Part 52: Karimlan ng Dilim

78 3 0
                                    

Part 52: Karimlan ng Dilim

ENCHONG POV

"Hindi na kaaya aya ng ang anyo ni Gnosis, mas nakakakilabot siya ngayon," ang bulong ko sa aking sarili at habang nasa ganoong pag iisip ako ay biglang bumuga ng itim na kapangyarihan ang higante dahilan para balutin ng liwanag ang aming mga paningin.

Umiwas kami ngunit biglang umangat ang katawan ni Suyon sa ere at dito ay lumabas ang isang pang higante. Ito ang tagabantay na si Oni, ang ginamit niya noon upang labanan si Sato. Nagtatakbo si Oni sa aming harapan, gamit ang kanyang kalasag sa braso ay pinigilan niya ang ibinugang enerhiya ng kalaban.

"Ayos!" ang wika ng aming kasamahan.

"Grabe! Palang pelikulan! Titan sa Titan ang labanan! May baong ganyan si Suyon?" ang namamanghang tanong ni Oven.

"Malakas si Suyon, alalahin mong asawa siya ni Lucario," ang wika ni Niko habang nakangiti samantalang nasa likod lamang si Rouen dahil ginagamit nito ang napinsalang dibdib ng ama.

Yumayanig ang paligid dahil sa paglalaban ng dalawang madirigmang higante. Gamit ni Oni ang kanyang nagliliyab na espada samantalang si Gnosis ay mahababang kuko at buntot ang ginagamit sa pag atake.

Maya maya ay lumipad sa ere si Gnosis kaya naman nagliwanag ang katawan ni Oni na kayang kalaban. Gumapang ang mga kakaibang simbolo sa kanyang katawan at nagliyab ito, maya maya umangat din sa ere ang katawan ng higanteng gabay ni Suyon saka sila naglaban sa itaas. Hindi nakakalipad si Oni, ngunit dahil sa kapangyarihan ni Suyon umangat ito sa ere.

At habang nasa ganoon posisyon si Suyon ay isang itim na sibat ang lumipad sa kanyang direksyon kaya naman agad itong sinalo ang kanyang asawa na Lucario. "Huwag mong isasayad ang makasalanan mong sandata sa aking kabiyak!" ang sigaw ni Lucario at dito lumabas ang pakpak sa kanyang katawan. Ito ang kanyang ikalawang porma. Mabilis itong lumipad sa kinalalagyan ni Xandre at nagbuno silang dalawa sa ere!

"Aatake tayo!" ang sigaw ni Ibarra at dito naghanda muli kami sa paglulunsad ng all out attack!

"Ako na ang bahala kay Gnosis! Gawin niyo ang makakaya niyo upang pabagsakin si Xandre! Ititigil si Gnosis kapag nagawa niyo ito!" ang sigaw ni Suyon na noon ay nasa itaas at kinokontrol pa rin ang paglipad ng kanyang gabay.

Ang paglalaban nila Lucario at Xandre ay halos ganoon rin kila Rael, iyon nga lang sapakan ng kapangyarihan ang ginagawa ng dalawa. Hanggang sa maya maya ay biglang niyakap ni Lucario ang katawan ni Xandre at bigla SUMABOG silang dalawa!

Sa sobrang lakas nito ay parang nagliwanag buong kalangitan! "Gago talaga si Lucario! Siniguradong magkakaroon ng pinsala ang kanyang kalaban!" ang wika ni Malik.

"Ngayon na! Sugod na!" ang sigaw ni Ibarra at dito ay inilunsad namin ang all out attack habang si Xandre ay hindi pa nakakabawi ng lakas!

Lumipad si Leo at Yul sa itaas, kapwa ng liwanag ang kanyang katawan at isang malakas suntok ang ginawad sa katawan ng kalaban dahilan para bumagsak ito sa lupa! Lumabas ang dalawang sibat sa kanilang kamay, ang kay Leo ay ang sibat ni Akito at ang kanya Yul naman ay ang Spear of Lance. Kapwa humaba ang dalawang sibat na kanilang hawak at tinusok nito si Xandre sa katawan, bumaon ang sibat sa lupa habang nakabaon sa katawan ng kalaban!

Ngunit ilang saglit lang ay sumigaw si Xandre at parehong nabali ang kanilang mga sibat. Hinawakan niya ang naputol na tulis nito at kapwa ibinalibag kina Leo at Yul dahilan para silang dalawa ang matuhog sa katawan! Lagapak ang dalawa!

Nakawala si Xandre at nagsimula rin itong umatake sa kanyang bumagsaka ng pulang Manlikmot sa kanyang likuran, niyakap ni Ybes ang katawan ni Xandre at sumigaw ito "BLOOD ENERGY BOMB!" Umusok ang katawan ni Ybes at umangat ang mga dugo niya sa katawan saka ito sumabog ng malalakas sa kanila ni Xandre pero sadyang malakas ang kalaban dahil inawakan nito ang kanyang braso at binali dahilan para tumilapon si Ybes.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 3: The Last War ArcTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon