Chapter Twenty

865 35 0
                                    

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Round two Part 1

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Naging maayos ang mga sumunod na pag-uusap namin ni Aiden. For the first time, simula ng makilala ko ang lalaki ay naging at ease ang pakiramdam ko rito. Nawala na ang pagka-ilang na aking nararamdaman para sa kapre.

Marami rin akong nalaman tungkol kay Aiden, from his professional life hanggang sa medyo personal na buhay nito.

Napag-alaman ko na nakapag-tapos si Aiden sa U.S. at siya na ang nagpalago ng business ng kumpanya nila mula matapos nitong mag take-over dito.

Parehong pilipino ang magulang ni Aiden at kasalukuyang naninirahan sa Amerika kasama ng isa pa niyang kapatid na lalaki. Dahil na rin sa laki ito sa ibang bansa, hirap magtagalog ang lalaki.

Active din si Aiden at mahilig ito sa sports. Napag-alaman ko na black belt pala ito sa taekwondo at Brazilian jujitsu. Mahilig din itong mag karaoke katulad ng typical na pilipino at ayon dito ay marunong din itong mag-guitara.

Tuloy-tuloy ang aming naging kwentuhan at pareho naming hindi namalayan ang takbo ng oras. Nagulat na lamang kami ng marinig naming pareho ang iyak ni Alexie mula sa baby monitor.

Pinauna na ako ni Aiden na umakyat sa taas para puntahan ang bata habang siya na daw ang magliligpit ng aming kinainan. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso ng maalala ko ang pangako nito na may round two pa daw kami.

Tiningnan ko ang oras sa wall clock at nakitang alas otso kwarentay singko na nang gabi. Dali-dali akong umakyat sa taas sa kagustuhang mapatulog agad ang bata para matakasan ko ang ikalawang round na pangako nito! Plano kong magkulong sa sariling kwarto!

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Madali kong napatulog ulit si Alexie. Nagising lang ito dahil kailangan na palang palitan ang diaper ng bata. Matapos kong gawin iyon ay tinimplahan ko na ito ng gatas at tinapik-tapik. Mabilis na muling nahimbing sa pagtulog ang bata.

Dahan-dahan akong lumayo sa crib nito papaatras sa pintuan. Laking gulat ko ng mapasandal ako sa matigas na katawan ni Aiden. Hindi ko namalayan o naramdaman ang pag pasok nito sa kwarto!

"You're not planning to sneak out and hide from me, are you?" bulong nito gamit ang pilyo at nanuksong boses.

"A-aiden?!" gulat na tanong ko.

"Hmmm.... looks like I was right! Good thing I came up right away" inilapit nito ang labi sa king tenga.

Mabilis din nitong inilinkis ang isang kamay sa aking bewang mula sa aking likuran!

"M-may pasok pa bukas kaya m-mas mabuti kung mag pahinga na tayo" palusot ko.

"I'm sure your boss wouldn't mind if you're late tomorrow because I'm pretty sure he will be too!" kahit hindi ko ito nakikita ay ramdam ang pag ngiti nito.

"Besides I'm a man of my words so I must keep my promise" napalunok ako dahil sa tinuran nito.

"Shall we begin" anito at bigla ako nitong binuhat.

Para kaming magha-honeymoon dahil unti-unti ako nitong dinala sa loob ng kanyang sariling kwarto gamit ang adjacent door.

"Shit! Shit! Shit!" halo-halo ang emosyon na aking nararamdaman.

I Love My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon