(Author's Note: Nagdesisyon ako na ilagay ang laban nina Sato at Suyon dulo. Maraming salamat.)
Part 28: Ang Nawawalang Ninuno
LUCARIO POV
Noong matapos naming makausap si Agapito ay lumabas na kami sa kanyang templo at noong humakbang ako ay bigla na lamang nag bago aking paligid at napunta ako sa kakaibang portal. Sinubukan kong labanan ito upang makalabas ako ngunit huli na ang lahat. Mayroon mga patibong na portal sa labas ng templo at mukhang sinadya ito ng kung sino.
Noong makalabas ako sa portal ay laking gulat noong iluwa ako nito sa ere, sa itaas ng kalangitan at natagpuan ko na lang ang aking sarili na bumubulusok pa baba dito. Nasa ganoong posisyon ako noon ayusin ko ang aking sarili, ikinalma ko ang aking katawan at bumalanse ako sa ere hanggang sa ako ay lumutang at makalipad. Mabuti na lamang at nagagawa ko na bumalanse sa ere kahit wala ang aking ikalawang porma.
Madilim rin ang kalangitan, parang mayroong nagbabadyang bagyo, makulog, makidlat at malakas rin ang hangin.
Habang nasa itaas ay napatingin ako sa paligid, isa itong malawak na kapatagan, maraming mga matataas ng uri ng bato at lupa. Mayroong malaking lawa at kakahuyan ngunit wala akong makitang bayan o kahit na anong tirahang nakatirik dito. Para lang itong isang malawak na lupaing hindi pa nadidiskubre ng kahit na sino.
Noong makababa ako sa lupa ay napatingin ako sa isang mataas na batong nakausli sa kalayuan, dito ay may nakita akong imahe ng isang taong nakatayo sa tutok nito habang sumisibat ang malakas na kidlat sa kalangitan. Pilit ko itong inaninag upang makasigurado kung imahe nga ba ito ng tao. Maigi ko itong nilapitan at sinigawan, "Ey! Nasaan ba ako?!" ang tanong ko noong medyo makalapit sa kanya.
Maya maya ay nagsalita ito, "Nandito ka sa akin demensiyon, Lucario. Kumusta ka na?" ang tanong niya.
"Eh sino ka ba? Ikaw ba ang nagdala sa akin dito?" tanong ko ulit sa kanya.
"Oo, ako ang nagdala sa iyo dito," ang sagot niya habang nakatalikod pa rin.
Tahimik.
"Kung gayon ay inuutusan kita alisin ako sa lugar na ito ngayon rin!" ang sagot ko sa kanya.
Patuloy sa pagkulog at pag guhit ang kidlat sa kalangitan. Nakatalikod pa rin siya na parang bang pinagmamasdan ang kapaligiran bagamat wala namang espesyal dito. "Bakit kailangan mo akong utusan? Ganyan ka ba talaga makipag usap sa iyong ninuno?" ang tanong niya at dito ay humarap ito sa akin.
Nanlaki ang aking mata noong tamaan ang liwanag ng kidlat ang kanyang mukha. Bahagya akong napaatras at napatulala, kasabay nito ang ala-alang sumagi sa aking isipan noong ako ay nagsasanay pa lamang upang maging isang mahusay na mandirigma sa ilalim ng aking ama.
FLASH BACK
"Tumayo ka, Lucario!" ang wika ng aking ama matapos niya akong sipain sa sikmura ng malakas.
"Bakit ba kailangan pa akong maging malakas? Wala naman akong balak umakyat sa kalangitan upang makipagdigma sa kung kanino man!" ang wika ko naman habang marahang bumabangon.
Ang mga lupon ng Diyos sa kalangitan ay malalakas! Mga mahuhusay sa pakikidigma at may kakayahang mag taob ng daan daang magdirigma gamit ang kanyang puro kakayahan. Kung nandito ang ating mga ninuno, tiyak na hindi sila papayag na ikaw ay lampa at mahina," ang wika ng aking ama habang nakatayo ng tuwid sa aking nakabulagtang katawan. Maya maya ay may itinapon siyang larawan aking harapan.
Ang mga larawang ito ay imahe ng dalawang lalaki na nakaupo sa templo. Kinuha ko ito at pinagmasdan, "sino naman ito?" pagtataka ko naman.
"Iyan ang lumang larawan ng ating mga ninuno, sina Artemis at Atalante. Sila ay tinaguriang kambal ngunit hindi naman talaga sila literal na magkamukha. Sabay silang isinilang at ang kanilang mga kapangyarihan ay magkabigkis. Si Artemis ay nagtataglay ng kapangyarihan ng liwanag at si Atalante naman ay ang dilim. Balanse ang kanilang kakayahan, kung wala ang isa ay hindi makakatayo ang isa. Sina Atalante at Artemis ang nagtanggol sa ating mga lupain sa mga nagtatangkang sumakop nito. Kaya lumalabas dito na noong unang panahon pa lamang ay obligasyon na ng mga Diyos na ipagtanggol ang kanilang nasasakupan. Kaya't obligasyon mo rin ito, Lucario. Tularan mo ang ating mga ninuno," ang wika niya habang nakatingin sa larawan.
BINABASA MO ANG
Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 3: The Last War Arc
ФэнтезиThis is the third installment of the series and history will only repeat itself. The way the Gods of light and darkness clashed millennium years ago that prompted the extinction of the land of Kailun and the world of mortals. The whole thing turned...