••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••
The Proposal
••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••
Sa isang malapit na Italian restaurant kami kumain. Tahimik lang akong nakamasid habang si Aiden na ang umorder para sa aming dalawa.
"Hmmppp! Di man lang ako tinanong kung saan at ano ang gustong kong kainin! Kalerki! Siya lang ang nag decide!" Bulong ko sa sarili.
He ended up staring at me the entire time na nakaupo kami hanggang sa dumating ang mga inorder nitong pagkain. Medyo nakaramdam ako ng pagka-asiwa dahil parang kinikilatis nito ang aking buong pagkatao.
Bigla akong pinamulahan ng mukha matapos hindi sinasadyang magtama ang aming mga mata. Minabuti kong tingnan na lamang ang pagkaing inihahain ng waiter sa aking harapan.
"In fairness mukhang masarap" bigla akong nakaramdam ng gutom.
"Tara! Kain na tayo. Gutom na rin naman ako" basag nito sa katahimikan.
Sabay kaming nagsimulang kumain.
Besides the awkwardness of it all, nagawa ko pa ring i-appreciate ang lasa nang pagkain.
"How are you finding food?" tanong nito makalipas ang ilang sandali.
"S-sir?!" muntik na akong masamid.
"Sabi ko, how are you finding the food?" ulit nito.
"Masarap po sir" maikling sagot ko.
"Can you be a little bit more relax around me? Di naman ako nangangagat unless gusto mo?" nanunuksong biro nito sabay kindat sa akin na naging dahilan upang tuluyan na akong masamid.
"Bwisit! Pasalamat ka amo kita!" sabi ko sa sarili.
Minabuti ko na huwag na lamang pansinin ang huling sinabi nito.
"Overwhelmed lang ho siguro ako sir. Sino ba naman po kasi ang mag-aakala na sa dinami-dami ng tao sa mundo eh kayo po pala ang magiging boss ko" katwiran ko.
Kunot noo akong tinitigan nito na para bang may malalim na iniisip. Lalong tumindi ang aking pagka-asiwa.
"Sir pwede po bang magtanong?" sabi ko dito.
"Go ahead" ngumiti muli ang lalaki.
Doon ko lang napansin na may dimple pala ito sa kanyang dalawang pisngi na lalong nakadagdag sa charisma ng negosyante. Pati ang mga ngipin ay ubod din sa puti na tinernohan pa ng mapupulang mga labi na tila ang sarap halikan!
"Magaling kaya humalik si sir?" tanong ko sa sarili.
"So... the question?" Pukaw nito sa akin. Di ko namalayan na napapatagal na pala ang pagkakatitig ko dito.
"Sorry sir, my mind were elsewhere" namumula kong paliwanag sa kaharap.
Makahulugang ngiti lang ang isinagot nito sa akin na para bang nabasa nito ang aking iniisip. Tila nanunukso pa nitong dinilaan ang kanyang labi para tanggalin ang naiwang sauce sa bibig nito.
"Hmmpp! Puro kasi kalandian ang iniisip ko, yan tuloy nakakahalata na ata ang kapre!" lihim kong pinagalitan ang sarili.
"Ano sir, curious lang po ako bakit ninyo ako niyayang mag lunch?" tanong ko dito.
"I have been meaning to thank you for all your help but you ALWAYS disappear on me" sagot nito "plus, I also have a proposal for you" dagdag pa nito.
"P-proposal sir?!" biglang bumilis ang tibok ng aking puso.
"Yes, a business proposal" paglilinaw ni Aiden.
"Kalerki! Akala ko naman kung ano na!" bulong ko sa sarili
"Ano pong proposal sir?" tanong ko.
"I'm looking for a stay-in nanny na tutulong sa akin para mag-alaga sa anak ko and I think you will be the right person for the job" paumpisa na nito.
"Excuse me??!! Mukha ba akong tsimay? Isubsob kaya kita dyan sa plato mo!" sabi ko sa sarili at parang nabasa ni Aiden ang aking nasa isip dahil bigla nitong dinugtungan ang kanyang paliwanag.
"Hear me out first before you say anything" huminga ito ng malalim bago nagpatuloy. "You dont need to do anything bukod sa tulungan akong alagaan ang anak ko after work. You will stay at my home which is only 30 minutes away from the work place. And I'll pay your services on top of what my company is already paying you, without the tax. I'll transfer the payment directly to your bank account"
"Tempting! Doble ang source ng income ko tapos mag-aalaga lang ako ng cute na bata! Kering-keri yan! Sanay na naman ako dahil madalas akong mag babysit dun sa dalawang anak ni kuya Kiel"
Mukhang nakahalata si Aiden na kinokonsidera ko ang kanyang sinabi kaya nagpatuloy ito sa pagpapaliwanag.
"Of course I'm a reasonable man, I will make sure na less ang work load mo sa office para hindi ka masyadong mapagod. And since you will be staying with me, I will pay you double the salary rate I would normally pay a nanny. You can also go home every Sunday dahil hindi ako pumapasok ng Linggo to make sure I spent time with him"
"Wow! Doble ang bayad?! Businessman talaga ang loko! Magaling mangumbinsi!"
"And like I said, your only job is to help take care of him, you don't need to do any housework or anything" ulit nito "at least think about it okay?"
"Bakit ako sir?" tanong ko dito
"Because your a good man and my baby doesn't easily get along with anyone pero ikaw, iba ka! There's something special about you." sagot nito habang nakatingin sa aking mga mata. Ramdam ko ang sincerity nito.
"Pag-iisipan ko muna sir"
"Let me know in one week, I think that is more than enough time for you to decide"
"Abaw! Talagang binigyan pa ako ng deadline"
••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••
![](https://img.wattpad.com/cover/322885894-288-k215689.jpg)
BINABASA MO ANG
I Love My Boss
RomanceR18+ Mature Content Gay Story Don't forget to vote and comment