Part 21: Ang Hukbo ni Ivo

104 4 0
                                    

WATER SNAKE: THE LEGEND OF THE DEEP available via PDF File! Grab your copy now for only 350 pesos! LIMITED SLOTS ONLY! Please contact 0995-078-9932

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

WATER SNAKE: THE LEGEND OF THE DEEP available via PDF File! Grab your copy now for only 350 pesos! LIMITED SLOTS ONLY! Please contact 0995-078-9932. Thank you

*******

Part 21: Ang Hukbo ni Ivo

IBARRA POV

"Ito si Roselia! Ang aking pinakamagandang likha sa lahat!" ang sigaw ni Ivo na may halong matinding pagkagalak habang pinagmamasdan ang kanyang higanteng halaman.

"Si Roselia naglalaman ng itim na kapangyarihan, sa makatuwid ito ang binhi na ibinigay sa kanya ni Xandre katulad ng kay Caleb at sa iba pa!" ang wika ko naman.

"Tama ka doon Ibarra, noong pumanaw ako ay wala akong natirang kapangyarihan sa akin ay orihinal kong lakas. Lahat ng pinahirapan ko ay nawala, kaya ngayon ay sisiguraduhin kong mawawala ang lahat sa inyo!"

"Pinaghirapang nakawin! Gago! Iyon ang totoo! Lahat ng lakas mo noon ay nakaw lamang! At hindi iyon matatawag na lakas!" ang singhal ni Leo.

"Kung gaano ay ipapakita ko sa inyong ang tunay na lakas!" ang sigaw rin ni Ivo. Sabay kumpas sa kanyang kamay at dito ay muling nagliwanag ang mga tinik sa katawan ng kanyang halaman at sumabog ito sa ere! Daan daan ang mga tinik na iyon at ang lahat ay tumama sa lupa. Umiwas kami at dumistansiya, ang lahat ng mga tinik ay tumama sa lupa at nagliliwanag pa rin ang mga ito.

Maya maya ay isang kumpas pa ang kamay ang ginawa ni Ivo at nagliwanag naman ang higanteng bulaklak at bumuga ito ng daan daang nagliliwanag na pollen, nanatili ito sa ere na parang mga kumikislap na insekto. "Pagmasdan ninyong mabuti! Ito ang aking lakas! Ito ang kaya kong gawin! Marahil ay natutuwa kayo dahil pinagtutulungan niyo ako, ang isa laban sa lima ay hindi patas. Bakit hindi natin baligtarin ang sitwasyon? Gawin natin ito lima laban sa daan daan!" ang wika ni Ivo at muling nagliwanag kanyang katawan saka bumigkas ng kakaibang orasyon!

Muling nagliwanag ang mga tinik na nakatusok sa lupa at gayon rin ang mga bilog na enerhiya pollen na nagliliwanag sa ere.

Sumabog ang mga enerhiya sa paligid at kasabay nito ang pag crack ng mga tinik na parang mga itlog na nabasag, ganoon rin ang mga bilog na pollen sa ere! Ang lahat ay unti unting nabiyak hanggang makalipas ang ilang saglit ay unti unting lumabas dito ang mga nilalang na parang mga halimaw. "Ang mga tinik ay mga itlog, ngayon ay nakabuo siya ng daan daang hukbo," ang wika ni Sam habang pinagmamasdan ang mga humanoid na mga halimaw na parang balot ng ugat at sanga ng puno.

"At hindi lang iyon dahil may hukbo rin siya sa itaas, ang mga inaakala nating mga pollen ay mag itlog rin na namisa at ngayon lumabas rin dito ang daan daang halimaw na may pakpak animo mga itsekto," ang dagdag pa nila.

"Sa makatuwid ay dalawang hukbo ang kalaban natin, ang isa ay dito sa lupa, at ang isa ay doon sa itaas," ang wika ko naman at habang nasa ganoong posisyon kami ay nagliwanag ang aming harapan ay sumulpot dito sina Tembong at Lolo Isko.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 3: The Last War ArcTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon