Part 37: Para sa Sarili
SUYON POV
"Mukhang inabanduna ka na ni Lucerne, napagtanto na ba niya na hindi ka karapat dapat sa kanyang kapangyarihan?" tanong ni Sato habang walang ang pag atake nito sa akin. Sa kabilang dako naman ay patuloy pa rin sa sagupaan ang mga higanteng aming gabay.
"Si Lucerne ay gabay ni Naama, nagkataon lamang na nagtagpuan ko na ang aking sarili kapangyarihan at kakayahan kaya't hindi na ako kailangan manghiram pa sa iba?!" ang sigaw ko at dito ay nagbago ang hugis ng itim apoy sa aking paligid at naging isa itong malaking ibon, lumipad ito sa kinaroroonan ni Sato at saka dinagit ang kanyang katawan. Dahilan para mawala siya sa balanse ngunit patuloy pa rin siyang lumalaban dito.
"Si Oni ay ang aking espiritung gabay, sa tingin ko ay mauunawaan na ni Lucerne kung bakit hindi ko na siya kailangan! Dahil si Lucerne ngayon ay gabay na ng aking anak at darating ang araw na siya rin ang mga mamana ng kapangyarihan namin ni Lucario bilang mag asawa! Mga bagay na sa bangungot mo lang nararanasan!" ang singhal ko sa kanya at dito ay nagpakawala pa ako ng maraming enerhiyang itim patungo sa kanyang dahilan para sumabog ito ng malalakas.
Samantalang sa kabilang parte ng lumapit ay nag eespadahan si Gnosis at Oni, ang kanilang lakas ay patas, ang sagradong baluti ni Gnosis ay matibay pa sa pinakamatibay na kasalag kaya't kahit anong gawing pag atake ni Oni dito ay hindi siya natitinag. Gayon pa man ay taglay ng aking gabay ang lakas at bilis kaya't sa isang iglap ay nagligabgab ang itom na apoy sa kanyang espada at muli itong umatake sa kalaban. Ang kanilang mga kilos ay parang mga mandirigmang eksperto sa pag gamit ng mga espada.
Samantang nagliwanag ang katawan ni Sato at sumabog ito kasama ang higanteng ibon ng enerhiya na aking nilikha. Sa lakas ng pwersang pinakawalan ni Sato sa kanyang katawan ay nawala ako sa balanse saka sumasadsad sa lupa. Maya maya ay nagliwanag ang kanyang tungkod at mula sa aking kinalalagyan ay sumibat ang isang pulang liwanag galing sa kanyang pag atake. Dahil wala akong ibang maatrasan noong mga sandaling iyon ay wala akong nagawa kundi ang saluhin at pigilan ang kanyang pag atake.
At iyon nga aking ginawa, sinalo ko ang enerhiya at sinubukan kong higupin ito ngunit sa laki ay parang napaka imposible. Gayon pa man ay napigilan ko ito at inihagis pa itaas.
Ilang saglit sumabog ito na parang nuclear weapon, nahawi ang ulam sa sobrang lakas ng impact. Umabot ang lakas nito sa aming kinalaglagyan kaya naman tumilapon ang aking katawan sa ere at hinigop paitaas ng malakas na pwersa. Mabuti na lamang at nakita ko si Miguel na tumatakbo, nagliwanag ang kanyang palad at saka hinila patungo sa kanilang kinalalagyan.
"Ayos ka lang ba?" tanong nito sa akin noong matagumpay niyang gawin ang kanyang technique ng paghila.
"Oo, sa tingin ko medyo nabali lang braso ko at medyo nasugutan lang ako," ang sagot ko naman.
Natawa si Enchong, "medyo? Bali ang braso mo at ang dalawang daliri mo, bali rin ang dalawang tadyang mo sa close combat na ginawa niyo ni Sato, ang kanyang suntok ay may enerhiyang nagpepentrate sa kalasag ng ating katawan. Noong maglaban kami kanina ay ilang beses niya itong nagawa sa akin mabuti na lang at mabilis ko ring narerepair ang aking katawan sa ayos. Tadtad ka rin ng sugat sa buong katawan, ang iba dito ay malalim," ang wika ni Enchong at dito hinawakan niya ang aking dibdib at saka nagliwanag ang kanyang kamay, gumapang ang liwanag sa aking katawan at unti unting nabuo ang aking mga butong nabali. Tunay na kahanga hanga ang kanyang kakayahan.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay isa nanaman enerhiyang pula ang sumibat sa aking harapan mula kay Sato kaya naman nagtatakbo si Miguel sa aming harapan, sinuntok niya ang lupa at dito ay umangat ang mga dambuhalang pader na harang, gawa sa ginto at dito tumama ang pag atake ng kalaban!
BINABASA MO ANG
Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 3: The Last War Arc
FantasyThis is the third installment of the series and history will only repeat itself. The way the Gods of light and darkness clashed millennium years ago that prompted the extinction of the land of Kailun and the world of mortals. The whole thing turned...