Part 49: Ang Adhikain ng Diyos
ENCHONG POV
"Naku yang asawa mo, hot na hot lang? Sumugod na naman oh," ang wika ni Oven noong muling magtatakbo si Rael patungo sa kalaban, maya maya ay bigla rin itong tumilapon pabalik sa amin dahil sa pagtulak sa kanya ng mataas na uri ng force field na nasa paligid ni Xandre.
"Arekup," ang bulong nito kaya naman agad ko siyang itinayo, "Sa tingin ko ay hindi agad tayo makakalapit sa kinaroroonan ni Xandre dahil ang kanyang kalasag na gamit ay automatic na naglalabas ng pwersang humaharang sa kalabang aatake sa kanya.
Tahimik.
Lumakad si Xandre sa aming harapan, "Bakit kailangan niyo akong kalabanin? Maaari naman tayong magkaisa," ang wika nito.
"Ang makiisa sa pagpapakalat ng kasamaan at kadiliman? Ang makisama sa pag-sira sa aming mga lupain? Kalokohan iyan! Kailanman ay hindi kami papanig at sasang-ayon sa iyong nais!" ang sigaw ni Seth.
"Ang ginagawa niyo kasi ay puro paghadlang lamang, hindi niyo inintindi ang aking adhikain. Pangarap kong maging iisang Diyos ng lahat upang mag isahin ang lahat ng mga lupain ang dimensiyon dito sa mundo. Hindi natin kailangan maghiwa-hiwalay, ang kinakailangan natin ngayon ay maging isa. At ang iisang mundo ay kinakailangan lang rin ng iisang Diyos at ako ang inyong kikilalaning kataas taasang hukom.," ang wika niya sa amin.
"Seryoso ka? Hindi namin kailangan ng iisang DIyos dahil lahat ng nilalang na nabubuhay sa mundong ito ay may kanya-kanyang paniniwala at hindi mo iyon mababago! Huwag mong isiksik ang iyong sarili sa mga bagay na hindi naman talaga inilaan para sa iyo! Ikaw at si Elsen ay parehong mga baliw!" ang sigaw ko naman.
"Kung ganoon ay malinaw na lumalabas sa inyong bibig ang hindi pagsang-ayon sa akin adhikain. Kung gayon ay alam niyo na ang naghihintay sa inyong kapalaran at iyon ay ang kamatayan!" ang wika niya at dito nagliwanag ang kanyang mata at dito ay bigla na lamang kaming itinulak ng malakas na pwesang nagmumula sa kanyang katawan. "Kapag kayong lahat ay namatay na ay ako ang magiging Diyos sa mundiong ito at ang lahat ay haharian ko, ang lahat ay susunod sa aking nais! Ang kataas taasang kapangyarihan ang aking nais at wala ng iba pa!" ang sigaw niya sabay sugod patungo sa amin.
Sumiklab ang pwersa sa kanyang katawan kaya naman naghanda na sina Rael at Seth sa kanyang pag atake bagamat simula pa lamang ay dumadagundong na ang kanyang pwersa.
Unang sumugod si Seth, nagpalit anyo siya bilang Manlikmot at sumugupa kay Xandre ngunit sinipa lamang siya nito at tinadyakan dahilan para bumaon ang kanyang katawan sa lupa. Noong makalapit sa amin ang kalaban ay nagliwanag ang kanyang kamao at buong lakas na inihataw iyon sa aming direksyon ngunit sinalo ni Rael ang kanyang kamao kahit na kitang kita namin na lumubog ang mga paa niya sa lupa dahil sa bigat ng pwersa. At habang nasa ganoong posisyon siya ay nagliwanag pa ang kaliwanag kamao ni Xandre at noong ihahataw niya ito ay sinalo naman ito si Rafalgia!
Natawa si Xandre noong makitang dalawang malakas na mandirigma ang pumigil sa kanyang kamao ngunit panandalian lamang ito dahil mas sumikalab pa ang liwanag sa kanyang mga braso at dito ay sumabog ito ng malakas! At sa lakas nito ay lumipad ang aming katawan sa malayo at agad rin nawasak ang kalasag nila Rael at Rafalgia sa katawan.
Sadsad ang aming katawan sa lupa!
"Argh! Masyadong malakas," ang bulong ni Rael habang bumabango ito, dumura pa siya ng dugo at ang kanyang suot ay tanging sirang damit na lamang dahil ang kanyang kalasag ay nabasag na parang mga salamin.
"Syempre, malakas iyan! Final boss kasi siya!" ang wika ni Oven at natili ito noong makitang lumalakad si Xandre patungo sa amin. "Humanda na kayo, lalaban tayo!" ang wika ni Rael. Samantalang pinindot naman nina Rouen at Ybes ang Instant Transportation Ball upang kumuha ng back up dahil naramdaman rin nila na hindi basta basta ang kalaban.
BINABASA MO ANG
Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 3: The Last War Arc
FantasyThis is the third installment of the series and history will only repeat itself. The way the Gods of light and darkness clashed millennium years ago that prompted the extinction of the land of Kailun and the world of mortals. The whole thing turned...