Part 16: The All Star Champ

89 3 0
                                    

Part 16: The All Star Champ

ENCHONG POV

Binalot rin ako ng kaba noong tawagin ang Top 5, mabuti na lamang at nakapasok sina Oven at Santi. Ngayon ay kaunting effort na lang at pagsagot ng matino ang kanilang gagawin upang manalo. Ang kompetisyon na ito madugo at napakahaba, halos inabot na ito ng buong maghapon. Ang mga hindi naman nakapasok sa top 5 ay pinakawalan na lang at pinauwi bilang consolation prize!

"Papa, tulog naman si Papa Rael, mukhang wala siyang kagana gana sa ganitong bagay," ang bulong ni Rouen.

"Hayaan mo na iyang tatay mo, wala namang pakialam kay Oven at Santi iyan e," ang sagot ko naman sabay hubad sa aking sweater na suot at inilagay ito sa katawan ni Rael na noon ay naghihilik pa.

"Nonood lang rin ako para kung sakaling magkagulo at barili nila sina Ninong ay sisirain ko ang barrier at tatakas tayo dito sa dimensyong ito," ang bulong ni Rouen.

Natawa ako, "don't worry, kayang kaya manalo ng Ninong Oven mo. Huwag lang siyang dadapuan ng pagkabaliw, baka hindi siya makasagot ng maayos."

Emcee: At ngayon ay sisimulan natin ang tagisan ng talino. Papatunayan ng ating mga candidates na sila ay hindi lang maganda, kundi sila nagtataglay rin ng talino. Kaya naman simulan na natin ang elimination! Ang una nating tatanungin ay si Candidate number 0, Miss Ursuha Jane Chuvanezka!

Lumapit si Ursuha sa emcee at bumunot ito ng tanong. "At ang iyong candidate number 0, Narito ang iyong katanungan Miss Ursuha. Who is the person you look up to the most?"

Kinuha ni Ursuha ang mikropono at saka sumagot, "Thank you very much for that wonderful question. Who is the person I look up the most o sa tagalog ay sino raw ba ang taong hinahangaan o tinitinagala ko ng labis. Mga kaibigan ang magandang katanungan iyan ay nangangailangan lamang ng simpleng kasagutan kaya naman sasagutin ko po ang iyong katanungan ng diretso at walang halong palabok o paliguy-liguy pa! Ang tao po na labis kong tinitingala ay ang nanay dahil siya ang nag luwal sa akin sa mundong ito! And I Thank You!!"

Palakpakan..

Nagpatuloy ang tanungan, at ang pangalawang tinawagan ay si Oven. "Our best in long gown and Miss Talent Miss Steffi Rose Obituary! Hi Steffi, how are you?" ang tanong ng emcee.

"Im good, a little bit dizzy and hungry," ang sagot ni Oven.

"Oo nga naman super haba naman kasi talaga ng contest na ito, pero anyway bumunot ka ng tanong mo," ang tugo ng emcee kaya naman huminga ng malalim si Oven at saka bumunot ng tanong. "Ang iyong tanong, makinig kang mabuti, If you could have any superhuman power what would it be?"

Ngumiti si Oven at sumagot, "My super power would be immortality. If I could live forever, I could use my "whole" life to help others during natural disasters, since I would not be afraid of losing my life. I could also give all my money to those in need, because I would never have to buy new clothes or accessories. I would also make a great history professor, as I would know the whole of human history, since I have lived through all historical events. And I thank you," ang sagot nito, alam ko naman na makakasagot ito dahil kasama sa training niya ang pagrereview ng Q and A under sa akin.

"Very well said Miss Steffi Rose Obituary!" ang pagpapakilala muli ng emcee.

Ang pinakahuling tinawag ay walang iba kundi si Santi, "Please pick your question Miss Rugbya Beatrice Luigi Mateo, napakahaba ng name mo hija," ang wika nito habang nakangiti.

"Opkors!" ang sagot ni Santi sabay bunot ng tanong at iniabot ito sa emcee, "if you win this pageant what will you do?"

"Well, thank you for the wonderful question, I will carry the crown with utmost dignity as it not only a pageant title but a great responsibility which a crown gives you a complimentary gift. I will make sure that I fulfill the motto of the pageant just as successfully as any mother tries to instill qualities in her child. And I Thank You!" ang diretsong sagot ni Santi na halatang kinabisado at saka master ang sagot. Kung sabagay ay common ang question na ito, kahit si Oven ay may nakahandang sagot dito.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 3: The Last War ArcTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon