahil masyado kang naging mahina! Kapag nanalo ako sa labanang ito ay babalik ko ang iyong anak at saka ko kukunin ang ikalawang regalo!" ang sagot niya dahilan para maginit ang aking dugo at ulo sa narinig.

"Hindi mo isasayad kay Tob ang daliri mo dahil papatayin kitaaaa! Papatayin kitaaaaa!" ang malakas kong sigaw at dito nagliwanag ang aking kamao at buong lakas kong itinira sa kanya! Nasapol siya sa katawan at tumilapon sa batuhan.

Agad ring bumangon si Ivo, naliwanag ang kanyang katawan at muling gumalaw ang bulaklak ni Roselia. Tumutok ito sa aking kinalalagyan at walang ano ano ay bumuga na naman ng isang malakas na enerhiya.

Habang nasa ganoong posisyon ako ay may tumubong mga malalaking sanga ng puno sa aking paligid at ito ang naging pamprotekta ko mula sa malakas na pagsabog na nilikha ng mapanirang halaman ni Ivo. Batid kong si Ibarra ang nagprotekta sa akin.

Sumabog muli ang lahat.

Nawasak ang mga malalaking sanga ngunit hindi ako masyadong naapektuhan dahil naka kubli ako sa loob nito.

Noong humupa ang mga pagyanig ay nakita kong halos burado na ang buong paligid, puro hukay na lamang at bakas ng mga malalakas na pagsabog ang natira dito. Dito ko rin napansin na prinotektahan rin ni Ibarra ang aming mga kasamahan upang hindi sila mapahamak. Ang bawat isa sa amin ay hinarangan niya ng makakapal na mga sanga ng puno upang magsilbing shield sa aming paligid. Dito ay nakita ko si Ibarra na hinahabol ang paghinga, dito ko na rin napagtanto na matatalo kami dahil sa pagkaubos ng aming lakas.

"Maraming enerhiya si Roselia, tiyak na ubos na ang inyong lakas ay nagsisimula pa lamang siya," ang wika nito at maya maya ay nahinto siya sa pagsasalita at saka tumawa. "May sinasabi si Roselia, gusto pa raw niyang lumaki kaya't kailangan niyang muli madiligan," ang nakangising wika nito.

Nagliwanag mga tinik ng halaman at dito ay muling umangat ang aming mga dugo sa ere na parang mga pising pula na hinihigop ng halaman. "Mukhang hindi lang enerhiya ang mauubos sa inyo kundi pati na rin ang iyong dugo," ang wika ni Ivo.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 3: The Last War ArcTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon