Part 27: Hinagpis ng Nakaraan

95 5 0
                                    

Part 27: Hinagpis ng Nakaraan

SUYON POV

Hinigop ako ng isang portal at hindi ko inaasahan na ang may kagagawan nito ay si Sato, ang aking mortal na kalaban. At noong makaharap niya ako ay ramdam ko ang ngitngit at galit sa kanyang enerhiya. Ang akala niya ay malakas pa ako katulad ng dati, hindi niya alam na halos wala na rin akong natitirang kapangyarihan pero hindi ibig sabihin noon ay magpapatalo ako ng ganoon kadali.

Pagdating ko dito ay agad niya akong pinadakip sa kanyang mga tauhang taga sunod. Kaya naman bago pa nila ako madakip ng tuluyan ay pinindot ko na ang buton ng instant transportation ball at nanghingi ng tulong sa kung sino man ang makakatanggap nito, ang kailangan ko lang gawin ay itago ang bola sa lugar na hindi makikita upang madaling maikonekta ang tulong na parating. Alam kong nag aalala na ngayon si Lucario sa akin ngunit mas nag-aalala para sa aming anak.

"Gising!" ang wika ng kawal sa selda, sinabuyan ako nito ng tubig dahilan para bumalik ang aking malay. Nakatali ng kadena ang aking kamay at paa kaya't hindi ako makagalaw ng maayos.

Dumilat at dito ay naramdaman ko ang mga hapdi dulot ng pasa at latay na kanilang iginawad sa akin noong bumagsak ako dito sa kulungan. Gayon pa man ay hindi ko ito ininda at mas pinagtibayan ko ang aking loob.

Ipinakita sa eksena na si Suyon ay nakagapos ng kadena sa paa at kamay. Ang pang itaas na damit nito ay sira sira, puro latay ang mukha at ang kanyang braso pati ang likuran ay may mga tama rin. Malinaw na malinaw ang pagpapahirap sa kanya noong siya dumating templong ito.

Noong magkamalay ako ay pumasok ang dalawang kawal at binitbit ako nito palabas ng selda, "dadalhin ang isang iyan kay Panginoong Sato, kailangan daw niyang makausap ang bihag bago ito tapusin," ang wika ng kawal at dito nga ay hinilahod nila ako patungo sa magarbong templo kung saan naroon ang kalabang naghihintay sa akin.

Makalipas ang ilang minuto ay narating namin ang bulwagan ng templo, dito ay nakita ko agad si Sato ng nakaupo sa kanyang trono suot ang isang magardong damit na may gintong burda. "Panginoong Sato, nandito na po ang bihag," ang wika ng mga kawal at pilit nila akong iniluhod sa harapan nito. Wala naman ako nagawa kundi ang sumunod sa kanilang nais.

"Maaari niyo na kaming iwanan," ang utos ni Sato sabay lapit sa akin. "Kumusta ka na Suyon? Matagal tagal na panahon na rin magbuhat noong huling beses tayong magkita. Isang masalimuot na nakaraan, tama ba ako?" tanong niya sa akin sabay hawak sa aking pisngi.

Iniiwas ko ang aking mukha sa kanyang harapan. "Ang lahat ng iyon ay kasalanan mo dahil isa kang sakim at makasarili. Kung ano man ang nangyari noon ay karapat dapat lang iyon," ang sagot ko sa kanya.

Natawa siya. "Sshhh, alam ko iyon. Kaya nga nandito ako upang baguhin ang nakaraan, may oras pa naman diba? Pwede pa naman diba? Buhay ka pa, pati Lucario ay buhay rin. At hmmm, buhay rin ang inyong anak. Siguro ay maaari nating ulitin ang lahat pero sa pagkakataong ito ay kayo naman ang mamamatay. Huwag kang mag-alala Suyon, mabilis lang naman mamatay, para ka lamang natulog at wala kang mararamdamang anumang sakit," ang tugon niya sabay lakad pabalik sa kanyang trono, kumuha ito ng alak at sinalin sa kanyang kupita.

"Huwag mong idadamay ang aking anak, dahil papatayin kita ulit!" ang singhal ko sa kanya.

"Talaga ba?" tanong niya sabay inom ng alak, "Suyon, kwentuhan mo naman ako, masarap bang maging isang INA? Kumusta ang pagbubuntis mo? Mahirap ba? Hay alam mo, ilang beses akong kinantot ni Lucario pero hindi niya ako nabuntis? Nakakapanghinayang naman talaga," ang wika nito habang nakangisi.

"Kung alam mo lang na labis pinagsisisihan ni Lucario na nakilala ka niya, at ayaw ka na niyang alalahanin pa," ang sagot ko naman.

"Huwag kang mag alala dahil dito ka na rin naman mamamatay Suyon, ikaw ang hindi na maalala pa ni Lucario. At kapag patay ka na ay babalik ako sa kanya at magiging isang masayang pamilya kami," ang wika nito sabay tawa ng malakas.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 3: The Last War ArcTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon