Part 36: Ang Galit ni Suyon

78 3 0
                                    

Part 36: Ang Galit ni Suyon

SUYON POV

Nagliliyab ang paligid, sumisiklab ang itim na apoy sa akin katawan. Dito na humarap si Lucario sa akin, "Pagbabayaran mo ang ginawa mong pagpaslang sa aking anak!" ang sigaw niya at dito malalakas na enerhiya ang iginawad niya sa akin ngunit hindi naman ako tinalaban ng mga ito.

Lumutang ang aking paa at lumapit ako Lucario, hinawakan ko ang mukha at nagwika, "Pagbabayaran mo ang ginawa mong pagsira sa imahe ni Lucario! At pagbabayaran mo rin ng malaki ang ginawa mong pangbababoy sa realidad na pinaniniwalaan ko," ang wika at dito ay sumiklab rin ang itim na apoy sa katawan niya at unti unting nilusaw ang kanyang mga balat.

"Walanghiya kaaaaa! Bitiwan mo ang asawa ko! Pinatay mo na ang anak ko pati asawa ko ay nais mo rin kunin sa akin!" ang sigaw ni Sato sa aking likuran.

Humarap ako sa kanya, "walanghiya ka rin, BABOY ka!" ang sigaw ko sa kanya, kumuha ako ng apoy sa aking paligid bumuo ito ng malalaking sibat. Sa isang kumpas ay lumipad ang lahat ng ito kay Sato at pinagtutuhog ang kanyang katawan. Tama, mahihina ang mga tauhan sa bungungot na ito, dahil ang lahat ay hindi totoo at ang kalabanan dito ay ang iyong sarili mismo, kung paano mo ibabalik ang katotohanan sa iyong isipan at kung paano ka gigising mula sa sumpang bangungot na ito.

Kasabay nito ay isang malakas na sigaw ang aking pinakawalan at dito bumukas ang aking mata sa reyalidad!

Halos sabay kami ni Miguel nakabalik sa totoo mundo, nasira namin ang sumpa ni Sato. Hingal na hingal ako at gayon rin si Miguel na ubo ng ubo habang nakaluhod sa lupa. Para kaming nalunod, ang aming katawan ay duguan sa hindi malamang dahil. Dito ko napagtanto na kung anuman ang pangyari sa aming panaginip ay nangyayari rin sa aming katawan.

Habang nasa ganoong pag-recover kami ay nakita ko si Enchong na tumilapon sa aming kinalalagyan. Duguan ito at halos malalaki na rin ang pinsala katawan. Batid kong mas nauna siyang nagising sa amin ni Miguel. Kahit na duguan ay natuwa pa rin ito noong makitang gising na kami at nakabalik na sa tunay mundo ang aming mga ulirat.

Dito rin namin nakita si Sato na nakalutang sa ere habang nagliliwanag katawan. "Sana ay tatapusin ko na kayo ngunit prinotektahan kayo ng healer na iyan. Hindi ko akalain na una siyang magigising at masisira ang aking sumpa sa kanyang isipan."

"Kahit sino sa aming tatlo ang unang magising ay talagang poprotektahan namin ang isa't isa! Kahit ano pang maging kapalit nito," ang sagot ni Enchong sa kanya at dito ay ikumpas niya ang kanyang kamay at umusok ang kanyang katawan, lahat ng pinsala na kanyang natamo, kabilang na ang mga gasgas, mga malalalim na sugat at mga hiwa ay nagsara at gumaling. Nagulat rin kami ni Miguel noong umusok rin ang aming sugat at magsara ito ng kusa. Iba talaga ang kapangyarihan ni Enchong, ang kanyang sagradong lakas ay maihahambing sa isang Diyos.

"Kung gayon ay may lakas ka pa pala upang suportahan ang iyong mga kasamahan, magaling!" ang wika ni Sato at dito ay muling bumukas ang mga mata sa kanyang pakpak, "siguro ay dapat kayong matulog muli at managinip ng magandang bagay!"

"Tumigil kana sa kabaliwan at kababuyan mo! Hindi ko mapapatawad ang mga ginawa mong pagsira sa imahe ng mga taong mahal namin! Isinusumpa kita Sato! Isinusumpa kita!" ang sigaw ko sa kanya at dito ay nagliwanag ang aking katawan at ako mismo ang sumagupa sa kanya. Sinubukan niya ulit akong bulagin gamit ang kanyang hipnotismo sa kanyang mga pakpak.

Nagsimula na namang pumikit ang aking mata ngunit hindi ako nagpatalo! Pinulot ko ang nakakalat na patalim lupa at sinaksak ko ang aking braso at hita upang makaramdam ng sakit at hindi tamaan ng pagkaantok. "Hindi na!! Tama na ang kabaliwan mo! Malaswa ka!!" ang galit kong sigaw at noong makalapit ako sa kanya ay nagsagupaan kaming dalawa. Isang malakas na suntok ang iginawad ko sa kanyang mukhang dahilan para mapaatras siya pero gumanti siya at sinapak rin ako sa mukhang sanggang nagtuloy tuloy ang aming palitan ng atake, ang iba ay sinasangga ko at ganoon rin ang kanyang ginagawa.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 3: The Last War ArcTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon