Part 48: Ang Huling Digmaan

73 3 0
                                    

Part 48: Ang Huling Digmaan

ENCHONG POV

Nagsalpukan ang aming mga hukbo at ang hukbo ng kadiliman ni Xandre. Nag abot kami sa gitna at dito naging sumiklab ang labanan sa pagitan ng lahat. Naging magulo ang buong paligid, umuulan ng mga mahika, nagliliparan ang mga sandata at halos ang lahat ay kanya kanyang laban na kinakaharap!

Si Rael ay naging mga paniki ang katawan at sumasagupa ito sa mga kalaban, si Rouen naman ay hawak ang kanyang espada at ang lahat ng humaharang sa kanyang mabilis niya hinihiwa. Abala rin sila Heneral Liad na noon ay marami ring kalaban ang pinipilit talunin, samantalang sina Seth at ang mga grupo ng mga Manlikmot ay kalaban ang kanilang mga kalahi na tumiwalag at kumampi kay Xandre.

Ang mga floral Gods na may kakahayang lumipad na parang mga paru-paro ay nasa alapaap at sila ang pumapatay sa mga halimaw na nalalaglag mula dito. Ang ang mga kawal naman ng Dark Gate sa pamumuni ni Rafalgia ang humaharap sa mga halimaw na bumabagsak at tumatapak sa lupa para makigulo sa digmaan!

"Ang gulo gulo ng paligid, hindi ko na alam kung sino ang titirahin!" ang sigaw ni Oven sabay pindot sa kanyang bracelet.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay mag isang higanteng hell hound na tumatakbo patungo sa amin kaya naman humarang sa harap ko si Oven, "ano ba itong nakalagay bracelet? Axie weapon? Ano to?" tanong nito sabay pindot sa buton.

Dito ay biglang tumalon si Oven at sinuro ang kalabang higanteng halimaw sabay sigaw ng "Ivory Stab! Sinister Strike!!" ang sigaw pa niya sabay kalmot dito.

Maya maya ay nagliwanag ang kanyang pwet at kinaskas ito sa kalaban sabay sigaw ng "Tail Slap! Gain Energy!" Matapos ang atakeng iyon ay dumistansiya siya at dumura ng malaking tubig na shuriken! "Star Shuriken! End last stand!"

Napangiwi ako, "anong bang ginagawa mo?" tanong ko sabay pana sa mga kalaban parating.

"Eh ewan ko ba friend, hilong hilo na ako, bakit ba kasi may Axie option dito sa bracelet na to," ang pagmamaktol nito sabay pindot pa ng buton at bigla naman ito nanuwag, nanuro na parang toro at nangagat! "Swift escape! Fish hook! Angry Lam! Vegetable Bite!" ang sigaw pa nito.

"Ano ba ginagawa mo? Bakit ang hina ng damage mo? 110, 130, 250 ang critical! Huwag mo na nga gamitin iyan! Nakaka stress!" ang sagot ko sabay tira ng palaso sa kanyang mga inaatake.

Patuloy ang labanan, patuloy rin ang magulong paligid, kahit saan ka lumiungon ay makikita mo ang mga nagsasagupaang nilalang, sa itaas, sa ibaba o kahit sa mga gilid pa. Makikita mo rin ang mga nagkalat na bangkay ng mga kalaban at ng aming kakampi. Ang ilang sugatan ay kinukuha ng mga medical team at ginagamot upang mas mabilis makarecover. Ang mga medical team na blood sucker ay nasa likod lamang ang protektado ng kanilang mga kapwa kawal. Naroon rin si Rouen at Niko na nakaharang upang makasigurado ang kanilang kaligtasan, ang medical team ang mahalaga sa pagkakataong ito dahil sila ang nagdurugtong ng buhay ng aming mga kasamahan.

Samantala ay dumadagundong naman ang lakas ng kamao ni Rael na nililimas ang mga kalaban upang makalapit siya kay Xandre na noon ay nanonood lang at nakaupo sa kanyang gintong trono. Samantalang si Seth at Ybes ay halos inuubos na ang kanilang mga taksil na kalahi. Si Rafalgia naman ay itinulang si Rael na makalapit kay Xandre, silang dalawa ang halos sumagupa sa malalaking halimaw sa paligid nito.

Ang mga kawal ni Xandre mga assorted kung tawagin, sila ay binubuo ng lahat ng uri ng nilalang sa mundo, mga hell hounds, Manlikmot, mga Engkanto, Blood Sucker at maraming pang iba. Karamihan dito ay mga halimaw mula sa ilalim ng lupa na ginamit noon ni Elsen para sakupin ang daigdig.

Patuloy sila Rael sa pagtakbo hanggang sa makarating siya sa trono ni Xandre, nagliwanag ang kanyang kamao at isang malakas na hataw ang ginawa nito sa harapan ng kalaban ngunit pinitik lang siya nito at ang katawan ni Rael ay tumilapon at lumipad sa malayo na aming kinagulat. Maya maya ay si Rafalgia naman ang umatake sa kanya ngunit hindi na gumalaw si Xandre, nakaupo lang ito sa kanyang trono ngunit napahinto niya sa pagkilos si Rafalgia, inangat niya sa ere ang katawan nito at saka itinapon sa aming kinalalagyan.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 3: The Last War ArcTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon