••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••
Guilty
••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••
Nagising ako kinabukasan na magaan ang pakiramdam, yung tipong masaya at kontento. Naramdaman ko ang braso ni Aiden na mahigpit na nakayakap sa akin, samantalanh ang ulo naman nito ay nakasiksik sa aking leeg at balikat.
Ramdam ko ang marahan nitong paghinga pati na rin ang talas ng bago pa lang nitong tumutubong balbas at bigote.
Dahan-dahan kong iniangat ang kamay nito at bumangon upang hindi ito magising. Umupo ako sa gilid ng kama upang pagmasdan ang lalaki.
"Shit wala atang angulong pangit ang kapre" bulong ko sa sarili habang dahan-dahang hinaplos ang pilik-mata, ilong at labi nito!
Napangiti ako ng hindi ko namamalayan. Naramdaman ko rin ang mabilis na pagtibok ng aking puso.
"Kalerki Lucas! Umagang-umaga eh nagpapantasya ka dyan!" lihim kong pinagalitan ang sarili bago tuluyang tumayo at iniwanan ang mahimbing na natutulog na lalaki.
Pumunta ako sa kabilang silid upang silipin ang natutulog na si Alexie!
"Magtito nga kayo! Pareho kayong tulog mantika" di ko napigilan ang sarili na haplusin ang ulo nito.
Matapos masiguradong ayos lamang ito ay tsaka pa lamanh ako lumabas ng kwarto ni Aiden.
"Good morning sir Lucas" bati sa akin ni manang Esang.
"M-manang?!" laking gulat ko. Hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala ito habang dahan-dahan kong isinasara ang pinto ng kwarto.
"A-ay a-ano po. T-tiningnan k-ko lang po kung g-gising na si Alexie" namumula at nauutal kong paliwanag dito.
"Bwisit Lucas! Obvious na guilty ka eh! Chill lang!" sabi ko sa sarili habang hindi ako makatingin ng diretso sa matanda.
Para akong isang kriminal na nahuli sa akto.
"Okay po sir. May pagkain na po sa baba. Gigisingin ko na rin po si Alexie para mapaarawan sa labas" ngumiti ito ng makahulugan sa akin na lalong ikinamula ng aking mukha bago ito pumunta sa pintuan ng silid ni Alexie.
"OMG! Anong klaseng palusot ba ang naisip ko?!" inis kong tanong sa sarili "Tiningnan kung gising si Alexie pero sa pintuan ng kwarto ako ni Aiden lumabas! Bwisit!" parang gusto ko ng lumubog sa aking kinatatayuan dahil sa kahihiyan.
••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••
Nakapaligo at nakabihis na ako nang makababa ako sa hapag kainan. Nakita ko si mang Ramon na nakaupo habang nagkakape habang si manang Esang naman ay nilalaro si Alexie.
"G-good morning po!" bati ko sa dalawang matanda.
Nagkatinginan muna ng makahulugan ang dalawa bago ako banati ng magandang umaga. Si Alexie naman ay biglang nagkumawag nang makita ako. Kinuha ko ang bata kay manang Esang upang makapaghain ito.
"Shit!" sabi ko sa sarili dahil halatang nagkwento na si manang Esang sa kanyang asawa!
"Good morning sir Aiden" bati ni mang Ramon kay Aiden matapos ang makita ang lalaki sa bukana ng dining.
"Good morning" ngumiti ito sa dalawang matanda bago lumapit sa amin ni Alexie.
Nalanghap ko ang mabangong amoy nito. Halata na bagong paligo rin ang lalaki.
BINABASA MO ANG
I Love My Boss
Roman d'amourR18+ Mature Content Gay Story Don't forget to vote and comment
