Part 3: Haligi
ENCHONG POV
"Kawawa naman ang apo ko," ang wika ni mama habang pinupusan ang maduming katawan ni Rouen na noon ay nagkaroon na rin ng malay at medyo humupa ang kanyang mga pinsala sa katawan.
"Salamat Lola, sorry kung pinag-alala kita," ang wika nito at pinilit niyang bumangon para yumakap kay mama.
"Hijo, iingatan mo ang sarili mo at huwag kang masyadong nakikipagbasag ulo, maliwanag ba? Mahal na mahal kita, maaaring hindi mo na nga ako kasama sa future pero nais kong malaman mo na ikaw ang pinakamamahal kong apo na si Rouen," ang wika ni mama habang magkayakap silang dalawa.
Noong mga sandaling iyon ay nakatahimik lang ako at iniisip kong mabuti kung paanong nabuhay pa si Egidio kung gayong kitang kita ng aking dalawang mata kung paano siya binura ni Rael sa pamamagitan ng isang atake lamang. Halos walang bakas na natira sa kanyang katawan sa lakas ng pagsuntok na iyon. "Paano nangyaring buhay pa siya?" tanong ko na may halong pagkalito.
"Iyon rin ang tanong ko papa, kitang kita ko kung paano siya pinatay ni papa Rael sa isang suntok lang," ang pagtataka rin ni Rouen.
"Nagawa ko yun?" ang gulat na tanong ni Rael, oo nga pala at wala siya sa sarili noong ginawa niya ito. Kaya't wala talaga siyang alam o walang siyang matatandaan.
"Oo papa! Ang galing mo nga e, sana maka one hit rin ako someday!" ang wika ni Rouen. Kaya naman napatingin si Rael sa kanya kamao saka napangisi na parang nagkaroon ng idea sa kanyang malakas na kapangyarihan.
"Ang pinakamabuti siguro ay bumalik na kayo sa Kailun at gampanan ang inyo ang mga tungkulin," ang wika ni papa sa amin.
Halos hindi ko pa rin makalimutan ang kanyang nabibiglang reaksyon habang kinukwento sa kanya ang mga pangyayaring naganap sa amin nitong nakakaraang mga buwan. Mula sa pagkakaroon ko ng kapangyarihan ng aming ninunong si Kasiya, sa pagkakaroon ni Rael ng kapangyarihan ng kanyang ninuno na si Emrys hanggang sa pagkamatay ni Oven at kung paano namin ito ginawang isang imortal. Ang bawat detalye, ang bawat kalabanan o labanan ay naikwento ko sa kanya ng buong buo.
"Iyon ang balak ko Hermes, nais ko lang ibilin sa iyo na kung sakaling magkagulo at bumagsak ang mga halimaw mula sa kalangitan ay mas makabubuting doon na kayo sa Palasyo manatili nila mama. Ang inyong kaligtasan ang pinakamahalaga higit sa lahat ng bagay, maliwanag ba?" ang tanong ni Rael.
"Masusunod, mahal na Hari. At huwag niyo na alalahanin si Rouen, ang ibig kong sabihin ay ang baby version niya, kami na ulit ng mama niyo ang bahala sa kanya," ang sagot naman ni papa.
"Salamat, Hermes," ang sagot ni Rael.
At iyon nga ang set up, kahit wala ito sa plano ay maaga kaming nagdesisyon na bumalik sa Kailun upang harapin ang problema doon. Kaya naman noong gabing iyon ay agad kaming naghanda pabalik sa Kailun. Kahit malungkot at mabigat sa loob naming iwanan ang aming batang anak. Kinabukasan kami aalis, kaya't bago matuloy ay mahigpit na ang yakap ko sa aming baby na Rouen habang ito ay mahimbing na natutulog. "Katulad ng dati, dapat ay mag ingat para kay Rouen, huwag magpadalos dalos okay?" ang wika ko kay Rael habang nakayakap sa anak.
"Hindi na ko hihiwalay ulit, hindi na ako mawawala. Pangako," ang sagot niya sabay halik sa aking labi.
"Dapat lang no, kapag nawala ka ay hindi ko na alam kung paano ka babalik," ang tugon ko naman at muli ko siyang hinalikan sa labi.
KINABUKASAN..
Hindi na namin ginising si Rouen, hinalikan na lamang namin ito bago lumabas ng silid. Isang mahigpit na yakap rin ang iginawad namin kina mama at papa. "Pa, mag iingat kayo dito, kung sakaling magkagulo ay buksan mo agad ang portal sa Kailun at doon kayo magtungo, katulad ng bilin ni Rael," ang wika ko bago umalis.
BINABASA MO ANG
Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 3: The Last War Arc
FantasíaThis is the third installment of the series and history will only repeat itself. The way the Gods of light and darkness clashed millennium years ago that prompted the extinction of the land of Kailun and the world of mortals. The whole thing turned...