Part 4: Ang Selos ni Rael
ENCHONG POV
"Hon, okay ka na ba? Anong bang nangyari sayo? Buntis ka na ba?" tanong ni Rael sa akin noong magising ako at nakahiga sa aming kama.
Tumingin ako kay Rael, "wala, nagkaroon lang ako ng pangitain."
"Katulad ng?"
"Pagkamatay ko," ang tugon ko naman sabay bitiw ng buntong hininga.
Niyakap nya ako ng mahigpit at ikinulong sa kanyang bilugang braso. "Sa tingin mo ba papayag akong mangyari iyon? Mas mauuna akong mamatay sa iyo, patayin muna nila ako bago ka nila magalaw," ang bulong niya.
Hindi ako kumibo, kumakabog pa rin ang aking dibdib hanggang ngayon. Wala akong nagawa kundi ang sumubsob sa katawan ni Rael at ikalma ang aking sarili.
KINABUKASAN..
Kapansin pansin na mas lalo pang dumilim ang kalangitan. Parang bang may delubyong parating sa lakas ng hangin. Ang lahat ay abala sa pagdadala ng supply para sa mga nasa evacuation area. Nagpadala rin ng tulong si Haring Niko ng Floral Land, mga halamang gamot at mga pagkain ang laman ng mga kahong kanyang ibinigay dito sa palasyo.
"Kung gayon ay nasaan si Egidio? Bakit buhay pa ang gago?!" ang malakas at galit na boses ni Rael habang nakaharap sa kanyang kawal. Katabi nito si Rouen pero halatang bored na bored na kasama ang tatay niya.
"Mahal na hari, si Egidio ay bigla na lamang naghalo sa ere na parang bula matapos siyang manggulo dito sa bayan," ang wika ng mga kawal.
"Bakit hindi niyo inalam kung nasaan?!" ang singhal ni Rael.
Napayuko ang lahat sa takot, "patawad po, mahal na Hari," ang nauutal na wika nila.
"Tawagin niyo si Heneral Liad ngayon din!" ang utos niya. Rinig na rinig namin ang commanding na boses niya mula dito sa bulwagan.
"Hindi mo ba pina entot yang mister mo kagabi? Ang init ng ulo e," hirit na tanong ni Oven habang buhat namin ang mga supply ng gamot at pagkain na ibibigay sa mga tao sa himpilan..
"May nangyaring kakaiba kagabi kaya hindi kami nag ganon," kaswal kong tugon.
"Eh kaya mainit ang ulo niya," ang natatawang sagot ni Oven.
Pagdating namin sa himpilan ng mga evacuees ay naabutan naming abala ang lahat. Ang karamin ay makarecover na mula sa maraming mga pinsala na kanilang tinamo. Pati mga batang ginamot namin kagabi ay mukhang maaayos na rin ang pakiramdam at mga kalagayan.
"Tulungan na kita Master," ang wika ng lalaking lumapit sa amin. Agad niyang kinuha ang dala kong kahon. Siya yung lalaking ginamot ko kagabi doon sa kubol, yung lalaking pinagselosan ni Rael. "Salamat, ipamimigay natin ito sa mga may pinsala pa rin hanggang ngayon," ang tugon ko sabay tanong sa kanyang pangalan.
BINABASA MO ANG
Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 3: The Last War Arc
FantasyThis is the third installment of the series and history will only repeat itself. The way the Gods of light and darkness clashed millennium years ago that prompted the extinction of the land of Kailun and the world of mortals. The whole thing turned...