Part 17: The Fallen Queen
OVEN POV
And The GAY OF THRONES ALL STAR GRAND CHAMPION IS STEFFI ROSE OBITUARY!
Take you first step the new Gay of Throne All Star Grand Champion!
Agad na inalis kay Ursuha ang korona at inilipat ito ay Oven! Parehong shock ang dalawang candidate ngunit ang katotohanan ngayon ay kung paano tatanggpin ni Ursuha ang muling kabiguang sinapit niya sa Gay of Throne.
"Nooooooo!" ang malakas na sigaw ni Ursuha! Napa upo ito sa entablado sa kanyang biglaang pagkabigo. "Mga walang hiya kayo! Dinaya nyo akoooo! Dinaya niyo akoooo!" ang sigaw niya.
"Ateng hindi ka namin dinaya, kahit ireview mo pa itong buong pageant na ito, dapat kanina ka pa laglag sa top 5 e! Saka dapat 2nd runner ka lang kasi none sense ang mga answers mo! Baklang twoe!" ang sagot sa kanya ni Santi.
"Hindi ako makakapayag na matalo! Kung hindi lang rin ako ang mananalo ay mamatay na kayong lahat!!!" ang sigaw pa ni Ursuha at dito ay nagsimulang yumanig ang kanyang buong dimensyon. Kaya naman agad kong inutusan si Santi na buksan ang portal at itakas ang mga beauty queen na judges! "Itakas mo sila Pia at Catriona! Priority! Protect them with your life!" ang utos ko.
"Paano ka ses?!" ang wika ni Santi sa akin
"Ako na ang bahala sa buset na Ursuha na ito! Kailangan kong tapusin ang kabaliwan niya!" ang sagot ko naman habang yumayanig sa paligid at habang nawawasak ang mga lupa. Ang maaliwalas na paligid ay napalitan ng kadiliman. "Saka ako na rin ang bahala sa mga gwapong boys na binihag niya!"
"Hala, may asawa ka na ba? Landi pa rin? Alam ko na ikaw na lang ang maghatid kila Catriona sa mundo nila at ako na lang bahala dito," suhestiyon niya.
"Gaga! Too much na yung exposure mo dito noh! Spluk na! Kailangan na namin ni Ursuha ng malalang confrontation scene! Kailangan naming tapusin ang aming nasimulan," ang bulong ko habang nakatingin kay Ursuha na naloloka, nagliliwanag ang katawan at parang bumigay na ang utak sa pagkatalo.
"Okay fine! Pero hindi ko pa rin matanggap na ikaw ang nanalo. O siya, kawawa naman yung mga beauty queens doon tiyak na nanatakot na sila! Remember huwag haharvat kapag puyat! Iyon ang bilin ni inay!" ang wika ni Santi.
"Gaga, ako si Inay! Sa akin galing yon! Go na! Spluk na! Keri ko na to!" ang wika ko at dito ay lumapit ako kay Ursuha na noon sigaw ng sigaw. "Teh pwede tumahimik ka na?" tanong ko.
"Hindi ako tatahimik! Dinaya niyo ako! Dinaya niyo akoooo!" ang sigaw nito sabay sakal sa akin. Nagliwanag ang kanyang mga katawan at umangat ang mga halimaw na kulay pink sa lupa.
"Ano ka ba? First runner up yan oh! At least lagi kang nanalo kahit hindi ka naman talaga deserving! Saka pwede magpahinga ka muna?" ang sagot ko naman sa kanya.
"Papatayin kita! Napaka panget mo! Napakalaki ng katawan mo at mukha ka pang baklang taga kanto! Paano ka nanalo?" sigaw niya nagliwanag ang kanyang kuko at saka pinagsisira ang gown ko.
"Walanghiya ka Ursuha! Gago ka talaga! Panget nga ako pero mas matino naman akong sumagot! Try mo kayang sumagot ng straight to the point! Yung sagot mo puro introduction, puro palabok na wala namang kwenta! Sumagot ka ng maayos leche ka! At huwag mong sirain ang gown ko! Shutanamerz ka!!" ang sigaw ko sabay sipa sa kanya.
Nagkagulo ang buong paligid dahil sa paglabas ng mga halimaw na pink. Nasira ang barrier sa buong field kaya naman nakalaban na sila Enchong at iba pa. Mula dito sa malaking entablado ay nakikita ko rin ang ibang mga kawal na lumalaban sa mga halimaw na galing sa lupa.
"Walanghiya ka! Dinaya mo na nga ako nagawa mo pa akong sipain! Magbabayad ka sa lahat ng ginawa mo sa akin!" ang sigaw nito at maya maya nanigas ang aking buong katawan saka niya ako itinaas sa ere! Dito ay sinakal niya ako ng mahigpit gamit ang pwersang enerhiya sa kanyang kamay.
BINABASA MO ANG
Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 3: The Last War Arc
FantasíaThis is the third installment of the series and history will only repeat itself. The way the Gods of light and darkness clashed millennium years ago that prompted the extinction of the land of Kailun and the world of mortals. The whole thing turned...