WATER SNAKE: THE LEGEND OF THE DEEP available via PDF File! Grab your copy now for only 350 pesos! LIMITED SLOTS ONLY! Please contact 0995-078-9932. Thank you
******
Part 9: Alyansang Engkanto
IBARRA POV
"Ibarra, Leo, pwede hugot muna? Pinapatawag na kayo ni Lolo Isko doon sa kanyang tahanan," ang hirit ni Tembong noong magsalita ang bulaklak sa tabi ng kama namin ni Leo. Ginawa niya itong parang telepono upang madaling makapagpadala ng mensahe.
Kinuha ko ang bulaklak at itinapat ito sa aking bibig, "masama ang pakiramdam ni Leo ngayon, ano bang sasabihin ni Lolo Isko?" tanong ko naman.
Maya maya ay nagsalita ulit ang bulaklak, "Ewan, baka malalang premonition tungkol sa katapusan ng mundo. Jusko no, alam mo naman yung matandang iyon puro nega ang dalang balita," ang sagot nito.
"Pumunta ka na doon, okay lang ako, sipon lang ito sa kaunting lagnat. Kailangan ko lang ng kaunting pahinga," ang wika ni Leo sa akin.
"Hay naku, iwasan kasi ang madalas na pag sesex doon sa ilog para di kayo sinisipon at nagkakasakit, masyadong malamig ang tubig doon eh," ang hirit pa ni Tembong.
"O siya, sabihin mo kay Lolo Isko na susunod na ako, papakainin ko lang si Tob," ang wika ko naman sabay lagay ng bulaklak sa plorera.
"Ayo sang cellphone niyo ah, bulaklak talaga?" natatawang wika ni Leo.
"Depende sa trip naming mga enkanto, kung minsan bulaklak ang ginagamit namin, kung minsan naman ay ihip ng hangin o kung minsan naman ay mga hayop katulad ng palaka, ahas, mga leon at iba pa. Ito rin ang paraan ng pagpapadala ng mensahe ng mga ninuno natin noong sinaunang panahon," ang tugon ko naman.
Ilang linggong bakasyon, tahimik at walang iniisip na kahit ano, iyan ang naranasan namin ni Leo magbuhat noong kami ay bumalik dito sa Bundok Hiraya. Iyon nga lang ay hindi na muling sumikat pa ang araw at nanatili na lamang na madilim ang buong kalangitan kaya't masasabi kong hindi pa rin perpekto ang lahat.
Kahit naman isang mahusay na mandirigma si Leo ay dinadapuan pa rin siya ng lagnat, tama naman talaga si Tembong, madalas kaming naliligo sa malamig na ilog tuwing gabi kaya't nilamig ito. Gayon pa man ay pahinga lang ang kailangan at babalik rin agad siya sa ayos. "Papa Ibarra mag eend of the world na po ba?" tanong ni Tob sa akin.
"Sino naman ang nagsabi niyan?" tanong ko sa bata.
"Yung mga gumagawa po sa loob ng hacienda. Sabi nila yung dark clouds daw po ay simbolo na malapit na tayong mamatay lahat," ang inosenteng wika ng bata.
Natawa ako at ginusot ang kanyang buhok, "Naku, huwag kang naniniwala sa kanila, hindi totoo iyon, walang mamamatay at hindi mag e-end of the world. Marahil ay tinatakot ka lang nila," ang tugon ko sa kanya.
"Eh totoo rin po ba na magkakaroon ng war?" ang muli niyang tanong habang abala kami sa pagkain.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti, "Sino naman ang nagsabi niyan ha?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 3: The Last War Arc
ФэнтезиThis is the third installment of the series and history will only repeat itself. The way the Gods of light and darkness clashed millennium years ago that prompted the extinction of the land of Kailun and the world of mortals. The whole thing turned...