Part 40: Ang Mundo ni Muzngi
ROUEN POV
Bumukas ang pinatuan arena at dito ay muling pumasok ang pari ng lupain na si Muzngi. Katulad kahapon ay pumunta ito sa gitna ng arena at saka nagsalita, hawak pa rin ang kanyang agua bendita at saka ang kanyang aklat na banal. "Ayan na naman yung paring baliw!" ang wika ni Henry.
"Malakas ang isang ito," ang bulong ni papa sa akin.
"Kahapon ko pa siya napapansin papa, mukha may kinalaman ang paring iyan, kung bakit nandito tayo," ang bulong ko naman.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay hinawakan ng pari ang mikropono at muling nagsalita. "Ngayon ay nakikita na natin ang liwanag ng hustisya. Ang ating bagong panginoon na si Xandre ay ibibigay sa atin ang ating kahiligan at iyon ay ang burahin ang mga blood sucker sa ating landas. At ngayon ay napakaswerte natin dahil kasama natin ang napaka espesyal na panauhin. Dahil nandito ngayon sa ating arena ang hari at prinsipe ng Blood Sucker Kingdom. Sina Haring Rael at Prinsipe Rouen, siguro naman ay hindi na kayo nagtaka sa kanilang lakas dahil ang mga nauupong pinuno ng blood sucker kingdom sa Kailun ay talagang may angking lakas, ang tanong ay kung hanggang kailan nila kakayanin ang ating mga blood eater? Kaya naman mula sa aming lahat dito ay naming magpasalamat sa inyong pagdating, Mahal na Hari at Mahal na Prinsipe!" ang wika nito at ang lahat ay naghiyawan na may kasamang galit at poot!
"Patayin! Patayin ang mga iyan!!" ang sigaw ng mga tao sa labas!
"Mga baliw!" ang sigaw ni papa na parang bata.
"Talaga bang tatay mo iyan?" tanong ni Henry.
"Oo, mahabang kwento," ang wika ko naman, alangan namang ipaliwanag ko pa sa kanya na galing ako sa future at ang Rouen na anak nina papa ay bata pa lang.
"Kasi para lang kayong magkapatid," ang wika nito, "totoo nga pa lang dugong bughaw kayong dalawa at mukhang galit na galit sa inyo yung Pari."
"Wala akong pakialam sa kanya, basta isa lang ang sigurado, pagkatapos kong durugin ang lahat ng mga nasa arenang ito ay isusunod ko lahat ng mga baliw na taong iyan sa paligid lalo na yung pari na parating nangangaral sa kanila!" gigil na wika ni papa.
Maya maya humarap sa amin ang pari, "sana ay mag enjoy kayo sa inyong pakikipaglaban!" ang wika nito sabay labas sa arena. "Music maestro!" ang sigaw nito.
At noong makalabas siya ay tumugtog ang isang musika bilang background music sa madugong labanang magaganap. Ang musika ay may pamagat na Mozart Requiem. Nakaka kilabot at nakakapanghina ng tuhod kung iyong pakikinggang mabuti.
Ilang sandali pa ay bumukas ang gitna ng arena at dito ay umangat ang mas maraming blood eater, mas marami kaysa kahapon na ikinagulat ni Henry. "Tang ina, mas marami ngayon! Mas dumoble ang kanilang bilang!" ang wika nito na may halong takot.
"Lahat kayo, pagsikapan ninyong iligtas ang mga babae at kabataan sa kabilang sulok. Kami na ni Rouen ang bahala sa kanila," ang wika ni papa sabay baklas ng kadena sa kanyang mga braso, at ganoon rin ang ginawa ko.
Kasabay ng dumadagundong na kanta ay ang pagsugod ng mga blood eater. Ang lahat ay mabibilis kumilos, parang mga mababangis na hayop, parang mga mababangis na zombie sa pelikula!
Dahil sa gigil ay nahati sa maliliit na paniki ang katawan ni papa at siya mismo ang sumagupa sa mga kalaban. Samantalang ako naman ay nagtatakbo ng mabilis upang tulungan ang mga walang laban na blood sucker sa bawat sulok ng arena. Ako ang nagsilbing cover nila Henry at ng iba pa.
Sa gitna ng arena ay nakita ko si papa, lumundag ito sa ere at ginawaran ng malakas na suntok ang arena dahilan para magiba ito, literal na magiba!
Gulat na gulat ang lahat, parang binagsakan ng malaking kometa ang malawak na entablado ng labanan! Yumanig at ang mga blood eater nagkagulo dahil sa lakas ng impact.
![](https://img.wattpad.com/cover/322972997-288-k316093.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 3: The Last War Arc
FantasiThis is the third installment of the series and history will only repeat itself. The way the Gods of light and darkness clashed millennium years ago that prompted the extinction of the land of Kailun and the world of mortals. The whole thing turned...