Part 23: Pagbagsak ng Talulot
IBARRA POV
Halos sabay na bumagsak sina Ivo at Roselia sa lupa. Samantalang si Sam naman ay tumilapon ang katawan sa lupa, nagtamo siyang malalang pinsala dahil ang kalahati ang kanyang katawan ay napinsala ng todo. Umuusok ito at ang kanyang braso ay natusta dahil sa pagpigil niya sa enerhiya Roselia.
Nagtagumpay naman si Seth na putulin si Roselia gamit ang kanyang dambuhalang shuriken.
Kami naman ni Leo ay napasalampak na lang sa lupa habang hinabol ang aming paghinga. Agad rin namang rumesponde si Tembong kay Sam, nilagyan niya ng mga espesyal na talulot ng bulaklalak ang mga nasunog na bahagi ng mga braso at dibdib nito, "Sa tingin ko ay aabutin ng dalawa hanggang tatlong linggo bago mawala ang sunog sa iyong balat at mapalitan ito ng bago, sa ngayon ay mas makabubuting huwag ka na lumaban pa. Yung ginawa mong pagsalo sa enerhiya ni Roselia kanina ay well played na iyon," ang wika ni Tembong.
"Ngunit kahit nawasak natin si Roselia ay hindi pa rin tapos ang laban," ang wika ni Seth habang nakatanaw kay Ivo na noon ay sugatang bumabangon. Umuusok ang katawan nito at tumatagas ang dugo sa kanyang braso at katawan.
Pinilit naming tumayo ni Leo at dito ay sinubukan naming ihanda ang aming mga sarili. "Akala niyo ba ay ganoon kadali? Akala niyo ba ay basta basta niyo ako magagapi?!" ang tanong niya at dito ay muling sumiklab ang enerhiya sa kanyang katawan, "kahit wala si Roselia ay sa akin ay kaya ko pa ring maging malakas!" ang singhal pa niyal
"Tama na Ivo, ano pa ba ang nais mong patunayan? Ang pagkampi kay Xandre ay isang malaking kabaliwan! Sana ay nanahimik ka na lang sa kabilang buhay! Kung minsan ang paghahangad ng sobra ay nagreresulta sa matinding kabiguan. At sasabihin ko na sa ikalawang pagkakataon ay bigo ka pa rin!" ang sigaw ko sa kanya.
"Ito ang aking ikalawang pagkakataon at gagamitin ko ito upang magtagumpay!" ang sigaw niya at dito ay nagliwanag ang kanyang buong katawan at unti unting nag bago ang anyo nito. Noong mga sandaling iyon ay ramdam na ramdam ko ang hindi matatawarang galit at poot sa kanyang kaibuturan kaya't sa tingin namin ay hindi niya isusuko ang kanyang pagnanasang magtagumpay at gumanti sa amin.
Patuloy na nagliwanag ang katawan ni Ivo, mula sa pagiging anyong tao ay naging isang dambuhalang Mantis ito at nagsimulang sumagupa sa amin, tuluyang binago ni Ivo ang kanyang sarili dala ng matinding pagnanasang manalo.
Noong makalapit sa amin ay bumuga ito ng usok na animo lason at ang kanyang dalawang matalim na kamay ay walang humpay sa pag atake sa amin. Wala kontrol ang kanyang katawan, tila isang baliw na halimaw na gusto lamang manira. "Tuluyan ng nawala sa sarili si Ivo," ang wika ni Leo habang umiiwas, tinakpan namin ang aming bibig at ilong upang hindi malanghap ang lasong ibinuga nito.
"Ang pagkawala ni Roselia ang nagbigay ng matinding yurak sa kanyang pag-asa. Malakas noon si Ivo dahil lahat ng talento at kapangyarihang ninakaw niya ay maigi niyang nagagamit katulad ng element ng apoy, lupa, hangin at pati na rin ang gintong buhangin ni Tandang Orani, Noong matalo natin siya ay walang natira sa kanya kundi ang kanyang orihinal na lakas na pinag-igting lamang ng kapangyarihan ni Xandre!" ang sagot ko naman.
"Kung ganoon ay wala tayong magagawa kundi ang tapusin na ang isang iyan!" ang wika ni Seth sabay lundag at hinati ang dalawang kamay ng mantis. "Tapusin mo na Ibarra!" ang utos ni Seth sa akin.
Dito ay lumipad ako sa ere, nagliwang ang aking katawan at mula sa aking kamay ay lumabas ang maraming paru-parong nagliliwanag ang mga pakpak. Lahat ng ito lumipad at pumalibot kay Ivo na nanoon ay tuluyang naging isang halimaw. Ang mga paru paro ay pinakalma siya, isa uri ng ilusyon na papatahimikin ang iyong isipan.
Noong makasiguradong hindi na gumagalaw ang kalaban at lumabas sa aking pala ang isang uri ng matulis na patalim, ito ay isang sting na may kakayahang sumira ng kahit na anong makapal na balat o armor. Nagliwanag ang aking katawan at mabilis ako sumibat pabagsak sa kalaban!
BINABASA MO ANG
Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 3: The Last War Arc
FantasyThis is the third installment of the series and history will only repeat itself. The way the Gods of light and darkness clashed millennium years ago that prompted the extinction of the land of Kailun and the world of mortals. The whole thing turned...