Chapter Twenty-Four

717 24 0
                                    

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Level-up

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Sinubukan namain ni Aiden na maging professional at seryoso kapag nasa opisina, subalit may mga pagkakataon na hindi talaga mapigil ng lalaki ang sarili na sumimpleng hawakan at pisilin ang aking kamay kapag walang nakatingin.

May pagkakataon din naman na mabilis itong nagnanakaw ng halik kapag nagkakasabay kami sa banyo.

Noong una ay medyo takot at asiwa ako na baka may makakita sa amin pero habang tumatagal ay unti-unting na rin akong nasanay sa kapangahasan nito.

"Hayup sa galawang hokage ang kapre! Hmpph!" minsang nasabi ko sa sarili matapos akong siilin ng halik ng lalaki sa loob ng cubicle.

Halos mamaga ang aking mga labi ng bumalik ako sa aking lamesa.

Nakangiti at kinikilig naman akong tiningnan ni Kay matapos akong mapansin nito. Kumindat ito upang ipaalam sa akin na alam niya na may kababalaghan kaming ginawa ni Aiden. Ngiti lamang ang isinasagot ko sa babae upang hindi na humaba pa ang usapan.

May mga kapansin-pansin na pagbabago din sa aking personalidad at hindi lamang si Kay ang nakapuna nito, maging ang aking mga magulang, kuya at ilang katrabaho ay nakahalata na parati akong masaya, inspired at laging nasa good mood.

"Friend araw-araw ka atang blooming these days! Lagi ka bang nadidiligan?" pabirong tanong sa akin ni Kay ng minsang mapansin nito na napapangiti ako ng mag-isa habang nagtatrabaho.

"Hmmpp! Wala pa ngang diligang nagaganap eh! El nino pa rin hanggang ngayon" bulong ko sa sarili.

"Ikaw talaga kung ano-anong napapansin mo" nakangiting sagot ko dito.

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Pagdating naman sa bahay ay palagi kaming magkasabay ni Aiden kung kumain at kapuna-puna din ang madalas naming pagkukwentuhan. Habang tumatagal ay unti-unting dumadami ang nalalaman ko tungkol sa lalaki at ganun din naman ito sa akin.

Isa pa sa mga pagbabagong naganap sa aming dalawa ay ang pagtatabi namin sa pagtulog. Noong una ay ayokong pumayag subalit madaling nakuha ni Aiden ang kiliti ng aking katawan at isa ito sa naging sandata ng lalaki para ako ay mapasunod sa bawat naisin nito.

Kinalaunan ay nawalan na ako ng lakas makipagtalo dahil alam ko na wala rin naman itong patutunguhan. Maging ang aking personal na gamit tulad ng damit, toothbrush at twalya ay unti-unti ng napunta sa kwarto ni Aiden. Di nagtagal ay nagkaroon na rin ako ng sariling space sa loob ng closet ng lalaki.

Kahit malaki na ang nai-level-up ng aming relasyon ay hanggang foreplay, blowjob at halikan pa lamang ang namamagitan sa amin. Hindi naman ako nagtatanong kung bakit dahil ayokong magmukhang desperado at dahil na rin sa kaunting takot na aking nararamdaman sa laki ng sandata ni Aiden.

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Naging abala kami ni Kay sa trabaho ng mga sumunod na araw. Halos wala na kaming oras magkwentuhan o kumain sa labas katulad ng dati para lamang madali naming matapos ang task na ibinigay sa amin ni Aiden. Hindi ito naging madali sapagkat habang tumatagal ay dumadami ang mga anomalya na nakikita namin.

"Kay napansin mo ba yung pattern ng fluctuation sa finances ng kumpanya between 2014 at 2015?" tanong ko sa babae matapos naming maipasok ang mga data sa bagong software.

"Oo friend, medyo weird nga eh dahil sa month lang ng June at December tayo nagkaroon malaking expenditures for both years" sagot naman nito.

"Do you think it's a coincidence?" tanong ko ulit dito.

"Maybe, kasi sobrang busy ang kumpanya kapag December dahil peak season ito at noong 2015 naman ay nagkaroon ng renovation sa 3rd floor so baka nagkataon lang talaga" paliwanag nito. "I think it's better if we wait kapag nagawa na natin yung 2016 financial report and decide from there if we need to dig deeper into this" dag-dag pa nito.

"Okay sige" sang-ayon ko sa babae.

Ilang sandali pa ay biglang nag-vibrate ang aking cellphone. Nakita ko na lumabas ang caller ID ni manang Esang.

"Hello manang, bakit napatawag po kayo?" bungad ko dito.

"Sir Lucas, may emergency po, isinugod ko po sa ospital si Alexie" sagot nito sa akin.

Bakas ang matinding pag-aalala at pagkabahala sa boses ng matanda.

"Bakit manang anong nangyari?" napatayo ako sa aking kinauupuan.

"Ang taas kasi ng lagnat ng bata at iyak na ng iyak"

"Alam na po ba ni Aiden?" usisa ko.

"Hindi ko ma-contact si Ramon at si sir, pero nag-iwan na ako ng mensahe sa opisina sa Ortigas at Paranaque para ipasabi kay sir na nasa ospital kami" paliwanang nito.

Halata ang panic sa boses ng matanda

"Manang kalma lang kayo" sabi ko dito "nasaan po bang ospital kayo ngayon?" tanong ko sa babae.

"Nasa St. Vincent Hospital kami."

Sinabi ko kay Kayren ang nangyari at nagpaalam ako dito na mauuna na muna akong umuwi para puntahan si Alexie.

Agad naman akong naintindihan ng babae at sinabing siya na ang bahalang magpaliwanag kay Raffy na may emergency ako.

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

I Love My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon