MGXMBS Book 3
The Last War
AiTenshi
Dec 3, 2021
Part 55: Ang Huling Handog ni Enchong
ENCHONG POV
Habang nakahandusay sa lupa ang natitirang katawan ni Xandre ay lumapit sa kanya sina Devon at Yul. Ibinaba nila ang kanilang mga sanda at niyakap ang katawan nito. "Nanalo kayo," ang wika ni Xandre sa mga dati niyang kasamahan.
"Mas malakas ka na kaysa akin, malayo na ang narating Xandre, sana ay naging magkaibigan tayo, sana ay maaari tayong magsimula muli, sana ay hindi pa huli ang lahat," ang wika ni Yul.
"Huli na ang lahat, Hariel. Alam mo ang naghihintay sa aking espiritu. Tumakas ako sa Hell society at maging sa Heaven Society, ang aking espiritu ay sasama sa hangin at mawawala," ang wika niya habang unti unting nagiging abo ang katawan.
"Ikaw pa rin ang idolo ko, bilang isang number 98 Guardian, ang makasama ka at makausap ay isang suntok buwan. Salamat sa pagdating mo dahil tinulungan mo akong maging malakas," ang wika ni Devon. Tumango lang si Xandre at dito ay unti unting naagnas ang kanyang katawan.
Habang nasa ganoong posisyon ako ay bilang kumabog ang aking dibdib at kasabay nito ang pagbabalik ng isang alala sa aking isipan habang kausap ko noon si Kasiya.
FLASH BACK
"Enchong, nais kong malaman mo na ang power of darkness na taglay ni Elsen at ni Xandre ay hindi naglalaho. Ito ay parang espiritu na lilipad lamang at magpapasalin salin sa mga katawan ng piling mandirigma. Kapag nagpatuloy ito, ang kasamaan ay magpapatuloy lang din lamang, iikot lamang ulit sa simula ang lahat," ang paalala ni Kasiya.
"Sa makatuwid ay kapag nakalipat sa iba ang kapangyarihan ni Elsen ay malalagay na naman sa kapahamakan ang lahat?" ang tanong ko naman.
"Oo, tama ang iyong pagkakaunawa, Enchong," ang tugon din niya.
Nagtaka ako, "Kung ganoon ay paano mo natalo si Elsen? Paano mo siya napagilan?"
"Katulad ng aking sinabi sa iyo, ang aking kapangyarihan ay may espesyal na selyo na magkukulong sa kahit anong bagay na aking naisin. Ito ang ginamit ko upang igapos si Elsen, ngunit delikado ito dahil maaari kang kainin nito kung hindi handa ang iyong isip at katawan. Ang isang mandirigmang may mahinang determinasyon ay madaling masasakop at kakainin ng kadiliman. Katulad ng sinabi ko sa iyo, buhay ang kapangyarihan ito, hindi mawawala at hindi hihina," ang sagot niya.
"Anong nangyari sa iyo? Nagtagumpay ka ba? Kasiya?" tanong ko ulit, may halong pag aalala.
"Noong ikulong ko ang kalaban ay nasakop nito ang aking isipan at iyon ang pinakamalungkot na parte ng aking kwento. At ang tanging nagawa ko ay magpakamatay at isama siya sa aking hukay," ang wika ni Kasiya, bumakas ang kakaibang lungkot sa kanyang mga mata noong sandaling iyon.
BINABASA MO ANG
Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 3: The Last War Arc
FantasiThis is the third installment of the series and history will only repeat itself. The way the Gods of light and darkness clashed millennium years ago that prompted the extinction of the land of Kailun and the world of mortals. The whole thing turned...