Part 39: Blood Eater
ROUEN POV
"Papa! Nasaan ka?" ang pagtawag ko habang nakasalampak sa isang madilim na lugar. Hindi ko lubos maisip kung paano kami napunta dito basta ang alam ko lang ay naglalakad kami ni Papa palabas sa templo ni Agapito noong bigla na lamang magbago an gaming dinaraanan. Para itong isang uri ng portal na hindi gumagamit ng worm hole, o maaari rin kaya na yun mismong daan palabas ang ginawang portal upang maging patibong.
"Eto ko sa ilalim! Pwede ba umalis ka dyan, kailangan ba talaga naka upo ka sa likod ko?" ang reklamo ni papa habang nakadapa sa lupa.
"Sorry pa, nasaan ba tayo?" ang tanong ko sabay alis sa pagkakaupo ko sa kanyang likuran.
"Aba hindi ko alam, ikaw yung matalino dahil nagmana ka sa papa Enchong mo, dapat ikaw ang mas higit na nakakaalam ng mga bagay bagay sa ating dalawa, after all isa lang naman ako gwapo at super hot na hari ng Blood Sucker Kingdom na tatay mo," ang hirit ni papa, umandar na naman ang kahanginan niya na hindi akmang ibato sa ganitong pagkakatao.
"Hindi ko sigurado kung nasaan tayo dahil masyadong madilim," ang wika ko naman at habang nasa ganoong posisyon kami ay biglang sumindi ang liwanag sa paligid. Dito ay natagpuan namin ang aming sarili sa isang maluwang at malaking arena na mayroong mga rehas sa paligid.
"Ano ba ito? Ang laking arena naman nito, bakit parang gladiator ang datingan?" ang tanong ko naman at sa labas ng mga rehas ay maraming mga taong nanonood na para bang ang iba ay nagpupustahan pa na hindi mo malaman.
At sa loob ng arena ay makikitang marami pang mga tao ang nakagapos sa sulok sulok, para bang inipon kami sa isang malaking lugar na ito, "Ang lahat ay mga blood sucker galing sa iba't ibang mga lupain, ano kaya ang kailangan nila sa atin?" ang tanong ni papa
"Mga bagong salta ba kayo? Siguro ay nahulog kayo mula sa itaas, lahat ng nahuhulog na blood sucker ay dito bumabagsak sa arena na para bang dito talaga tayo balak tapusin," ang wika ng isang lalaking nakagapos sa aming tabi.
"Kung ganoon lahat tayo dito ay kumpirmadong mga blood sucker? Anong gagawin nila sa atin?" ang tanong ko naman na may halong pagkalito.
"Pangalawang araw ko na ito dito sa arena, kahapon ako dumating dito at nakasurvive ako ng isang araw na labanan. Ang malaking arenang ito ay isang battle field na ang lahat ng pinapatay at pinaglalaruan ay ang ating mga lahi. Ang diyos sa mundong ito o sa lupaing ito ay malaki ang galit sa mga blood sucker kaya't tayo ang inaambush nila para dalhin dito," ang wika niya sabay pakilala sa amin, "Ako si Henry at mula ako sa lupain ng Pigar."
"Hindi ko pa narinig ang lupaing iyan, ako si Rael at siya ang aking anak na si Rouen, kung nandito tayo sa arenang ito ay sino ang ating kalaban?" ang tanong ni papa.
"Ang mga kalaban ay ang mga hybrid na nilalang, sila ang mga itanatawag na "BLOOD EATER", mga nilalang na anyong tao ngunit kasing bilis at kasing lalakas sila ng mga blood sucker at tayo ang paborito nilang kainin. Kahapon ay dumating ako dito na halos nasa 200 ang bilang naming mga bihag, ngayon ay halos nasa 120 na lang tayo kasama na kayong mga bagong dating," ang sagot niya.
Habang nasa ganoong pag-uusap kami ay pumasok naman na ang isang lalaking nakausot ng pang pari, hawak ang kanyang bibliya at bendisyon. Nagtungo ito sa gitna ng arena at ang lahat ay natahimik. "Nawa ay maging masagana at masaya ang ating palaro ngayong araw na ito. At sana ay magdulot sa atin ng walang hanggang kasiyahan ang pagdalak ng dugo ng mga isinusumpa nating nilalang, ang mga blood sucker. Ang lahat ng ito ay hinihiling ko sa matamis na pangalan ng lumikha. AMEN!" ang wika niya sabay wisik ng bendisyon sa buong arena.
"Pari ba talaga iyan? Bakit ganyan ang mga pinagsasasabi? Parang may sira sa ulo!" ang bulong ni Rael.
"Iyan ang paring si Muzngi, isang blood sucker hunter, tiyak na siya ang may kakagawan kaya't nandito tayo ngayon," ang sagot ni Henry.
BINABASA MO ANG
Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 3: The Last War Arc
FantasyThis is the third installment of the series and history will only repeat itself. The way the Gods of light and darkness clashed millennium years ago that prompted the extinction of the land of Kailun and the world of mortals. The whole thing turned...