Chapter Five

1.7K 67 0
                                        

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Lunch Invitation

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Sinubukan kong i-compose ang aking sarili pagkatapos kong magpunas at maglinis. Akma na sana akong lalabas ng pumasok ang isang empleyado sa banyo at kinusap ako.

"Ipinapasabi ni ma'am Claire na dumiretso ka na raw sa twelveth floor para sa training at allocation ng desk mo" sabi nito.

"T-tapos na ang speech ni sir Aiden?" tanong ko naman.

"Oo. Maikli lang naman ang speech niya dahil may meeting pa ata" sagot nito.

"Ok sige salamat. Susunod na ko" wika ko dito bago lumabas.

Nakayuko kong tinahak ang direksyon ng elevator, habang iniiwasang makipag eye contact kahit na kanino.

Malakas na tumunog ang elevator matapos nitong huminto sa ikalabing-dalawang palapag. Ramdam ko ang mapanuring tingin ng mga empleyado sa akin. Yung iba ay biglang nagbulungan habang yung iba naman ay pilit akong nginitian.

"Okay everyone, hanapin niyo yung name nakadikit sa wall ng cubicle ninyo. Iyon ang inyong magiging desk from now on. The one sitting next to you are the current employees ng kumpanya at syang magiging training partner ninyo during your probationary period. Sila ang inyong go to person kapag may mga katanungan kayo." Anunsyo ni Claire sa lahat.

Madali kong nahanap ang aking lamesa. Nasa may bandang gitna ito, katabi ng ilang baguhang empleyado.

"Good morning! Ako si Kayren. Kay for short" nakangiting bati sa akin isang babae kasing edad ko.

"Hi ako naman si Lucas del-" naputol ang aking pagpapakilala dito.

"Ay kilala ka na namin, after nang nangyari this morning..... medyo naging popular ka." nakangiting biro nito

"Pwede wag mo nang ipapaalala sa akin? Nakakahiya ang first impression ko!" natatawang pahayag ko naman.

"Ay naku! Okay lang yun! Sa umpisa ka lang magiging topic pero lilipas din yan! I'm sure mapapalitan din nang pag chichismisan ang mga yan" pagpapalubag loob nito.

"Naku sana nga!" Sabay kaming nagkatawanan nito.

Pagkatapos ng maikling pag-uusap na iyun ay agad naming inumpishan na mag trabaho ni Kay. Magaling magturo ang babae at straight to the point kung sumagot sa mga aking katanungan. Kaya naman matapos ang kalahating araw na kasama ito, ay mabilis kong naunawaan ang mga dapat kong gawin.

"Ang bilis pala ng pick up mo noh!" Puri nito.

"Magaling ka lang kasing magturo" sagot ko naman na kanyang ikininangiti.

Madali kaming naging magkasundo.

"Okay team meron akong announcement. May challenge na ibibigay si Sir Aiden para sa inyong lahat" paumpisa ni Claire.

"Anong challenge ma'am?" tanong ng isang empleyado.

"He's giving all of you two weeks to design and make a proposal about a new system, software ugrades and process improvent to help the company." Paliwanag ng babae.

Nagsimulang mag bulong-bulungan na parang mga bubuyog ang mga empleyado.

"Kailangan ninyong makipagtulungan with your training buddy in order to achieve this. Automatic promotion ang reward sa team na mapipili. That's all everyone. If you have any questions, please come and see me personally" wika nito bago umalis.

I Love My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon