Part 19: Sugo ng Kalikasan

130 5 0
                                    

Part 19: Sugo ng Kalikasan

IBARRA POV

Walang pagbabago ang kadiliman dito sa bundok ng Hiraya, gayon pa man ay medyo naging panatag kami nila Leo at iba pa dahil sa pagsang-ayon ng iba't ibang lahi ng engkanto upang makiisa sa digmaang parating. Ang mundo ng mortal ang sentro ng aming mundo, dito kami kumikilos ng malaya at nakikihalubilo sa mga normal na tao. Dito kumukuha ang Heaven at Hell Society ng kanilang mga tao sa pamamagitan ng paghahatol sa kanilang mga kaluluwa. Sa makatuwid, ang mundo ng mga mortal ay mahalaga ang parte sa aming mga lupain.

"Tingnan mo Leo, magaling na pa lang magsulat si Tob," ang wika ko noong pinakita ko ang sulat kamay nito.

"Oo, medyo lagpas lang sa guhit pero nababasa na ito, very good anak," ang wika ni Leo sabay gusot sa buhok ng bata.

Tuwang tuwa naman si Tob kaya naman inilabas pa niya ang books tungkol sa mga gawain ng bata sa bahay, katulad ng paglilinis ng study table, paghahanda ng pagkain sa lamesa, pag aayos ng higaan at pagtitiklop ng mga kumot. Ito ang kaniyang takdang aralin.

"Hindi naman ako nagtataka na parating perfect score itong si Tob, manang mana sa katalinuhan mo, Leo." ang wika ko habang nakangiti.

"Syempre dahil din iyan sa pagtityaga mong turuan siya," ang nakangiting sagot ni Leo sabay akbay sa akin.

"Leo! Ibarra!!" ang pagtawag ni Sam sa amin habang kami ay abala sa pagtuturo kay Tob ng mga araling pambahay.

Sumilip ako sa bintana, "Bakit Sam?" tanong ko na may halong pagtataka dahil ang boses nito ay may takot.

"Leo, Ibarra, may nangyayari sa ibang parte ng bundok Hiraya," ang wika ni Sam na may halong pangamba.

Dahil nga isa itong emergency ay iniwanan namin ni Tob sa mama ni Leo at agad kami sumama kay Sam na noon ay balot ng takot. "May kakaiba sa paligid, sa tingin ko ay sinasadya ito ng kung sino," ang wika niya at noong makarating kami sa sentro ng bundok ay laking gulat namin noong makita na ang halos one fourth nito ay naagnas, nasira at namatay. Ang mga dahon ay natuyo, ang mga hayop, insekto at maging ang mga dambana sa mga puno ay kalansay na lamang ang natira, lahat ay naagnas at binura sa ere ang mga katawan.

"Isang "KAMALASAN" ito ang terminong ginagamit kapag nasisira ng bundok ng Hiraya," ang bulong ni Sam.

"Teka, hindi ito natural na pangyayari, ito ay sinasadya," ang sagot ko naman noong may maramdamang kung anong nakakubli sa paligid.

"Gayon rin ang pakiramdam ko, hindi ko maipaliwanag ngunit tumitindig ang aking balahibo ngayon," ang wika naman ni Leo.

"Ano ba ang nangyayari? Jusko no! hindi pa nagsisimula ang last war ay nawawasak na ang bundok ng Hiraya!" ang wika ni Tembong habang kasama si Lolo Isko na noon ay hawak ang kanyang tungkod.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay laking gulat namin noong gumalaw ang kalamasan at nagsimula na naman ito agnasin ang mga bagay sa paligid. Nadikitan ang aking kasuotan kaya naman agad ko itong hinubad dahil tuloy tuloy itong natunaw.

Umiwas kami at dumistansiya, ikinumpas ni Lolo Isko ang kanyang tungkod at lumikha ito ng nagliliwanag na harang sa buong paligid. Pinigilan nito ang paggapang ng tinatawag "kamalasan" o yung mahika na nag-aagnas ng mga bagay sa paligid "Tama si Ibarra at Leo, ito ay sinasadya," ang wika ng matanda at dito ay tumaas pa ang kanyang harang sa buong paligid ng bundok upang hindi na gumapang ang "kamalasan" ng pagkaagnas.

"Oo, at isa nilalang lamang ang alam kong may galit sa bundok ng Hiraya. Isa nilalang lamang ang nagtataglay ng maitim na puso ng paghihiganti!" ang wika ko naman dahilan para mapatingin sila sa akin.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 3: The Last War ArcTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon