••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••
Lucas del Rosario
••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••
"Ang hirap talaga maghanap ng trabaho!" bulong ko sarili habang dismayado akong naglalakad pauwi ng aming bahay. Walong buwan na rin akong nakatengga matapos mag sarado ang maliit na computer software company na pinagtatrabahuhan ko due to bankruptcy.
Nanlalambot kong binuksan ang gate namin at pumasok sa bahay.
"Ano anak? Kamusta ang paghahanap mo ng trabaho?" nakangiting salubong sa akin ng aking ina.
"Naku ma, tatawagan na lang daw ako kapag tapos na nilang interviewhin lahat ng aplikante" sagot ko dito habang tinatangal ang aking sapatos "eh sa dami ba naman naming nag-apply, mukhang malabo na naman akong matawagan" dag-dag ko
"Ikaw naman kasi, ang dali mong mawalan ng pag-asa, malay mo ma-swertehan mo na 'to" sagot naman nito habang hinahaplos-haplos ang aking likuran.
"Sana nga ma" buntong hininga ko.
"Sige na 'nak, magbihis ka na para sabay-sabay na tayong makapaghapunan" sabi ni papa matapos nitong lumabas nang kasina na may bit-bit na ulam. Amoy pa lang eh alam na alam ko na isa ito sa paborito kong putahe.
"Sweet 'n sour na tilapya pa?" tanong ko dito.
"Oo kaya bilisan mo na dyan" nakangiting sagot nito.
Nagmamadali akong nagpunta ng aking kwarto at nagpalit ng damit. Nakahanda na ang hapag kainan nang makalabas ako nang aking silid at hinihintay na lamang ako ng aking mga magulang para makapag-simula ng kumain. Halos mawala ang aking pagod sa sarap ng luto ni mama.
Ako nga pala si Lucas del Rosario, twenty-seven years old at pangalawang anak nila mama at papa. Openly gay ako sa aking pamilya, pero hindi obvious kasi hindi naman ako yung tipo na flamboyant. Siguro ay isa na ako sa pinaka maswerteng tao sa mundo dahil tanggap ako ng aking mga magulang at kapatid.
Speaking off, ang aking nakakatatandang kapatid ay si kuya Kiel, thirty-three years old at may sarili ng pamilya.
"Anak, sabi nga pala ng kuya mo eh kung wala ka pa naman daw nahahanap na trabaho, pwede kang mag part time muna dun sa Cafe nila. Sayang naman kasi kung nandito ko lang sa bahay" wika ni papa ko habang kumakain
"Actually pa, naisip ko na rin po 'yan at plano ko nga na tawagan ang kuya mamaya pero naunahan nya na pala ako" sagot ko naman.
"Ganun ba? Sige kayo na ang bahalang mag-usap ng kuya mo" pagkatapos noon ay masaya kaming kumain at nagkwentuhan.
Ako na ang nagligpit at naghugas ng mga pinggan matapos naming kumain. Pagkatapos noon ay umakyat na ako sa aking kwarto para tawagan si Kuya Kiel. Napagkasunduan namin na magsimula na agad ako kinabukasan dahil short sila sa tao.
••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••
![](https://img.wattpad.com/cover/322885894-288-k215689.jpg)
BINABASA MO ANG
I Love My Boss
RomansaR18+ Mature Content Gay Story Don't forget to vote and comment