Part 2: Himpilan ng Kaligtasan

298 12 0
                                    


Part 2: Himpilan ng Kaligtasan

Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang mag-ama ko na sabay kumakain ng almusal. Magkatabi sila sa lamesa at sabay sumusubo, medyo magulo lang ang plato ni Rouen dahil pinilipit niya gamitin ang maliit niyang kutsara para sabayan ang ama. Nakangiti ito habang puro butil ng kanin ang bibig.

Humarap sa kanya si Rael at ginusot ang buhok niya. Ngumiti naman ang bata at inilabit sa bibig ng ama ang hotdog na nakatusok kanyang tinidor. Kinagat iyon ni Rael pagkatapos ay inilapit rin sa akin ng bata at ako naman kumagat dito habang nakangiti. "Ang lakas mo maghilik kagabi, alam mo ba iyon?" wika ni Rael sa akin.

"Malamang, pagod ako, ang dami kong nilabhang damit kahapon, tapos di naman natutuyo dahil walang araw. Buti na lang at may dryer at medyo mahangin sa itaas," ang sagot ko naman.

"Malabo ng sumikat ang araw, iyan ay sumpa ni Xandre sa buong mundo. Kapag nahawi muli ang mga ulap ay unti unting mag ccrack ang portal na parang isang mababasag na salamin at uulan ng halimaw kahit saan parte ng mundo. Kung wala kang kapangyarihan at kakayahan lumaban ay tiyak na sa kamatayan ang bagsak mo. Tinitiyak ko na ang mga mortal ay babawasan ng 50% populasyon," ang walang pakialam na wika ni Rael. Kaswal lamang ang kanyang pagsasalita at walang kaba o takot na nararamdaman.

"Eh bakit parang wala lang sa iyo?" Ano kaya kung buksan natin ang Kailun para magsalba ng mga taong mortal?" tanong ko ulit.

"Hindi ko ieexpose ang Kailun para sa mga iresponsableng nilallang na iyan, na sa halip na maghanda ay nagsasaya pa sila na parang mga baliw," ang seryosong tugon ni Rael. Natawa na lang ako dahil gigil na gigil ito.

"Away away ba kayo?" tanong ni Rouen sabay suntok kay Rael.

"PLAK!"

Nasaktan ang ama, "arekup, malakas na pa lang sumuntok tong loko na ito," ang wika nito habang hinihimas ang brasong tinamaan.

"Syempre kanino pa ba magmamana yung anak mo? Edi sa iyo lang rin naman. Saka nakita mo ba? Taglay rin ni Rouen ang lakas nating dalawa, mahusay din yung anak mo sa close combat. Saka kayong mag ama kung susuntok kayo paki tone down naman dahil nasisira ang paligid sa lakas ng kamao niyo," ang wika ko sabay buhat kay Rouen at pinunasan ko ang bibig nito. "Anak wag na manununtok ng kaklase at kalaro ha, good boy ka dapat palagi ha, okay?" ang bulong ko sa kanya.

"Huwag kasi kayong away away," ang sagot nito dahilan para matawa ako, "Anak, hindi naman kami nag aaway ni Papa Rael, mayroon lang kaming pinag uusapan," ang paliwanag ko sa kanya. Mukha ito yata ang dala dala ng anak ko hanggang sa paglaki niya, at iyon ang ipagtanggol ako sa lahat ng pagkatataon. Napatunayan ko iyon dahil maraming beses niya akong ipinagtanggol mula kay Amat, kay Xandre at kay Rael noong mawala ito sa kanyang sarili.

"Oh bakit nakangiti ka sa akin?" tanong ko kay Rouen noong makita ko itong nakangisi, nakalabas ang kanyang maliit na pangil habang karga ko siya sa aking bisig.

Maya maya ay may naramdaman kong mainit sa aking tiyan at may tumutulo na sa sahig. Si Rael naman ay tawa ng tawa. Dito ko nalaman na umihi na pala ito habang buhat ko siya. "Anak, bigboy ka na e, bakit umihi ka pa? Tuli ka na dapat di na umiihi sa salawal," ang wika ko sa kanya.

Natawa ito at saka yumakap sa akin ng mahigpit, "lambing na lang niya iyan sa iyo, wag ka na nga mainis. Diba ako kapag naglalambing din pinuputukan din kita," ang pilyong hirit ni Rael kaya naman siniko ko siya sa tagiliran.

Tawanan kami..

Halos apat na araw na magbuhat noong kami ay makabalik dito sa mundo ng mga mortal. Simula noong kumalat ang kadiliman sa kalangitan ay hindi nagpakita pa ang haring araw. Marahil ay sisikat na lang ulit ito kapag tapos na ang digmaan. Sa mga nakalipas na araw ay wala naman akong nakikitang kakaiba sa paligid, hindi na rin nagpakita ang mga portal sa kalangitan. Bagamat alam kong nandoon lamang iyon at nakatago sa makapal na ulap. Nagbabadyang bumagsak na parang isang malakas na ulan.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 3: The Last War ArcTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon