Part 10: Para sa Bagong Bukas

136 6 0
                                    

Part 10: Para sa Bagong Bukas

YBES POV

Halos dalawang linggo rin akong nagpapahinga sa palasyo ng Blood Sucker bago ako tuluyang makarecover. Suportado ni Enchong at ni Rouen ang aking pag galing, halos ilang araw rin nilang binuo ang mga sumabog na cells sa aking katawan dulot ng sunod sunod na paggamit ko sa bloody energy. Isang abilidad kung saan kumukulo ang aking dugo, naglalabas ito ng malakas na enerhiya at sumasabog sa loob ng aking katawan.

"Dahan dahan ka nga sa paglalakad, baka maya maya ay bumuka pa yung mga sugat mo," ang wika ni Seth habang naglalakad kami pabalik sa aming kampo.

"Ano ka ba, maayos na ako. Hindi naman tayo papaalis nina Enchong at Rouen doon kung hindi pa ako maayos diba? Mabuti na lang at mahuhusay ang healer natin," ang wika ko habang nakangiti.

"Ah basta, huwag ka na ulit gagamit ng bloody energy na iyan, o kung ano man ang tawag diyan," ang hirit niya sabay akbay sa akin.

"Susubukan kong huwag gamitin, pero malalagay tayo sa panganib ay talagang gagamitin ko ito," ang hirit ko rin.

"Sira, susunod ka sa akin dahil ako ang asawa mo, okay ba iyon?" naka ngiti niyang tugon.

Natawa ako at hinalikan siya sa labi, saka muli kaming naglakad pabalik sa aming tribo. Mula dito natatanaw pa rin namin ang makapal na barrier ng aming tribu. Natuwa kami ni Seth dahil ligtas sila sa kabila ng matinding labanang naganap sa pagitan namin nila Rigor at Nicolo.

Pagdating namin doon ay mapayapa naman ang lahat at masaya silang sinalubong kami. Kitang kita ang tuwa sa kanilang mukha, ang mga matatandang kalahi namin ay hinaplos pa ang aming mukha at nagpasalamat sa pagsalba sa amin ni Bathala.

"Kumusta kayo dito?" tanong ni Seth sa kanila.

"Maayos naman po mahal na hari, ang mga kawal ng Floral Land at mga kawal ng Blood Sucker ay nagpapadala ng supply dito sa amin. Huwag po kayo mag alala ni Master Ybes, maayos po kami. Labis po kaming nag alala sa inyo," ang wika nila sabay yakap sa amin.

"Ang mahalaga ay ligtas tayong lahat," ang tugon ko habang nakangiti.

"Mahal na Hari, Master Seth, ang matandang gabay ng mga manlikmot ay nais kong imbitahan sa kanyang kubol," ang wika ng isa.

Agad kaming nagtungo sa kubol ni Tandang Linda, isa sa pinakamatandang manlikmot na aming iniingatan dahil siya na lamang ang ala-ala ng kasaysayan. Si Tandang Linda ay nakatira sa Cendril Forest, sa isang kweba doon kasama ang kanyang anak na isang daang taon na rin ang tanda. Noong tanghaling hari ng mga manlikmot si Seth ay kinilala siya ni Tandang Linda at nagpakilala itong bilang isang matandang gabay ng kasaysayan.

Katulad ng ibang mga gabay sa iba't ibang lupain, si Tandang Linda ay may kakayahang alamin ang hinaharap at malakas ang pang amoy nito sa mga pananganib na parating. Noong mga oras na iyon ay tiyak na mayroon siyang mahalagang bagay na sasabihin sa amin dahil madalang lamang niya kaming ipatawag.

"Alam kong dumaan kayo sa malalang pakikipaglaban," ang bungad sa amin ng matanda.

"Opo, isang malalang labanan, mabuti at napagtagumpayan namin ito," ang sagot ni Seth.

"Ang labanan ay naging sanhi ng matinding pinsala sa aking katawan. Ngayon pa lamang po ako gumaling," ang tugon ko rin.

"Hindi pa iyon ang iyong oras Master Ybes, marami pa kayong pagdaraanan ni Haring Seth, katulad ng digmaang parating," ang tugon ng matanda.

"Tandang Linda, alam namin ni Ybes ang tungkol sa digmaan, alam rin namin na mayroong mga portal ng mga halimaw doon sa itaas," ang tugon ni Seth.

"At ang digmaan ay magaganap anim na buwan mula ngayon. At hindi sapat ang hukbo ng blood sucker, o ang hukbo ng mga Floral Gods para ipagtanggol ang buong lupaing ito," ang wika ng matanda.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 3: The Last War ArcTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon