Part 47: Mga Natatanging Hukbo

77 3 0
                                    

Part 47: Mga Natatanging Hukbo

MIGUEL POV

Habang nakaupo ako sa balkunahe ng aming palasyo ay bumulaga sa akin ang isang portal at pampang ng karagatan at dito nga ay lumabas sina Oven at Rouen. Nakasuot agad ng pang beach si Oven, may malaking sumbrero at may salbabida pa sa bewang na pang bata. Si Rouen naman ay nakasuot ng preskong damit at short.

"Oven, Rou, bakit kayo nandito? Teka maligayang pagdating sa Apresia," ang pagbati ko habang nakangiti.

"Ito kasing si Ninong nagyayaya dito sa Apresia gusto daw niyang makita ang kagandahan ng inyong lugar," ang sagot ni Rouen.

"Gusto niyo ba ng maiinom? O pagkain kaya? Tara doon sa palasyo," ang wika ko naman sa kanila.

"Naku okay na ako dito, lalanghap lang naman ako ng fresh air, napaka presko dito, nakakarelax at napaka breath taking ng karagatan! Unlike doon sa Kailun puro paghahanda na digmaan ang mga nasa isip. Teka, nasaan si Prinsipe Malik? Siguro ay abala na rin sa pag aassemble ng iyong mga kawal!" ang wika ni Oven dahilan para matawa ako.

"Walang kawal ang Apresia," ang sagot ko naman.

"What? Paano ang lupain niyo? Paano ang mga taong bayan? Sino ang magtatanggol sa kanila?" tanong pa niya.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay dumating naman si Prinsipe Malik nakangiti itong sumalubong sa amin. "Hindi man lang kayo nagpasabi na darating, sana ay napakahanda kami kahit papaano. Maligayang pagdating sa lupain ng Apresia Ginoong Oven at Prinsipe Rouen," ang magiliw na bati ni Malik sa kanila.

"Maganda naman talaga itong Apresia, ito na yata ang pinakamagandang karagatang nakita ko, medyo chaka ng lang yung kalangitan kaya medyo nakakasira sa view pero okay na rin. Anyway kaya kami nandito ay dahil gusto kong maging mermaid princess!" ang hirit ni Oven.

"Mermaid Princess? Ang ibig sabihin ay gusto mong maging sirena?" seryosong tanong ni Malik dahilan para matawa si Rouen. "Naku wag niyong seryosohin si Ninong Oven, nagbibiro lamang siya. Ang totoo noon ay pinapunta kami dito ni Papa upang icheck kung mayroon daw ba kayong kawal? Magpapadala daw kasi sila kung sakaling kulang ang depensa ng Apresia," ang paglilinaw ni Rouen.

Luminga linga kaming lahat, "Wala kaming kawal dito sa Apresia, ngunit huwag na kayong mag-alala, pakisabi kay Haring Rael na napakabuti niyang kapanalig," ang nakangiting wika ni Malik.

"Ang lahat ay naghahanda na doon sa Kailun, paano ang mga taga rito?" tanong ni Rouen na may pag-alala.

"Ganoon ba? Kung ganoon ay kailangan na pala ang ating mga kawal," ang wika ni Malik dahilan para mapakunot noo ako.

"Palabiro pala ito Mister mo Miguel, wala na nga kayong kawal diba? Hay nako, kung di lang to gwapo at kung di lang sexy baka isipin kong nabubuang na siya," ang hirit ni Oven.

Tawanan kami.

"Si Rael ay mayroong army of blood sucker plus medical team. Si Ibarra ay mayroong Engkanto Army and power of nature eme. Si Seth ay may Army of Manlikmot, si Lucario no need hano, kasi siya lang ay sapat na! Si Devon naman ay may Army of the Dead ng Hell Society. So ano naman ang bala ni Prinsipe Malik?" ang panunubok ni Oven.

Nangiti si Malik, "Ganoon ba? Madali lang iyan!" ang wika nito sabay lusong sa tubig. Lumabas sa kanyang kamay ang kulay asul trident niya.

Lumakad si Malik sa itaas ng tubig dahil para mamangha ang mga bisita. Hindi ko alam kung anong iniisip niya noong mga oras na iyon ngunit may tiwala ako sa kakayahan ni Malik. Alam kong mayroon siyang itinatagong surpresa sa lahat dahil si Prinsipe Malik ng Apresia ay hindi basta basta magpapahuli.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 3: The Last War ArcTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon