Part 12: Gay of Thrones 1

126 4 0
                                    

MGXMBS Book 3

The Last War

AiTenshi

Nov 1, 2021

Part 12: Gay of Thrones 1

ENCHONG POV

"Papa galit ka ba sa amin ni Papa Enchong?" tanong ni Rouen sa tatay niya.

"Bumalik ka na nga sa future!" ang naiinis na wika ni Rael.

"Pa, syempre ako ang magiging pinakagwapo kasi kombinasyon ako ng looks niyong dalawa ni papa Enchong, hindi na nakakapagtaka iyon," ang katwiran ni Rouen.

Kinatukan ko naman si Rael, "huwag mo nga talunin yung sarili mong anak. Kung sa bagay ako nga dati kinatalo mo pa! Nakakainis ka talaga! Abnormal!" ang sermon ko sa kanya.

"Shhh, wag mo nga akong kausapin ng ganyan, isa akong HARI! baka marinig nila na ganyan mo ako tratuhin," ang pagpigil nito sa akin.

Sa pagsiklab ng bagong araw sa demensiyon ni Urusuha ay binuksan ang malaking field upang ganapin ang opening ceremony ng mga candidate. Ang lahat ay nakasuot ng arrival dress! Kami naman ay nanonood lang sa isang sulok at hindi kami maaaring makialam dahil may barrier ang buong paligid.

Nagsimulang magdatingan ang mga candidate mula sa iba't ibang lugar at lupain. Parang mga Miss Universe, ang iba ay magaganda, mayroon rin native ang itsura at mayroon ring pang international ang datingan. "Hala, 480 candidate ang maglalaban laban? Paano mananalo si Ninong Oven niyan? Saka sa dami nila ay hindi ko na makita si Ninong!" ang wika ni Rouen habang nakatingin kami sa lupon ng mga nagdadatingang candidate.

Nag gagandahan ang kanilang mga arrival dress, mayroong mga naka filipiniana, mayroong mga nakagown, bestida, corporate attire na kanya kanyang desenyo. Sa dami ng candidate ay hindi na namin makita sa crowd si Oven at kung anong itsura nito.

"Ang dami nila, teka hindi ba't si Santi iyon?" tanong ni Rouen at dito nga ay nakita namin si Santi na nakasuot ng costume ni Lunox sa Mobile Legends yung ordinary skin na Bloody Mary dahil nakapula ito at talagang pansinin.

"Yan ng arrival dress niya?" tanong ko naman.

"Malamang, baliw yan e!" ang sagot ni Rael.

"Papa hayun si Ninong Oven!" ang wika ni Rouen sabay turo sa gitnang direksyon. At dito nga ay nakita namin si Oven na nakasuot ng Sailormoon Eternal Form, yung may pakpak din. So bale dalawa sila ni Santi na may pakpak kaya't angat na angat sila sa crowd ng mga candidate. Marahil ay hindi pa nila nakikita ang isa't isa kaya hindi pa sila nagkakagulatan.

Kaya pala tinawag na ALL STAR ang labanan ngayon dahil halos lahat ay kasali. Parang nagkaroon ng international at local pride march at ang lahat ay handang handa para makuha lamang ang korona. Boxing kung boxing, laban kung laban.

Habang nasa ganoong posisyon ang lahat ay lumabas si Ursuha sa kanilang harapan, nakasuot ito ng beaded na dress na parang mag oopening number sa Miss Universe. Sa pagkakataong ito wala na siyang maskara, ang lahat ay napatingin sa kanyang magandang anyo na parang isang babaeng inosente at walang kamuwang muwang sa mundo. Lalong tumaas ang babaihan powers ni Ursuha, kaibahan dati na parang nagpaturok ito ng petroluem jelly. Inshort ay may budget siya ngayon.

Hinawakan ni Ursuha ang mikropono at nagsalita ito, "Namesmerized kayo! Animin niyo yan! 480 candidates in front of me, but there can only be one crown. At dahil nandito na tayong lahat ay simulan na natin ang labanan. Anyway, nice arrival dress! Kitang kita naman ang effort nating lahat diba? Lavarn kung lavarn!" ang wika ni Ursuha.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 3: The Last War ArcTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon