Part 6: Rain Purification Technique

194 8 2
                                    

Part 6: Rain Purification Technique

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Part 6: Rain Purification Technique

ENCHONG POV

"Walahiya ka Egidio, talagang gusto mo pa itake over ang katawan ko! Pakshet ka talaga!! Bakit hindi na lang si Bobby ang kunin mo? Tutal siya naman ang matalino, siya ang laging magaling, siya lagi ang maganda! Kaya siguro siya ang favorite ni mama!" ang sigaw ni Oven na may kasamang galit.

"Si Teddy yata yun Ninong," ang pagtatama naman ni Rouen.

"Hay, nakaka confuse kasi, don't panonoorin ko ulit mamaya pag uwi natin!" ang hirit ni Oven pagkatapos ay natili ito dahil sumugod sa harap niya ang espiritu ni Egidio. "Ay! putang ina! Pwede ba huwag ako! Huwag ako!!"

"Wala nang matakbuhan ang espiritu ni Egidio kaya ang target niya ay ang pinakamahina at pinakabaliw dito. At ikaw iyon ogre!" ang wika ni Rael.

"Napaka mean mo talaga papa Rael! Ikaw na ang meanest creature na nakita ko sa buong buhay ko!" ang pagmamaktol ni Oven.

Maya maya ay sa akin lumipad ang espiritung enerhiya ni Egidio, bumangga ito sa akin harapan at pinalibutan ako ng kanyang mga galamay ngunit balewala ito. "Bakit? Bakit hindi ko magawa?!" ang sigaw niya sa akin.

"Tatlong dahilan, Una, igagapos ng Healing Purification ang maitim at masamang enerhiya kaya hindi ka makakalabas sa harang na ito. Ikalawa ay papahinain ng ulan ang iyong kapangyarihan at dahil wala kang katawan lupa na magagamit ay tiyak wala ka rin mapagtataguan. Ikatlo, ang ulan ay gagawa sagradong ng barrier at harang sa aming katawan upang hindi ka makapasok. At ang hindi ka na makakabalik sa Darken, Egidio. Sa pagtatapos ng labanan ito ay mawawala na ang espiritu mo na parang isang bula," ang wika ko at dito nag liwanag ang aking katawan at lumabas sa aking kamay ang isang kakaibang uri ang pana at palaso.

Ang pana ay mas malaki kaysa sa dati kong ginagamit. Ang palaso ay liwanag na ginto lamang at wala itong eksaktong anyo.

Noong mga sandaling iyon ay wala ng magawa pa ang espiritu ni Egidio, hindi na ito makakatakas pa. Kaya naman hinila ko ang sagradong pisi ng aking pana at itinutok sa kanya ang sagradong palaso.

"Kahit wasakin niyo ang aking espiritu ay babalik pa rin ako at gaganti sa inyo!" ang singhal nito.

"Sa oras ng pagbabalik mo ay nakahanda ako," ang sagot ko naman sabay pakawala ng palaso.

Sumibat ito at nagliwanag saka tumama sa kanyang espiritu, nilamon ng sagradong liwanag ang kanyang itim na enerhiya at hanggang sa mabura ito sa ere!

Kitang kita namin kung paano lumaban ang espiritu ni Egidio ngunit sadyang malakas ang purification arrow, nilamon nito ang kanyang espiritu hanggang sa wala ng matira dito. Ultimo ang maliliit na enerhiyang itim ay binura ng mga ulan upang makasiguradong walang matitirang kahit ano kay Egidio.

Mas mainam na ito dahil kung sina Rael o kung sino ang makakalaban niya ay lilipat at lilipat lamang ito ng katawan.

Makalipas ang ilang sandali ay tumigil ang ulan at dito ay inilapitan ko si Lance. "Ayos ka lang ba?" ang tanong ko sa kanya.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 3: The Last War ArcTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon