Chapter Nine

1.2K 52 1
                                    

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

First night at the lion's den

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Pagkatapos ng sobrang stressful na pananghalian na kasama si Aiden, ay nag-inisist pa itong sabay kaming bumalik ng opisina. Ayoko ko sanang sumabay para maiwasan na maging topic sa office pero mapilit ito.

"Don't you think that it's a little too late to worry about what people will say?" sabi nito ng nasa sasakyan na kami. "Everyone saw me came to you personally and invited you to lunch TWICE! They are probably talking about us right at this moment" dagdag pa nito.

"Kaya nga po sir, pero wala naman po sigurong mawawala kung iiwas ako para lalong hindi na lumala o ma-exaggerate yung topic" paliwanag ko dito.

"That doesn't bother me as long as hindi ka nila hinaharass kasi kapag ginawa nila yun, let me know" tumingin ito sa akin bago nagpatuloy "I will protect you!"

"Che! Ang tigas ng ulo ng kapre! Di ata nakukuha ang point ko kasi di ako nag ii-english!"

"Sir ang ibig ko pong sabihin eh ayaw ko pong maapektuhan ang reputasyon ninyo at ng kumpanya dahil sa misunderstandings" paliwanag ko dito kahit na nga kanina pa ako nanggigigil sa pagkayamot.

"People make business with me because of my credentials and capabilities hindi dahil kung sino ang kasama kong mag lunch" kontra nito.

"OMG! Ano ba talaga 'tong kapreng 'to?! Lawyer o businessman? Laging may katwiran! Napaka-imposibleng kausap! I give up!" sa isip-isip ko.

At katulad nga ng aking inaasahan, ako ang naging tampulan ng topic at tukso sa opisina. Lahat ay hindi naiwasang mag tanong kung ano relasyon o koneksyon ko kay Aiden. Mabuti na lamang at andun si Kay para ako ay tulungang i-divert ang usapan.

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Kinagabihan ay nag-umpisa na akong mag-empake ng aking mga gamit. Ipinaliwanag ko rin kina mama at papa ang set-up namin ni Aiden pati na ang proposal nito.

Siyempre marami silang nagingmga kataanungan at concerns pero sinagot kong lahat ng ito nang maayos. I assured them na hindi masamang tao si Aiden at higit sa lahat matino itong businessman at respetadong public figure.

"Baka naman mapagod ka na niyan ng husto at mapabayaan mo ang sarili mo" sabi ni papa.

"Hindi naman po pa. Actually makakabuti pa nga ito sa akin dahil mababawasan ang work load ko sa opisina. Tsaka hindi naman po permanente to. Basta hanggang sa maka-ipon lang. Sayang naman po kasi ang offer ni sir Aiden"

"Basta siguraduhin mo na lagi kang tatawag at nandito ka tuwing Linggo" bilin ni mama.

"Siyempre naman ma!" Nakangiti akong umakbay dito.

"Bakit kasi lapitin ka ng mga bata eh! Tingnan mo nga yung mga pamangkin mo, mas excited ka pang makita kesa sa amin na lolo at lola nila" naiiling na pahayag ni papa.

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Pagpasok ko kinabukasan ay nakita ko ang driver ni Aiden na naghihintay sa akin sa lobby.

Agad akong binati nito at sinabihang inutusan daw siya ni Aiden na kunin ang aking mga gamit upang dalhin ito sa bahay.

Sinabi rin nito na isasabay daw ako ni Aiden pauwi para hindi na raw ako mahirapan sa paghahanap ng bahay mamaya.

I Love My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon