Part 26: Kalansay ng Katalinuhan
ENCHONG POV
"Kailangan ayusing mabuti ang kalansay upang mabuo ito," ang wika ni Lucario habang sunusuri ang parte ng katawan nito kung nasa tamang posisyon ang lahat.
"Okay na siya PAPAnginoong Lucario, winner na winner na talaga!" ang wika ni Oven sabay kapit braso nito.
"Ngayon buo na ang mga ito, kailangan ko ng apat ng volunteer. Dahil nasa 100 years na ang tanda ng kalansay ay hindi ko kakayaning mag isa ang ritwal ng pagtawag sa espiritu. Kailangan ko ng apat na volunteer na tatayo sa Hilaga, Kanluran, Silangan at Timog na bahagi. Sa makatuwid ay papaligiran natin ang kalansay. Ako nga ang mamimili para wala away," ng wika nito at siya nga ang tumawag sa mga tatayo sa bawat sulok. "Rael ikaw ang Timog, Rouen ikaw ang Kanluran, Liad ikaw ang Silangan at ako naman ang Hilaga."
"Eh ako? Hindi ba ako pwede sa gitna? Hindi ba ako pwedeng maging sangre Amihan? O kahit si Inang Reyna na lang," tanong ni Oven.
"Sorry hindi pwede," ang sagot ni Lucario sabay tingin sa kanyang mga kasama. "Kailangan dito ng total performance, naunawaan niyo ba ako?" tanong pa niya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Rael.
"Basta, sundan niyo lang ako," ang sagot ni Lucario at dito ay ibinigay niya ang orasyon.
"Ito ang ating bibigkasin, "KALANSAY, KALANSAY, NARIYAN KA NA BA? KUNG OO, KUNG OO, BABANGON AKO!"
"Ulitin natin."
"KALANSAY, KALANSAY, NARIYAN KA NA BA? KUNG OO, KUNG OO, BABANGON AKO!" ang uulit ni Lucario habang sumasayaw ito.
At dito nga binigkas nila ng sabay sabay ang spell. Ang mga kawal ay natatawa sa gilid, ako naman ay napangiwi na lang. Gumigiling ang apat, parang mga macho dancer, pinaka sexing kumilos ni Lucario, expert na expert ito.
"Jusko bff ang tigas tigas naman gumiling ng asawa mo, hindi mo ba siya na training gumiling at kumintod kapag naka doggy kayo?" tanong ni Oven.
"Sira ka talaga ! Ngayon ko lang nakitang sumayaw si Rael, ang cute cute kaya niya," ang wika ko naman habang natatawa.
"At tingnan mo ang anak mo! Dancer na dancer, iyan ang product ng pag aartista search namin! At si Heneral Liad naman call boy na call boy ang datingan! Winner na winner!" ang hirit pa ni Oven.
Todo giling ang tatlo, parang naging performance level ang nangyari lalo na noong huminto si Lucario, Rael at Rouen saka itunuro si Heneral Liad na ang ibig sabihin ay pagkakataon nito para sumayaw ng solo.
Nagtumbling ang heneral at nagsayaw ng techno, para itong robot na nagsasayaw. Maya maya ay si Rouen naman ng tinuro nila. Hindi nagpatalo ang aking anak dahil na break dancing ito at nagsayaw ng modern hiphop!
Maya maya ay si Rael naman ang itunuro nila, nagsayaw ito ng spagetti pababa at pataas pero napaka gwapo at napaka sexy nito pagmasdan, parang isang dancer na nang aakit. Hindi na ito nakuntento dahil umalon alon pa ang katawan nito habang patuloy na binigkas ang orasyon.
Ang pinakahuli ay si Lucario na ang moon walk ala Michael Jackson at nag momoland ito chorus ng boom boom.
Tawa kami ng tawa bagamat hindi naman talaga dapat.
Unti unting gumalaw ang kalansay, nabuo ito na parang si Voltes V na nag Volt in. Maya maya ay umahon mula sa lupa ang putong usok na kanyang kaluluwa saka sumanib sa kalansay.
Maya maya unti unti itong nagkabuhay bagamat kalansay pa rin naman ang kanyang anyo. Noong maayos na ang lahat ay huminto sila Lucario sa pagsasayaw at nasa gitna nila ngayon ang isang nakatayong kalansay ng tao. "At sino ang lapastangang tumawag sa akin? Bakit nga ba nagtatanong pa ako e alam ko naman ang sagot! Ano bang kailangan niyo ha? Saka para sabihin ko sa inyo mga walanghiya kayo FRESH at ang YAGBOLS ko at hindi ito nakalawlaw! I have the best yagbols in town!" ang dagdag pa niya.
BINABASA MO ANG
Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 3: The Last War Arc
FantasíaThis is the third installment of the series and history will only repeat itself. The way the Gods of light and darkness clashed millennium years ago that prompted the extinction of the land of Kailun and the world of mortals. The whole thing turned...