Chapter Seven

1K 43 0
                                    

•~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Decision

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

"Bakla halika dito dali" nagmamadali akong hinila ni Kay pagkabukas ng elevator.

Dinala ako ng babae sa loob ng printing room kung saan walang tao at tsaka parang pulis na nag-interoga.

"So spill it! Ano ang relasyon mo kay Sir Aiden?" usisa nito.

"B-bakla?!" Bahagya akong namutla.

"Bakit di ba totoo? Nung una di ako sure kasi lalaking-lalaki ka kung kumilos at manalita, pero after ko makita ang reaction mo kay sir Aiden kanina eh nasigurado ko na certified berde ang dugo mo" sagot nito na aking ikinatahimik.

"Wait are you in the closet? Don't worry di naman ako judgemental, in fact yung younger brother ko eh gay din at mas ladlad pa sayo" sabi nito ng matapos makapag isip-isip "sayang lang kasi ang gwapo mo pa naman! Not in a masculine sort of way katulad ng looks ni sir Aiden pero yung tipong boy next door ang dating!"

"Di naman ako closeted. Open naman ako sa pamilya at sa ilang close friends ko"

"Then consider me your close friend!" sabi nito sabay nanggigigil na humawak sa aking braso "So spill! Dali at kinikilig aketch!"

"Bakit ka naman kikiligin? Eh mas diretso pa sa pako yung boss natin at tsaka isa pa wala naman kaming relasyon. Tinulungan ko lang siya ng ilang beses, without knowing who he was and that's it"

"Ay naku pwede ba wag kang basag trip. Just let a girl fantasize. Fan kaya ang lola mo ng BL" nakangiting sagot nito

"BL?" kunot noong tanong ko

"Ano fi kungdi boys-love" natatawang sagot nito kaya pati ako ay hindi napigilang humalakhak.

"Anyway wag mo i-change ang topic! Gusto ko ng details kaya umpishan mo nang magkwento dali"

Madali kong nakagaanan ng loob si Kayren kaya naman di ako nagdalawang isip na ikwento dito ang naging encounter namin ni Aiden at kung papano ko rin siya tinulungan.

Kinaligtaan ko lamang ang detalye tungkol sa embarassing moments ko everytime na magkikita kami para hindi niya ako tuksuhin.

Hindi ko rin sinabi sa babae ang tungkol sa proposal ni Aiden dahil masyado na itong personal para sa akin.

"So bakit ka nya inayang mag lunch?!" usisa pa nito.

"It's nothing more than a thank you para sa naitulong ko sa kanya" sagot ko ngunit halatang hindi ito kumbinsido.

Lumipas ang ilang sandali bago ito muling nagsalita.

"So..... about sa challenge, mayroon akong ilang idea kung ano ang pwede nating gawin" nakahinga ako ng maluwag nang kusa nitong iniba ang takbo ng usapan.

"Ako din" tugon ko bago kami bumalik sa aming lamesa para magtrabaho.

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Mabilis na lumipas ang isang Linggo at ilang araw ko ding hindi nakita si Aiden, which helped me a lot as I slowly get used to my new environment.

Mabilis ang naging progress namin ni Kay tungkol sa proyekto at isa ang team namin na mabilis nag advance sa developement and design stage.

Likas na masipag at matalino ang babae kaya wala kaming naging set back kumpara sa ibang teams.

Nakapag desisyon din ako na tanggapin ang offer ni Aiden para na rin sa extra income.

Inisip ko na malaki ang magiging tulong nito sa pag-iipon ko ng pera para sa future. Kailangan ko lang sanayin ang aking sarili na dapat laging professional ang aking mga kilos para hindi ako mapahiya all the time.

I also figured na hindi naman permanente yun, hanggang sa maka ipon lang ako, then I will quit. Nakakapanghinayang lang ang opportunity kapag hindi ko sinungaban.

Akala ko ay ipapatawag ako ni Aiden sa kanyang opisina para sa aking sagot o kaya naman ay papadalhan ako nito ng e-mail o tatawagan sa telepono. Laking gulat ko ng bigla na naman itong sumulpot sa aking cubicle habang nagkukwentuhan kami ni Kay.

"Let's have lunch Lucas" paanyaya nito.

Wala man lamang na 'hi' or 'hello' at di man lang ako tinanong kung gusto ko bang kumain. Basta na lamang ito tila nag-utos.

"Hmmpp!!! Kung maka-Lucas wagas! Samantalang di naman kami close! Tse!"

"Ay sir katatapos ko lang po naming kumain ni Kayren" kontra ko naman.

"Is this true Ms. Peralta?" baling nito sa babae.

"Opo sir kumain na po kami pero sandwich lang. Hindi naman po nakabusog yun" sagot nito sa aming amo bago bumaling sa akin. "Tsaka diba sabi mo Lucas parang gusto mo pang kumain sa labas kanina?" pa-inosenteng tanong nito.

"Traitor!" pinandilatan ko ito ng mga mata.

"That's good then. Let's go" nainis ako sa finality ng boses nito.

"Hmmpp!!Bwisit na kapre to!! Sanay na sanay na maging boss!! Lahat ata ng tao eh ine-expect niyang susunod sa bawat gusto niya!"

"Sir pwede naman pong i-send ko na lang sa inyo via e-mail iyung tungkol doon sa issue na napag-usapan natin last week" mungkahi ko dito.

Nanliit ako matapos lumapit nito sa akin. Malaki ang agwat ng aming height. Parang itong tore na kailangan kong pang tingalain.

"We're having lunch Lucas and that's not open for negotiation" sabi nito habang nakatitig sa aking mga mata.

Para naman akong nahipnotismong napatango na lamang sa lalaki, without realizing I did it!

"Good! Let's go!" bigla nitong kinuha ang aking bag pack at nag simulang magtungo sa elevator.

Napatingin ako kay Kayren at nakitang sobrang lapad ng ngiti ng babae. Narinig ko rin ang simula ng ugong ng bulungan nang ibang empleyado.

"Shit!"

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

I Love My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon