Chapter Twenty-Six

742 34 0
                                    

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

You need a distraction

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

"Uggghhh!" Malakas na aking buntong-hininga habang naiinis na inilalayo ang mga dokumento sa aking harapan.

Mahigit isang linggo na ang nakalilipas mula ng ma-ospital si Alexie at ganun na rin katagal kong pinag-aaralan at sinusuri ang mga financial record ng kumpanya at hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakikitang paper trail ng mga anomalya sa report.

"Diyos ko lord, I hope may progress na si Kay kasi ako hanggang ngayon wala pa" taimtim kong dasal habang dahang-dahang minamasahe ang aking ulo.

"What's wrong?" tanong ni Aiden mula sa aking likuran.

"A-aiden?!" bahagya akong nagulat "wala naman, medyo stress lang sa paghahanap ng paper trail" paliwanag ko dito.

"Don't stress. I am not in a hurry to find evidence right away. Just take your time and do it right. I believe in you" nakangiting sagot nito habang dahang-dahang minasahe ang aking balikat.

"Thank you" lihim akong napangiti sa sinabi ng lalaki "siguro medyo disappointed lang din ako kasi I was hoping to make some progress today kaya hindi ako umuwi sa amin ngayong day-off ko pero parang balewala lang din"

"Relax. As I said to you before, no pressure okay?" sabi nito matapos nitong hawakan ang aking baba upang iharap sa mukha nito.

Napatingin ako sa mga mata nito at nakita ko ang sinseredad sa sinabi ng lalaki.

"Shit! Sobrang gwapo talaga ng kapre sa malapitan!" bulong ko sa sarili.

Napansin ko rin ang pagdako ng mga mata ni Aiden sa aking mga labi. Para naman akong nahipnotismong napapikit at nag-expect ng halik mula rito subalit matapos ang ilang segundo ay hindi ko nararamdaman ang pagdampi ng mga labi nito sa akin.

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at halos mamatay ako sa kahihiyan ng makita ang nakakalokong ngisi ng lalaki.

"I think you need a distraction..... why don't we go on a date and then you can come back to it with fresh eyes" nakangiting pahayag nito sabay kindat sa akin.

"Tukso kang hudas ka! Hmppp! Magdate ka mag-isa mo! Che!" lihim akong naiinis sa sarili dahil muli nanaman akong nahulog at nadala sa kapilyuhan nito "Huwag kasi masyodong assuming!"

"It's fine. Maglalakad-lakad na lang ako sa labas to help me relax" naka-irap kong sagot dito.

Tumayo ako upang ligpitin ang aking mga gamit ng biglang hawakan ni Aiden ang aking kamay at sapilitan akong iniharap sa kanya.

"Why do you look annoyed all of a sudden?" pilyong tanong nito habang pilit nitong hinuhuli ang aking tingin.

"Bwisit! Nagtanong ka pa? Che!" mas pinili kong sarilinin ang inis na aking nararamdaman at manahimik na lamang upang hindi na lalo pang lumaki ang ego nito subalit ayaw nitong magpaawat.

"Did you really want me to kiss you that bad?" nanunuksong tanong nito sa akin.

"Che! Wala na ako sa mood!" di pa rin ako kumikibo.

Pilit kong itinutulak ang lalaki palayo sa akin at katulad ng dati ay di man lang ito natinag dahil di hamak na mas malakas ito kaysa sa akin.

"I was only teasing you" nakingiting sabi nito sa akin sabay hawak sa aking mukha ng dalawang kamay nito "It's good to know that you want me as much as I want you" dag-dag pa nito.

"Aiden, wala ako sa mo-" hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin dahil biglang akong hinalikan ng lalaki.

Mabilis at mapusok ang naging paghalik nito na naging dahilan upang manlambot ang aking mga tuhod.

Hindi ko napigilang itukod ang aking mga kamay sa lamesa upang hindi ako tuluyang bumagsak. Napaungol ako sa pagitan ng aming halikan at naramdaman ko ang pagkabuhay ng aking ari kasabay ng matigas na pagbundol ng sariling pagkalalaki ni Aiden sa akin.

"Go get ready otherwise I'll just end up carrying you back to the bedroom and ravish you instead" sabi nito matapos lumayo sa akin..

Para nanaman akong wala sa sarili na napahawak sa aking mga labi.

"Bwisit!"

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

I Love My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon