MGXMBS Book 3: The Last War
AiTenshi
Part 57: The Revival of Enchong
SPECIAL CHAPTER
"Hala totoo nga, buhay ka nga! Hindi ka naman naging zombie diba?" ang tanong ni Oven sa akin sabay pisil sa aking pisngi.
"Malaman hindi, ang lahat ng iyon ay dahilan at mayroong explanation," ang sagot ko naman habang nakangiti. Ito ang eksena kinagabihan matapos kong mabuhay ulit.
"Kung ganoon ay anong negative effect ang dala mo? Baka naman kumakain ka ng lupa at naliligo ng lupa katulad ni Gina Alajar doon sa Shake Rattle and Roll!" ang hirit pa ni Oven dahilan para matawa ako. At dito ay binalikan ko ang pangyayari kung bakit at paano ako nabuhay na muli.
FLASH BACK
Noong huminto ang aking paghinga ay para lang akong nakatulog ng mas mabilis, wala na akong naramdaman pa. Basta ang alam ko lamang ay natagpuan ko ang aking sarili na nakatayo sa isang gintong tarangkahan kung saan naroon ang espirtu ni Elsen, nakagapos at nakaselyo. "Kung nakipagkasundo ka sa akin, sana ay buhay ka pa ngayon," ang wika ng kanyang liwanag.
"Kung ang kapalit ng pakikipagkasundo ko sa iyo ay ang walang katapusang kadiliman at kasamaan ay mas mainam pang mamatay na lang tayong pareho," ang sagot ko sa kanya.
"Makakawala rin ako dito, at babalikan kita," ang wika niya.
"Ewan ko sa iyo, ang kinalalagyan mo ay isang malayong dimensyon na kahit ano ay hindi ko alam kung saang parte kita ng aking katawan hahanapin. At isa pa ay maraming selyo ang mga rehas na ito, sa tingin ko ay aabutin pa ng mga dalawa hanggang tatlong daang taon bago ito humina. Sa makatuwid ay dito ka lang muna at sasamahan mo ako sa ayaw at gusto mo," ang wika ko naman habang nakangiti.
"Sumpain ka Healer! May araw ka rin!" ang sigaw niya sa akin.
"Patay na nga ako diba? Aakyat ka sa langit para gumanti? Aasa pa ba akong makakawala ka dito? Dyan ka na nga, kasalanan mo to e," ang wika ko at dito ay lumakad ako palayo sa kanya. Kinikumpas ko ang aking kamay at binalot ng gintong liwanag na parang box ang enerhiya kaya't hindi ko na ito narinig pa.
Sa kada paghakbang na ginagawa ko ay palayo ako ng palayo sa selda hanggang sa hindi ko na ito makita pa. Patuloy ako sa paglalakad sa kadiliman hanggang sa makita ko si Kasiya na nakatayo sa aking harapan at nakangiti. "Happy? Ito ang gusto mo diba?" ang bungad ko sa kanya na may halong inis.
Natawa ito at inakbayan ako, "Diba una pa lang sinabi ko na sa iyo na mauulit lang ang pangyayari noon? Mas graceful pa nga at beautiful kill ang nangyari sa iyo. Ako nga noon e, hinati pa ang katawan ko at sinelyo ng tubig ni Neptune para di makatakas ang enerhiya ni Elsen," ang wika niya sa akin.
"Kesho graceful o kung ano ano pa, namatay pa rin ako at iyon ang main point. Teka saan ba tayo pupunta?" tanong ko naman sa kanya.
"Edi sa tahanan natin, basta magugustuhan mo doon," ang wika niya at ilang hakbang pa ang aming ginawa ay natapos ang kadiliman at dito ay nakita namin ang liwanag.
BINABASA MO ANG
Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 3: The Last War Arc
FantasyThis is the third installment of the series and history will only repeat itself. The way the Gods of light and darkness clashed millennium years ago that prompted the extinction of the land of Kailun and the world of mortals. The whole thing turned...