Part 5: Ang Espiritu ni Egidio
ENCHONG POV
"OMG! Asawa ni Marie! Araw gabi walang pantey! Bakit si Lance? Eh ang dami namang pwedeng maging villain? Diba? Pwede naman yung ibang swanget na kawal!" ang hirit ni Oven.
"Nakita mo na? Magaling ka rin hano? Yung lalaki mong napili ay isa palang kalaban!" ang hirit ni Rael sa akin.
"Pwede ba hindi ko siya lalaki, ano bang tinira mo at iyan ang iniisip mo?" ang tanong ko sa kanya.
"Pwede mamaya na kayo magtalo? Ayan yung kalaban oh, kanina pa umaawra yung buong katawan! Pwede peace muna?" ang wika naman ni Oven at pumagitna ito sa amin.
Noong mga sandaling iyon ay hindi ako makapaniwala na si Lance at Egidio ay iisa! Ni hindi ko naramdaman at hindi ito pumasok sa aking isipan. Habang nasa ganoong posisyon kami ay nagtatakbo patungo sa amin si Lance, mabilis itong lumipad sa ere, nagliliwanag ng lila ang buong katawan, sumasabog ang awra sa kanyang mga balat. Aatake siya sa amin kaya naman humarang si Rael sa aming harapan, "doon nga kayo sa likod ko! Nakaharang kayo dito e!" ang pagmamaktol nito at isang malakas na suntok ang pinakawalan nito.
Sinalo iyon ni Rael gamit ang kanyang palad at dito ay sumiklab ang malakas na pwersa sa kanilang katawan dahilan para magcrack ang lupa at maitulak kami palayo. Nagpaulan ng sunod sunod na atake si Lance mabilis na sipa, suntok at ilang kombinasyon ng pisikal na pag atake ang kanyang ginawa pero lagat ng iyon ay sinalo lang ni Rael at sinangga ito.
Maya maya ay nagliwanag ang kamao ni Rael sa isang hataw ay tumilapon ang kalaban sa malayo. Nawasak ang lahat ng mga tent sa paligid pati na rin ang mga puno.
Sa layo ng itinilapon ng kalaban ay nalayo na sa palasyo ito. Agad na naging paniki ang katawan ni Rael na parang hangin, mabilis itong lumipad patungo sa kalaban. "Tingnan mo yang asawa mo, mukhang naka-high na naman!" ang wika ni Oven kaya naman sinundan namin ito.
Naging mga paniki rin si Rouen at sumunod sa ama. Samantalang tumakbo na lang kami ni Oven. "Frend siguro dapat maging paniki ka na lang din! Para di na tayo nahihirapan! Kahit wag na yung maliliit na ganoon, kahit isang malaking paniki ka na lang tapos sayo ako saskay!"ang hirit nito.
"Sira, walang ganon! Sagrado ang kapangyarihan ng mga healer at hindi ako maaaring maging paniki!" ang sagot ko naman.
"Holy powers? Siguro bagay sayo ang unicorn o kaya parang ganon kay Narding! Naging phoenix ever!" ang hirit pa niya.
"Sira ka talaga! Walang ganon!"
"Hay, nakakalungkot, bakit di natin nalaman na si Egidio pala yang si Lance? Ang gwapo pa naman niya, ang pogi ng pez, parang si Tom Rodriguez noh," ang hirit nito.
"Hindi ko alam, pero si Egidio ang kalaban natin, naalala mo ba noong nakaharap natin siya? Ang dami niyang katawan diba?" ang sagot ko naman at habang palapit kami ng palapit sa labanan ay mas lalo pang palakas ng palakas ang pag yanig.
Dito ay naabutan namin si Rouen na nakaupo na lang na parang batang inapi. Nakapangalumbaba ito at bored na bored.
"Bakit nakaganyan ka?" tanong ko.
"Eh nagagalit si papa, wag daw akong makialam," ang sagot nito habang nakanguso. At dito nga nakita kong muling tumilapon ang katawan ni Lance sa malayo at kasabay nito ang pagkasira ng lupa dahil sa pagsuntok ng kamao ni Rael.
Nag crack ang lupa, nagkasira sira ang buong paligid na parang binagsakan ng malakas na bomba ang lupa. "Bakit ba nandito kayo?" tanong ni Rael.
"Edi lalaban kami!" ang sagot ni Oven.
"Hindi na, umuwi na kayo ng magaling ko asawa at mag kulay na lang kayo ng mga damit ng manika doon sa palasyo!" ang hirit nito sabay tingin kay Rouen, "at ikaw naman magpagupit ka nga! Mas mukha ka pang tatay sa akin!" ang sermon nito sa anak.
![](https://img.wattpad.com/cover/322972997-288-k316093.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 3: The Last War Arc
FantasiThis is the third installment of the series and history will only repeat itself. The way the Gods of light and darkness clashed millennium years ago that prompted the extinction of the land of Kailun and the world of mortals. The whole thing turned...