Chapter Twenty-three

1.9K 52 0
                                        

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Confession

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

"Is this everything that you've done so far?" tanong ni Aiden sa amin matapos pumasok sa loob ng opisina nito.

"Yes sir, medyo marami kasing mga data na dapat ayusin kaya yung 2014 financial report pa lang ang natatapos namin but we are working as fast as we can naman po to complete the files through to 2019" sagot naman ni Kay.

Bakas ang pag-aalala sa boses nito na baka hindi satisfied si Aiden sa progress namin.

"Relax Ms. Peralta. To be honest I am actually quite impress with your output in such a short amount time" sabi ni Aiden na tila nabasa nito ang nasa isip ng babae "I would prefer if you don't make mistakes because your work is extremely vital to the company so it's better to just phase yourself and get everything right the first time" payo pa nito.

"Thank you sir" sabay naming sagot ni Kay

"Keep doing what you're doing and keep an eye on those discrepancies you found" anito bago lumapit sa akin.

"May kailangan pa po ba kayo sir?" tanong ko dito. Medyo nakaramdam ako ng pagkaasiwa dahil sa tindi nang titig nito sa akin.

"Are you sure you aren't hurt?" tanong nito sabay haplos sa aking pisngi.

Bakas ang matinding pag-aalala sa mga mata ng lalaki.

"Okay lang po ako sir" nakangiting sagot ko dito.

May kung anong saya ang bumalot sa aking puso dahil sa pag-aalala nito para sa akin at hindi ko naiwasang mapatitig din sa mga mata nito.

Halos ilang segundo rin kami sa ganung posisyon na tila kaming dalawa lamang ang tao sa loob ng opisina. Walang ibang salita o kataga ang namagitan sa amin. Sapat na ang tingin namin upang maiparating namin ang aming nararamdaman para sa isa't-isa.

"Ahem!" malakas na sabi ni Kay na siyang nagbalik sa amin ni Aiden sa kasalukuyan.

Namumula akong napatingin sa babae at nakita ko na abot tenga ang ngiti nito.

"That's all for today" kaswal na pahayag ni Aiden na tila wala itong pakialam na nasaksihan ni Kay ang aming munting eksena.

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

"Vakla halika dito dali!" nakangiti at tila kinikilig akong hinila ni Kay papunta sa stock room "spill!" nakapamewang na utos nito.

"Ang alin?!" pag mamaang-maangan ko naman.

"Pwede ba friend wag ka pa inosente effect dyan! Hindi bagay!" nanunuksong sabi nito "dali umamin ka na sa akin! Anong meron sa inyo ni sir Aiden hmmm?"

"W-wala naman. He's just being a fair boss kaya concern siya sa welfare ng employees niya" katwiran ko dito.

"Naku friend, pwede ba spare me the lies and denials! Kinikilig aketch! Kung ako sa'yo umamin ka na otherwise kukulitin lang kita ng kukulitin and you of all people should know how annoyingly persuasive I can be!" litanya nito sa akin.

"Oh god!" sa isip-isip ko.

Wala akong nagawa kungdi ang umamin sa babae tungkol sa amin ni Aiden. Self-proclaim 'BL fan' ito kaya alam kong hindi ako nito titigilan hanggat hindi ako nagkukwento. Magaan naman ang loob ko sa babae at alam kong harmless ito at mapagkakatiwalaan kaya hindi na rin ako nag-alilangan.

Inamin ko sa kanya ang pagiging yaya ko kay Alexie at pagtira sa bahay ng lalaki pati na rin ang ilang inkwentro namin. Hindi man detalyado ang pagkukwento ko sa kanya tungkol sa intimate moments namin ni Aiden ay alam ko na it's just a matter of putting two and two together para ma-figure out niya iyun.

"Sabagay alangan namang mag-rosaryo kami ni Aiden sa kwarto niya! Kalerki!" bulong ko sa sarili.

"OMG! Sinasabi ko na nga ba na merong something sa inyong dalawa ni sir Aiden eh!" impit na tili ng babae.

"Shhh!" dali-dali kong tinakpan ang bibig nito "Kay wag ka maingay! Sikreto lang natin to please" paki-usap ko dito.

"Oo naman noh! Team 'CasDen' na kaya ako from now on!" sabi nito na tila kinikilig pa.

"Team ano?!" tanong ko dito.

"Team CasDen" pag-uulit nito "you know pinagsama ko yung last three syllables ng name ninyo, LuCAS at AiDEN" nakangiting paliwanag nito

"Kaloka! Ano to love team sa tv?!" napailing akong natawa sa babae.

"In fairness, akalain mo bang bisexual pala si sir! Haba ng hair mo friend!" pabiro akong itinulak nito.

Ngiti na lamang ang isinagot ko sa babae upang hindi na humaba pa ang usapan subalit hindi pa rin paawat ang babae.

"So tell me, masarap ba ang imported longganisa?" nakatawang tanong nito sa akin sabay kindat.

"Secret" sagot ko dito habang tumatawang lumabas stock room!

"Ay iba din ang landi mo friend!" anito habang nakatawang nakasunod sa akin.

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

I Love My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon